*** Naglagay ng mesa si Tito Joey sa katabing mga mesa ng kaibigan ni Eliza. Napatingin ako kay Caleb na seryoso lang na nakaupo sa tabi ko. Binalewala ko na lamang ang sinabi nito kanina. Nagpakuha kami ng litrato kasama si Eliza.Si Caleb na nasa kaliwang gilid ko at sa kanan ko si Eliza na siyang katabi ng magulang niya. May kuha pang nasa likuran namin ni Eliza si Caleb na nakahawak sa balikat namin. At ilang litratong kasama ko si Eliza at Tita Neri, at litratong kasama ko si Caleb ganundin si Tito Joey. "'My! Sandali!" si Rico. Napangiti ako sa pagdating ni Rico. Humalik ito sa kapatid. "Happy birthday Kulit!" bati nitong inabot ang regalo. Bumaling ito sa akin na yumakap saglit. "Thank you kuya!" sagot ni Eliza. "Parang lumalaki ka na! I mean si baby..." aniyang ngiting haplo

