*** "Okay ka lang?" Napatango ako ngunit ramdam ko ang pagod at medyo sakit ng likod ko. Nag ayos ako ng ilang gamit at ilang dokumentong nagbilin na lang sa sekretarya ni Daddy. "I told you na sa bahay mo na lang ikaw magtrabaho, ang tigas kasi ng ulo" ani ni Caleb ng eksaktong sinundo ako mula sa opisina. Umalalay itong kinuha ang ilang gamit ko at bag. "I'm okay medyo naninigas lang ng konti ang tiyan ko, saka masakit ang likod ko" sagot ko, medyo pagod ako sa opisina at dagdag pang inayos ko ang problema sa work shop ng furniture business ni daddy. Masyadong maraming aberya at nag hahabol ako ng oras sa ilang pending na orders namin. "Do you want me to bring you to the hospital?" aligaga nitong tanong. "Hindi na, gusto ko lang magpahinga sa bahay, ihatid mo na lang ako" sagot ko.

