*** False labor. False labour ang nangyari. Nakahinga ako ng maluwag, ayokong manganak ng hindi sapat ang buwan ng anak ko. "You were exhausted Misis, isa yun sa nagtrigger ng contractions mo, you need to rest first... no strenuous activities muna po" paliwanang ng Obstetrician. "Good thing false labor lang po, kasi mas magandang full term natin idedeliver si baby" aniya pang muli. "Intact pa rin po ang cervix ninyo, and normal po ang findings ng ultrasound,negative po sa CTG report, walang labor contractions" aniya pang muli na matama akong nakikinig at si Caleb sa tabi ko. "Are you sure po?" sabad ni Caleb. "Yes Daddy, u-uhm medyo naexcite lang siguro si baby" ngiti ng doktor. "Okay na okay po si Mommy, ididischarge ko na rin po kayo agad" ani muli ng doktor. Nagpaliwanag pa ito

