*** Humawak ako sa braso niyang para makaatras ng konti. Napaangat ako ng tingin ng nakapikit itong napatigil, idinikit niya ang noo niya sa akin. Ramdam ko ang hangos at lalim ng hininga niya. "I-i'm sorry" bulong nitong aatras sana ako ngunit mabilis siyang humawak sa baywang kong ikinulong ako sa bisig niya. "Caleb... please, wag... wag ganito" mahinang sagot ko. Nakapikit pa rin itong inihilig ang ulo ko sa dibdib niyang yumakap ng mahigpit. Hindi ako makakalas. "Caleb..." "I know, i'm sorry hindi ko talaga napigilan eh" bulong nitong humahaplos sa ulunan ko. Ramdam ko ang lakas ng t***k ng puso niya. "I'm sorry, don't get mad at me, don't avoid me again" bulong pa rin nito. "Caleb please, wag ako... sa iba ka na lang tumingin yung mas nababagay sayo" sagot kong mapakalma, at

