*** Medyo intimate ang inorganisa ni Eliza na baby shower na party para sa akin inimbita lamang niya ang mga malalapit niyang mga kaibigan, samantalang ako ay si Lirma lamang dahil siya lang naman ang pinakamalapit kong kaibigan bukod kay Nina nuon. "Napagod ka?" tanong ni Giselle sa akin ng maupo ako sa gilid, sumama ito kay Rico sa pagluwas ng Maynila. "Eh, hindi naman masyado, si Eliza lang naman ang nagayos ng lahat ng iyan" sagot ko. Natatawa akong naisip na tama nga si Rico na para sa kanya ang inorganisa nitong party, hindi naman na ako tumanggi o kumontra pa, halata kay Eliza ang excitement para sa pamangkin. Napangiti si Giselle. "Close kayo no?" tanong nitong muli. "Oo, kasi nakasama ko siya noong naandito pa ang kuya niya" sagot kong tukoy ay si Ethan. Naging magkalapit na

