*** Natapos ang babang luksa nina Mommy. Nakaalis na rin si Kuya Sam. Dumiretso ako sa himlayan ni Ethan pagkatapos ko ng check up ko sa doktor ko. Tanaw ko Rico doon. "Sophie" aniyang humalik ss pisngi ko. Ibinaba ko ang dala kong bulaklak. "Sinong kasama mo?" aniyang tanong. "Si Manang Tere, pero nasa taxi na, hindi na bumaba" sagot kong turo ang taxi na naghihintay sa labasan. Tumango ito. "Galing ako sa doktor ko, follow up na check up, kaya dumiretso na ako dito" ani ko pang muli. "Hindi mo kasama si kuya?" baling nitong tanong sa akin. Umiling ako. Napakunot noo ako kung bakit niya naisip na kasama ko si Caleb. Tahimik lang si Rico na nasa tabi ko habang nasa harapan kami ng puntod ni Ethan. "He likes you" basag ni Rico sa katahimikan. "Huh?" "Si Kuya Caleb, gusto ka ni

