**** "Hindi ka pa ba uuwi sa pad mo?" tanong ko kay Caleb. Ilang araw na siyang narito muli sa bahay. Dito na rin siya nagtratrabaho at kung minsang kailangan niyang lumabas ay bumabalik pa rin siya dito sa bahay. "No... nagpaalam na ako sa Ate mo and I sent SMS to your kuya Sam, pumayag naman siya" sagot nito. Ani ni Ate Serena, mas kampante daw siyang may kasama kami ni Mang Tere dito sa bahay. "Are you hungry?" tanong nitong tumayo. Sumunod ako sa kitchen, nagtitimpla na ito ng gatas para sa akin. "Caleb..." "Hmm" aniyang hindi natingin. "Okay lang ba sa iyong naandito ka? Nauubos na ang oras mo dito sa bahay" wika ko. Lumapit siyang umupo sa tabi ko. "Believe me, this is where I want right now, Sophie" Hindi ako nakaimik. "Ubusin mo na yan para makapagpahinga ka na at mag wa

