*** Inilipat ako sa isang table. Nilagyan rin ako ng isang haircap. Ramdam ko ang kaba sa paligid, nilagyan na rin ako ng linya ng swero, at may inihandang parang oxygen pero anaesthetics daw yun. Masadong abala ang mga nurses sa paligid ko, kabado akong inda pa rin ang sakit ng tiyan ko, wala pa rin si Caleb. Nauna akong ipinasok dito sa labor room. "U-uhm y-yung kasama ko po?" tanong ko sa nurse habang inda ko ang sakit. "Ay si Sir po nagbibihis lang Ma'am" sagot ng nurse ng tanaw ko si Caleb na nakasterile na gown na rin at haircap. Nakadama ako ng konting kaluwagan. Gumiya ito sa tabi kong humaplos sa noo ko. "On labor ka pa rin sabi ni Doktora, hihintayin lang na mag fully dilate ang cervix mo" aniyang tinanguhan ko. Maya't maya ang sakit. Ramdam ko ang pawis kong panay punas n

