*** Nagpahatid ako sa eskwelahan ni Eli. Mukha akong lutang at wala sa sarili, iniisip ko ang nalaman ko ngayon, ilang araw na lamang ay ikakasal na kami. Halos ayos na ang lahat. "Dada!" takbo ni Eli kay Caleb ng sunduin kami. Binuhat niya ng agaran si Eli at hinalikan,gumawi siya sa direksyon kong humalik agad sa labi ko. Hindi ko siya matingnan ng diretso. "Okay ka lang?" aniya ng pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan niya. Napatango akong ngumiti ng tipid. Nag aya si Eli na dumaan sa ice cream shoppe ngunit tumanggi ako, para akong nahapo at nakaramdam ng pagod. Ramdam ko ang hawak ni caleb sa kamay kong pumisil doon. Pasulyap sulyap rin siya ng maya't maya sa gawi ko. "Okay ka lang?" aniyang humalik sa likuran ng palad ko. Tumango akong napatingin sa labas. "You don't look oka

