*** Dalawang linggo bago ang kasal. Halos ayos na ang lahat. Ramdam ko ang kaba at saya sa sarili. Mahal ko si caleb, alam kong mahal niya kami ni Eli. Pagkatapos kong ihatid si Eli sa Art class niya at tumungo ako sa himlayan ni Ethan. Tanaw ko si Rico doon. "Rico" kuha ko sa atensyon niya. "S-sophie..." Tahimik akong tumabi sa kanya. "Anong nangyari?" basag ko sa katahimikan. Huminga siya ng malalim bago ako tuluyang hinarap. "You are a sister to me Sophie... when you and Eli came into our life, nakakapanibago pero masaya ako, nang nawala si kuya I promise to him that I'll gonna look out for both of you" panimula nito. Napalingon ako sa gawi niyang napakunot noo. Medyo lito ako. "...and" tanong ko. "Do you love him?" tanong niyang lumingon sa gawi ko. "Oo" maagap na sagot ko

