bc

Not Yours

book_age16+
95
FOLLOW
1K
READ
dark
escape while being pregnant
powerful
self-improved
CEO
bxg
heavy
office/work place
weak to strong
friends
like
intro-logo
Blurb

Sa hirap nang buhay na kinagisnan ay pinangarap ni Abella Del Rosario na mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya. Umalis siya sa lugar na naging salamin ng mahirap na pamumuhay at pinili ang lumawas sa Maynila at makipagsapalaran.

Nakilala niya si Waylon Ash Palma, A handsome guy and wealthy CEO who is the talk of the town who's willing to give her everything na hindi niya kayang tanggihan.

Hanggang saan dadalhin ng kapalaran si Abella ngayong natutunan niyang mahalin si Waylon pero sinubok naman ng pagkakataon ang kanilang relasyon?

Tanggapin pa kaya siya nito kung isang gabi, naging biktima siya ng maling pagkakataon?

May sukatan nga ba ang pagmamahal ng binata at isusuko ang pag-ibig na akala niya ay totoo o magagawa nitong tanggapin ang isang tulad niya na marumi ang tingin ng ibang tao?

chap-preview
Free preview
Trahedya
"Tama na, Tama na po!" tumutulo na ang luha kong nagmamakaawa sa hindi pamilyar na lalaking kasama ko sa isang silid. "Matagal na akong nagtitiis sa 'yo, kaya pagbigyan mo ako." Walang awa na sagot niya. Ang gusto ko lang ay magtrabaho ng payapa pero ito ang nangyayari sa akin ngayon. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil wala akong lakas. Sana dumating ang taong inaasahan ko, kailangan ko siya. Panginoon, ikaw na po ang bahala. Malapit nang mahubad ang damit ko kahit na pilit kong pinipigilan ang lalaki na mahubad 'to. Nanghihina ako pero kailangan ko siyang pigilan, nagbabakasali ako na hindi niya magagalaw ang buong parte ko. Sinumulan niyang halikan ang leeg ko, habang ako, ay iniiwasan siyang tignan; patuloy pa rin ang agos ng luha dahil sa pandidiri at awa para sa sarili ko. Ilang minuto pa ang makalipas nararamdaman ko na ang kalalakihan niya sa iniingatan kong parte. I hope I am just dreaming. Nakakadiri. Walang hiya. Nakakasuka. Ngunit nagulat ako nang bigla mawala ang lalaki sa patungan ko dahil sa pagbukas ng pinto. Mayroong mga lalaki na pumasok, hindi ko sila maaninag dahil ang mga mata ko ay nanlalabo na dahil sa luhang lumalabas na kahit papaano ay gumaan ang loob ko. "Damn you! Hindi ka pa rin nagbabago," rinig kong sambit ng isa na may halong galit. Ramdam ko ang panghihina sa aking katawan at ang antok kaya ipinikit ko muna ang mata kong lumuluha. Ligtas naman na siguro ako kaya gusto ko munang matulog ngunit may bumuhat sa 'kin. "Saan n'yo po ako dadalhin?" bakas ang takot sa boses ko. "Calm. I won't do something bad. We will report this on police station," deklara ng lalaki. Umakyat ang kaba at nadagdagan ang takot sa aking mukha. Hindi pwede, maaaring malaman iyon ng pamilya ko. Ayaw ko na silang pag-alalahanin. Malaking kahihiyan na 'to para sa akin. "Parang awa niyo na, huwag na lang. Hayaan niyo na lang akong makaalis dito," pagmamakaawa ko. "Sapat na po na natulungan niyo ako," dagdag ko pa. "But, why?" tanong ng lalaki, hindi siguro makapaniwala. "You... was raped." "Ayoko po ng gulo pero salamat... kasi niligtas n'yo ako kaya... kung maaari paalisin niyo na lang ako rito." Niyugyog ko na ang kamay ng lalaki at ayaw ko na rin marinig ang huling salitang sinabi niya. Nakasuot ng itim na shirt at simpleng pantalon ang lalaki, ang mga kasama niya ay hindi ko na nakita dahil wala na kami sa kwarto kung saan naganap ang trahedya para sa akin-- sa pagiging babae ko. Kalaunan ay napapayag ko rin siya, kukuhain lang daw niya ang sasakyan niya pero tumakas na ako. Naghanap ako ng masasakyan patungo sa apartment namin. Inayos ko muna ang sarili ko sa loob ng taxi para hindi na ako masyadong magulo at marumi, pinipigilan ang luhang gustong tumulo. "Oh! Ano'ng nangyari sa 'yo?" Nag-aalalang tanong sa 'kin ng kaibigan ko, si Ainsley. "Wala lang 'to... maliligo muna ako." Nanginginig kong sagot. Binuksan ko ang gripo at sunod-sunod nagbuhos kasabay ng luha na lumalandas sa pisngi ko. Hindi ko mapigilan ang mandiri, ano na lang ang sasabihin sa 'kin ng nobyo ko kung malalaman niya 'to. Natatakot ako sa magiging reaksiyon niya, baka iwan niya ako. Hindi siya karapat- dapat sa gaya ko na binaboy. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana ay hindi na ako sumama sa mga katrabaho ko na magsaya. May kahahantungan pala sa huli pagtapos mo maranasan ang kasiyahan. "Umiyak ka ba? Akala ko ba ay may party kayo?" bakas sa boses ng kaibigan ko ang pag-aalala. "Maaga lang ako umuwi... may sakit kasi yung bunso namin sa probinsya kaya naiyak ako," pagdadahilan ko at ngumiti ng pilit. "Akala ko break na kayo ni Waylon eh," aniya. Gusto ko siyang makita ngayon kaso nakakahiya at nakakadiri ako. Hindi kasi siya nakasama sa selebrasyon namin kahit siya ang boss dahil may family dinner sila at hindi ako sumama kahit pinipilit niya ako. Kung sumama pala ako, hindi sana mangyayari 'to. Gusto ko ng makita ang pamilya ko, mas lalo akong nananabik na makita sila lalo na sa nangyari sa 'kin. Ayoko nang makaabala ng ibang tao, ayokong sabihin sa kanila, baka pandirihan din nila 'ko. "Matutulog ka na? Sa labas muna ako, ah. Sabihin mo lang sa 'kin kapag may kailangan ka." tumango lang ako bago niya isara ang pinto at pinatay ang ikaw. "Bakit... 'to nangyari sa 'kin." Hikbi ko, sana nasagasaan o nanakawan na lang ako, hindi yung ganito. Hindi ko alam sa sarili ko kung paano 'to sasabihin kay Waylon pero dapat... ayoko na dagdagan pa ang galit ng pamilya niya sa 'kin at ayoko na magalit siya sa 'kin. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa sobrang sama ng loob at pagkabigo sa sarili ko, naggising lang ako sa isang masamang panaginip. "Tama naaa!" sigaw ko at napabalikwas ng bangon. "Bella, ano nangyayari? May masakit ba sa 'yo?" pagbukas ni Ainsley ng pinto. "Wala... wala, may masama lang akong panaginip," sagot ko sa kaniya at pinunasan na ang luha. Bakit kahit sa panaginip ko ay naaalala ko kung paano ako ginalaw at hinalik- halikan. Kung sasabihin ko sa iba, lalayuan din nila ako. Sa sarili ko pa lang, diring- diri na ako. "Seryoso ba wala lang? Naunsa man ka?" si Ainsley. "Oo, salamat talaga. Pero huwag ka nang mag-alala, ayos lang talaga ako." Ngumiti ako sa kaniya para sabihin na hindi ako nagsisinungaling. Lumabas na lang ako at hindi na natulog dahil panigurado mapapanaginipan ko rin 'yon. Kumuha na lang ako ng libro para magbasa, si Ainsley naman ay lumabas para mag-inom ulit. Masyado ko na siyang naabala. "Babe... I went to where you go earlier but you wasn't there already. Nakauwi kaba nang maayos?" Mula sa kabilang linya. Wala akong balak sagutin dahil kanina pa siya tumatawag. Para akong bata na lumakas dahil sa malalim na boses niya. I was stopping myself to cry pero ayaw talagang huminto buti naagapan kong i-off ang mic para hindi niya ako marinig. "U-uh, oo. Hindi naman kasi ako... sanay mag-inom. Kamusta pala family dinner niyo?" "It went well but it will be perfect if you come with me. Anyways... I have an urgent meeting abroad, babe." Mas lalo akong nalungkot. Mag-isa ko lang pala talaga 'tong haharapin. Isang bangungot na kahit paggising ko ay nandiyan pa rin. Ang galing ko naman. Hindi niya nahahalatang umiiyak ako. "Wow! Kailan pala ang alis mo?" "Later na, madaling-araw." Nagpaalam na kami sa isa't-isa pagtapos niyang ipaliwanag kung bakit. "I love you so much!" huling litanya niya sa tawag. Ilang linggo na ang lumipas pero sariwa pa rin sa 'kin, nagtataka na nga ang mga kasama ko rito sa apartment kung bakit hindi ako pumapasok. Bukod sa wala naman si Waylon na halos isang buwan na, may pangamba pa ako. Natatakot pa kasi ako baka mamaya ay nand'yan pa ang bumaboy sa 'kin, malaki lang talaga ang pasasalamat ko sa mga lalaki na tumulong sa 'kin kahit hindi ko sila masyadong namumukhaan, ang isa lang na nakausap ko. It was unforgettable tragedy in my life and will always haunt me. Ang lalaki kayang dahilan nito ay nagsisisi? O, ako lang? Wala naman akong maling nagawa pero bakit ganito. Nasa kalagitnaan ako ng kain nang maramdaman ko ang pagduduwal at pagkahilo sa hindi malamang dahilan, ilang araw ko na itong nararamdaman at ayokong tanggapin ang hinuha ko. Kinuha ko na lang ang pregnancy kit na binili ko para subukan. Tutal, ako lang ang mag-isa rito ngayon. I peed the pregnancy kit and in that, I wasn't able to move. May dalawang pulang linya. Hindi... hindi puwede. Hindi ko pa nga nakukuha ang dahilan kung bakit ako pumunta rito tapos ganito ang mangyayari sa akin? A tears as stream formed in my cheeks. It hurts. I am disappointed. Galit ako, sa sarili ko at sa taong ni-r**e ako. "Baby..." A familiar voice called me. Tatayo pa lang sana ako pero it was too late. "Are you pregnant?" boses ni Waylon. Ngayon pa siya dumating kung kailan mas hindi ako handa. Sa gitna nang namumuong galit at labis ng pandidiri. Ngayon pa na alam kong magiging huli na para sa aming dalawa. Unti-unti akong humarap sa kaniya, hindi na pinansin ang mga luha kong patuloy pa rin ang agos. Miss ko siya sobra. Gusto ko siyang yakapin kaso kung nandidiri ako sa sarili ko paano naman siya? "Oo... buntis... ako." Hindi ko alam bakit may namuong ngiti sa kaniyang labi. Umaasa ba siyang sa kaniya 'to? "Then, I am a fa--" "Hindi ikaw... ang ama... nito, Waylon." Bago pa siya matapos ay pinutol ko na ang sasabihin niya. Sa maganda niyang ngiti, kabaligtaran naman non ang nararamdaman ko. Bawat salita ay pinipiga ako dahil alam ko ang totoo. "Did you cheated on... me?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.0K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.6K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.2K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook