"Come on! Why are you shy to me?" tanong ng lalaki, nakangisi pa sa akin.
Hindi ko pa nga natatanong ang pangalan niya tapos tinanong niya ako niyan. Dahil makulit siya napilitan akong sumama sa kaniya, akala ko ihahatid niya ako sa apartment pero dinala niya rin ako sa mamahaling restaurant.
"U-uh, ano kasi... hindi ako sanay sa mga ganitong lugar at saka... mahal pala rito," nahihiya kong sagot sa kaniya.
Nang inabot pa lang sa 'min ang menu, nanlaki na ang mata ko sa presyo tapos marami pa ang in-order nitong kasama ko. Napapansin ko sa kaniya palagi siyang nakangisi. Natatawa ba siya sa akin?
"Galing kaba sa probinsya? It seems to you that you are."
Hala! Mukha siguro akong ignorante o di kaya'y hindi ako bagay sa mga ganitong lugar. Mas nahiya tuloy ako, siguro nga dapat marunong na 'ko manamit kagaya ng mga suotan dito sa Manila.
Hala! Sobrang halata ba sa 'kin? Maayos naman siguro ang suot ko ngayon hindi gaya nang nasa probinsya ako. Napaisip tuloy ako kung paano niya nalaman, sa bagay mahahalata naman siguro dahil sa pananalita ko.
"O...Oo, galing akong province. Nag-aapply kasi ako ng trabaho kaya nakarating ako rito," sagot ko at ngumiti.
Sakto naman dumating na ang pagkain kaya natigil ang pag-uusap namin. Dati, naiisip ko na makakakain din ako ng mga ganito, ngayon nasa harapan kona dahil sa lalaking kaharap ko.
"Act normal in front of me... think of me as your friend," pagpapagaan niya ng loob.
Unti-unti akong ngumiti sa kaniya. "Hindi ko alam ang sasabihin ko..." pinag-isipan ko pa dahil nabablangko ako. "Maraming salamat."
May mga lumalapit sa lamesa namin, naka-formal attire din sila kaya kapag hindi ako komportable ay yumuyuko ako. Tingin ko kasi ay huhusgahan nila ako, ewan ko nasanay lang siguro ako sa ganoon.
"Your new girl?" tanong ng isang lalaki, kasing edad ko lang siguro.
"Nah, just found her at the side of the road," mariin niyang sagot at ngumisi pa sa kaniyang kausap.
Pinaalis niya na ito pagtapos kaya nagsimula na kaming kumain. Ginagaya ko lang kung paano siya maghiwa ng karne para hindi ako magmukhang wala talagang alam dito, nagulat na lang ako nang ibigay niya ang kaniya.
"I can't resist seeing you having a hard time, magpalit na lang tayo." Hindi ko alam kung bakit palagi siyang nakangisi, kaya hindi ko masabi kung tinatawanan niya ako o trip niya lang ang mang-asar.
"Kapag nagkaroon ako ng trabaho at nagkita ulit tayo... puwede kitang bayaran," hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa presyo ng mga in-order namin.
"You can work under my company," alok niya.
Napahinto ako sa pagkain dahil sa sinabi niya. May-ari pa pala ng isang company itong kausap ko. Nangangapa ako ng isasagot dahil hindi ko alam kung papayag ba ako, syempre ang kapal naman ng mukha ko.
"U-uh... wala man ko kaba--" Nahinto ako sa pagsasalita nang mapagtantong ibang lenggwahe ang nasasabi ko. "Wala pa kasi akong masyadong alam na trabaho at saka baka hindi ako qualified."
Sinubukan kong labanan ang tingin niya sa mga mata ko pero masiyado akong naiilang na tumitig sa kaniya.
"That's why we have training ground. Lahat naman siguro sa una ay walang alam. I can offer you if you want para hindi ka na nakikipagsapalaran sa init ng araw."
Pinag-usapan namin ang tungkol sa trabaho. Gusto ko sana ay janitress na lang muna dahil sa paglilinis lang naman ang alam ko ngunit nag-aalinlangan itong lalaki. Marunong naman ako sa paglilinis at tingin ko ayon pa lang ang puwede sa 'kin.
"Don't lower yourself. You can work in office. We're having a long conversation without giving our names, I'm Waylon," pagpapakilala niya sa sarili.
Ngayon ko lang din napansin na hindi pa pala namin kilala ang isa't-isa tapos humahaba na ang usapan namin. Nilagay niya sa ere ang kamay niya para makipagkamay.
"Ano... ako si Abella pero puwede mo naman akong tawagin na Bella para hindi mahaba," tuloy-tuloy kong sinabi sa kaniya.
Mabuti nga wala akong palayaw na inday o kung anong palayaw na pamilyar sa probinsiya namin. Kadalasan kasi ganoon, kaya minsan nakakahiya dahil malayo sa totoo mong pangalan.
"Your name is soft as you, huh. So, the offer, Are you alright with that?"
"Ano kasi... baka puwedeng janitress na lang muna ako, hindi ko pa kasi alam iyang mga ganiyan pero magte-training naman ako," nahihiya kong sinabi. Ako na nga ang in-offer-an, namimili pa ako.
"Fine... This is our company address you can go there and state my name or... call me in my personal contact number."
Tumango na lang ako at binilisan na ang pagkain namin. Hapon na at kailangan ko na umuwi baka walang kainin ang mga kasama ko. Sabay na kaming lumabas ni Waylon kaya nasa amin ang atensyon ng karamihan dahil sa kaniya.
"What's your house address?" tanong sa 'kin ni Waylon. Hindi pa siya pumapasok sa sasakyan niya. Sa kanilang banda, naghahantay naman ako ng masasakyan.
Ibinigay ko na lang ang papel na sinulatan ko ng address kung saan kami nakatira. "Ayan ang adress namin."
"It seems fastidious there and you're just a newbie. I can take you there just to make sure that you will be safe," sambit niya.
Masyado naman na atang makapal ang mukha ko. "Hindi na... kaya ko naman at saka magtatanong na lang ako."
"See? Hindi mo rin alam ang pauwi. I don't mind helping you... masyado nang masama ang mga tao at puwede kang pag-trip-an dahil bago ka pa lang." He smirked, convincing me na sumakay sa kaniyang sasakyan.
Dahil makulit siya at nag-aalala rin ako sa sarili ko, pumayag na ako. Sa harapan ako sumakay dahil ayon ang pintong binuksan niya. Nag-search muna siya sa internet kung paano ang daan sa 'min. Tahimik lang ako sa buong byahe dahil wala naman akong maisip kung paano ko siya kakausapin.
"Ilang years kana rito? One year?" bigla niyang tanong.
"U- uh, araw pa lang... kahapon." Biglang sumagi sa isip ko ang itatanong ko sa kaniya. "Ano palang requirements ang kailangan ko para makapasok?"
"No need. Just tell to the guard that you're my visitor at sabay tayong pupunta sa HR."
Puwede palang pumasok kahit walang requirements? Baka sabihin ng mga empleyado niya ay masiyado akong abusado kung malalaman nila. Natatanaw ko na iyong lugar namin kaso masikip, mukhang magagasgasan pa ang sasakyan niya.
"Bababa na ako rito, hindi ata kasya ang sasakyan mo," sambit ko.
"Wait, Pa-park ko lang para masabayan kitang maglakad papunta sa bahay niyo."
"Ano... 'wag na... baka masiyado na akong abala sa 'yo," pagpigil ko.
"I won't do it if I'm busy." Wala na naman akong nagawa dahil nauna na siyang lumabas at pinagbuksan pa ako ng pinto, maganda na rin iyon dahil natatakot ako sa mga lalaki rito sa amin.
Halos lahat siguro ng nasa labas ay nakatingin sa amin. Napahinto pa sila sa ginagawa nila at grabeng titig ang binibigay kay Waylon. Yumuko ako at nagulat na lang ako nang itabi niya ako sa gilid.
"May sasakyan," ani niya. Napakapuwesto kasi ako sa gilid ng kalsada.
"Sweet, oh."
"May jowa na pala si ate, tol!"
Mga naririnig kong sinasabi ng mga tambay sa labas. Sumunod lang sa likod ko si Oswald maglakad hanggang sa marating na namin ang apartment, huminto ako sa hagdanan.
"Dito pala ako nakatira... alam mo ba ang palabas?" tanong ko sa kaniya na tinitingnan ang kabuuang lugar.
"Of course. You're alone here? Tons of guys were looking at you." Nilibot ko rin ang paningin ko dahil sa sinabi niya.
Totoo nga, dahil siguro sa suot ko. May iba rin namang nakatingin sa kaniya, mas marami pa nga. Ang iniisip siguro nila ay nobyo ko ito at saka bago lang din ako sa paningin nila.
"Mamayang 6 pm pa kami darating ang mga kasama ko pero ayos lang naman." Ngumiti ako sa kaniya dahil nakatitig pala siya sa akin.
"Can I come in for awhile? Sumakit lang ang kamay ko sa pagda-drive." Tinaas pa niya ang kamay niya.
Pumayag na rin ako dahil may mga nakatingin sa amin at saka kasalanan ko rin naman kung bakit dahil pinagmaneho niya ako. Magaan naman ang pakiramdam ko sa kaniya kaya tiyak ako na hindi niya ako ipapahamak.
"Gusto mo ba ng tubig? Kukuha ako o kaya bibili na lang ako ng... softdrinks sa labas," alok ko sa kaniya.
"Water will do. Are you living here with your family or siblings?" tanong niya.
Nasa kusina na ako pero naramdaman kong tumayo siya. "U-uh, hindi, eh. Kaibigan ko ang kasama ko at iba pa pero mga babae kami. Bakit mo pala natanong?
Inabot ko na sa kaniya 'yong tubig. Magsasaing pa pala ako kaso nahihiya akong iwanan siya sa sala baka sabihin niya ay bastos ako, maaga pa naman kaya siguro kapag umalis na siya.
"Nothing, I'm just worried baka hindi ka sanay sa lugar na 'to," saad niya.
"Masasanay din naman ako... kapag tumag--"
Naputol ang sasabihin ko nang narinig ko ang sigaw ni Ainsley sa labas ng apartment. "Bella, nariyan kana ba?!" sigaw niya.
Hindi ako nakasagot dahil nakapasok na siya. Napatigil na lamang siya nang makita ang lalaking kasama ko na tiningnan niya ang kabuuan.
"Ay, sorry," sabi ni Ainsley at kinurot pa nang mahina ang bewang ko. "Hindi mo sinabi may kasama ka pala," bulong niya sa akin.
"No, it's okay. Paalis na rin ako, hinantay ko lang na magkaroon ng kasama si Bella." sagot ni Waylon at tumingin sa akin. "I have to go now, Bella. See you tommorow." Kumindat siya sa akin.
Naiwan akong tulala sa kaniyang nilalakaran, ang mga labi ko ay kusang nagkurba ng isang ngiti.