CHAPTER 4: Sa opisina

1241 Words
"Go na tayo sa lalaki na 'yon, Bella. Naku! Kung alam mo lang kung gaano pagpantasyahan si Sir. Waylon." Kuwento ni Vana, nagtrabaho na pala siya roon bilang customer service. Kagabi pa nila ako hindi tinatantanan dahil kay Waylon na magiging boss ko. "Hindi naman ako gusto ni Waylon, tinulungan ko lang siya kaya tinulungan niya rin ako... nakakahiya nga, eh," tugon ko sa kanila habang sinusuklayan ang buhok ko dahil pupunta na ako sa opisina kasabay ni Vana. Naging determinado na tuloy akong mag-ayos nang maayos para sa sarili ko at maging komportable. Suot ko ang damit na halos lumuwa ang dibdib ko buti na lang may suot akong blazer. "Salamat, Vana... mabuti na lang doon ka nagtatrabaho, kahapon ay halos maligaw ako!" "Mabuti nga! Huwag ka mag-alala, ituturo ko sa 'yo ang daan papunta kaya jeep tayo ngayon." Nakatitig pa siya sa akin nang sabihin iyon. Hindi ko nakikita sa sarili kong maganda ako pero sila, gandang-ganda. Habang nasa byahe kami, tinuturo niya sa akin ang pangalan ng bawat lugar na nadadaanan namin. Hindi na nga namin namalayan na nasa tapat na kami ng building kung hindi pa nagsalita si manong drayber. "Ito ang building ng kumpanya ni Sir. Waylon... hindi mo na kailangan ng visitor pass... papasama kita sa secretary niya papunta sa office niya." Tumango ako kay Vana. "Hindi ba ako sa HR pupunta? Nakakahiya ang suot ko," ngayon pa ako tinablan ng hiya dahil sa labas kong cleavage. "Bakit ka mahihiya? Ang ganda kaya at saka sa kaniya ka talaga pupunta dahil ikaw na ang nagsabi kahit wala kang requirements," hindi nagpapatalong sagot ni Vana sa akin. Tiningala ko pa ang ulo ko bago pumasok para pagmasdan kung gaano kaganda ang disenyo ng building animo'y kaunting pukpok lang ay basag na dahil mukhang glass wall. As we walked by at the entrance, some were turned their head to us. Sinubukan kong hindi yumuko para masanay ang sarili ko. "Ma'am Sydney... nandito ka pala. Pasamahan naman itong kaibigan ko sa opisina ni Sir Waylon... inaasahan siya dumating," tawag ni Vana sa babaeng nakaangat ang kilay at masamang tumingin sa 'kin. "Na-take out ba siya kagabi?" halos mukhang duraan niya ako dahil sa tingin na binibigay niya. "Alam mo... ma'am, mapanghusga ka. Ako na lang ang sasama sa kaniya at sasabihin ko kay sir ang sinabi mo!" Hinawakan ko na ang braso ni Vana dahil wala siyang takot kung sumagot. Noong una hindi ko naintindihan pero base sa sagot ni Vana ay nagmukha pa akong nagbebenta ng katawan. "Subukan mo... kung ayaw mong tumambak ang trabaho mo," banta nito pero nilagpasan na lang namin siya ni Vana at hindi na sumagot pa. "Ganoon talaga ang ugali non kung umasta ay parang boss dahil lang sekretarya siya at feeling gusto siya ni Sir Waylon kahit hindi, napaka-assuming at sama." "Buti na lang talaga kasama kita, pero sa susunod hayaan mo na ang mga ganoon. Sabi ng tatay ko noon, ang mga ganoong tao ay inggit lang." Nakangiti pa ako, iniisip si tatay dahil baon ko pa rin ang mga pangaral niya. "Dapat lang na maiinggit siya kung ikaw naman. Oh, siya... rito na ang opisina niya, wala namang bisita iyon kaya iiwan na kita para pumasok kana roon." Hindi na niya 'ko hinantay makapasok sa loob, umalis na siya. Pansin ko lang na parang walang tao sa floor na 'to, at tanging tatlong pinto lang ang nakikita ko hindi kagaya sa ibang building. "Come in," rinig ko nang kinatok ko ang pinto. "Jusko po!" halos isarado ko ulit ang pinto dahil sa nakita ko at narinig ko pang malakas siyang tumawa dahil na rin siguro sa reaksyon ng mukha ko. Sinong mag-aakala na naka-boxer lang siya sa loob ng opisina at may hawak na dumbbell. At hindi lang iyon ang napansin ng mata ko, pati na rin ang tusok na nakaumbok sa baba ng tiyan na. "I'm so sorry I will change now. I didn't expect you to be early. Have a sit, will leave you for a moment." Mahina siyang natawa at hinantay akong makaupo. Pinisil pa niya ang pisngi ko bago umalis ng naka-towel. "Cute," sabi niya. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking opisina na mas malaki pa sa bahay namin. Tumayo ako nang makita siya ibang-iba sa ayos niya kanina, naka-office attire na kasi siya. "Sorry... sobrang aga ko pala. Sumabay lang kasi ako sa kaibigan ko. Hindi ko sadya na makita ang ayos mo kanina, ha," halos alisin ko na nga ang mata ko at ipokpok ang ulo para maalis sa utak ko iyon. Nakuha ng atensyon ko ang adams apple niya na gumagalaw. Naku naman, bakit ganito sa pakiramdam? Nakakatayo ng balahibo ang bawat galaw niya, hindi siya nakakakilabot o ano. "I usually do that and you got the cutest reaction seeing me exercising." Kumindat siya at saka namin pinag-usapan ang dapat pag-usapan. "Huh? Bakit dito lang ako maglilinis? At hindi sa ibang building?" nagtataka kong tanong, dito lang kasi ako sa opisina niya maglilinis. "I don't want to give you hard time... kung nakukulangan kapa, you can clean my condo at imamaneho kita papunta roon." Tinapos niya na ang usapan namin at nagsimula na akong maglinis. Inuna ko ang lamesa at umupo na siya roon. Saka ko lang napansin na kita pala ang cleavage ko dahil nahihirapan siya tumingin sa gawi ko. "Hala, pasensya na! Ano... wala ba akong magiging uniform?" tanong ko, iniibsan ang kahihiyan at inayos ang suot. Nakalimutan kong janitress ang hiniling kong trabaho para magsuot ng ganito at hindi ko rin naman alam na unang pasok ko sa trabaho ngayon. "I will try to make one for you... first time wearing that?" "Oo... pasensya kana ulit, sir." "You wore it pretty well," puri niya sa 'kin, tumingin ako sa kaniya ngunit tumayo siya. "Follow me inside my room." "B-bakit?" kinakabahan kong tanong. "Easy... I won't do something, borrow my shirt at may xtra skirt doon para mas maging komportable ka sa paglilinis." Sinunod ko ang sinabi niya. Ginawa niya rin palang mini house ang opisina para kapag tinatamad siyang umuwi sa condo niya, tinawag pa niyang mini e ang laki nito. At may extra skirt pa siya, baka sa sekretarya niya. "I'm leaving you here... puwede kana magpalit." Naglalakad na siya palapit sa pintuan nang ma-realize ko na naka-zipper pala ang likod ng dress ko matapos matanggal ang blazer. "Sir..." "What?" sumagot siya sa akin at humarap. "You don't like the shirt?" "Hindi..." nahihirapan akong dugtungan. "P-puwede bang ano..." Naglakad na siya papalapit sa akin. "The zipper?" Bumuntong-hininga siya nang malalim at mas lumapit sa likod ko pagtapos kong tumango. "You have a soft skin... do you use skincare?" bulong niya sa tenga ko na parang nang-aakit kaya napapatayo ang balahibo ko sa batok. "Hindi... pagkain nga ay wala ang pamilya ko, ganoon pa kaya," tapat kong sagot. Naku! Wala akong planong magkagusto rito sa Manila lalo na sa amo ko. Nararamdaman ko ang daliri niyang nadidikit sa balat ko pababa papunta sa aking bewang, nakalimutan kong nahirapan pala akong isuot ito dahil masyadong fitted. Grabe talaga ang kahihiyan na nakukuha ko, dalawang beses ko pa lang siya nakasama ganito na ako ka-tanga sa harap niya. "I think it's good to live at your province, huh. I have to go now to ask for our coffee." "Bakit... kasama pa ako?" trabahador niya lang naman ako. "Why would not? You're my personal cleaner and you should be treated right."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD