KABANATA 11

2146 Words
‘Are you planning to sleep on my back forever?’ Lolita’s body twitches nang may narinig siyang boses na nagmumula sa kung saan. Kilala niya ang boses ngunit hindi pa lamang niya matiyak kung bakit niya ito naririnig sa ngayon. ‘Bakit parang ang sakit ng leeg ko?’ Dinama ni Lolita ang kaniyang leeg. Hindi pa siya nakontento at isinali pa ang isa niyang kamay sa pagkilos. “Hey! Stop it! Lolita, malalaglag ka!” “Bakit ang sa—ahhh!” Napamulat ng kaniyang mga mata si Lolita. Sa tuluyang pagkagising ng kaniyang diwa, Lolita find herself hanging on something. Her knee were bending habang abot kamay naman niya ang lupa. Suddenly Lolita could feel the vivid pain coming from her leg and knees. “Aray ko naman!” sigaw ni Lolita nang tuluyan na siyang bumagsak sa lupa. Hindi naman mataas ang binagsakan niya. Ngunit huli pa rin nang umabot sa lupa ang dalawa niyang paa. “Don’t blame me.” Tulalang napatingin si Lolita sa lalaking nakatayo ngayon sa harapan niya habang nakapamewang. Tumingin siya sa paligid bago muling tumingin sa mukha ng lalaki. “Te-teka lang . . . Haluh. Na-nakatulog ako?” tanong ni Lolita habang nakatagilid na at nakatukod ang siko at kamay sa lupa. Kagat labi siyang tumihaya sa lupa at tumingin sa kalangitan. “Hindi mo man lang namalayan? Well, sabagay. Naramdaman ko naman na parang ginawa mo ng kama ang likod ko. I was even wondering if you wanted to get off my back or not,” ani Zyran habang dinadama ang sariling batok at balikat. Agad namang namula si Lolita sa nagawa na naman niyang katangahan. ‘Bakit naman kasi sobrang comfortable ko na sa bugnutin na ’to? Noong nakaraang mga buwan nga lang ay ‘di kami bati. Tapos ngayon mahimbing na akong nakakatulog habang buhat-buhat niya.’ Wala sa sariling natampal ni Lolita ang kaniyang noo. “I have no choice but to let you fall. Saka mababa lang naman at abot kamay muna ang lupa. You were dangling at my back. Baka mabali ang paa mo ‘pag tumagal ’yong posisyon mo. You aren't responding so I took the initiative t—” “Haha! Ganun ba ako ka nakakatakot, Señorito? Explain ka nang explain, eh wala pa nga akong sinasabi.” Mas lalo namang natawa si Lolita nang makita niya ang gulat na mukha ni Zyran. Gulat hanggang sa napilitan iyon ng pagbusangot. Tumalikod ito, kaya naman ay mabilis na napatayo si Lolita. “Eto naman. Hindi mabiro! Uy!” ‘Yeah. Mabilis akong naging kumportable kasama siya kasi hindi naman siya mahirap pakisamahan. Sa totoo lang ay masasabi kong thoughtful siya at cool. Well . . . bugnutin pero carry lang naman.’ Tatakbo na sana si Lolita upang habulin si Zyran nang mapansin niya kung nasaang bahagi na sila. “Nasa hangganan na pala tayo? Te-teka lang! Uy, Señorito!” sigaw ni Lolita at humabol dito. Sa pagtigil ng malalaking hakbang ni Zyran ay iyon namang pagtigil ng takbo ni Lolita at tuluyan na silang naging magkatabi sa paglalakad. “See? Wala namang masama kung medyo bagalan mo lang ang hakbang mo, Señorito. Remember, hindi magkasing haba ang mga paa natin.” “Yeah. Whatever.” Umiling si Lolita at ginaya sa utak niya ang sinabi ni Zyran while making a face. “Ano bang ginagawa mo rito sa may gi—may pinto rito? Totoo? My Lolo Dario and Daddy allowed this?” Pansin naman ni Lolita ang pagkunot ng noo ni Zyran. “Why would they not?” anitong binuksan ang maliit na pinto at ipinilit ang katawan sa butas upang makalabas. ‘So, dito pala siya dumaan upang makapasok. Sa itsura nitong pintuan ay talaga namang sinadya ang pagkakalagay nito. Iyong kasama talaga sa plano dahil mayroong structure . . .’ Hindi mapigilan ni Lolita na suriin ang maliit na pintuan. “Come out now, Señorita. Kakasya ka riyan kahit ’di ka pa mag-effort.” Nirolyo ni Lolita ang mga mata niya. “Opo. Heto na po.” Lolita pouted sabay labas din sa pinto nang walang kahirap-hirap. “Ang buong akala ko ay totally isinara na nina Lolo ang fence to avoid outsiders.” Lolita was playfully walking behind Zyran. Panay ang sipa niya sa mga damo na kaniyang nadadaanan. Napatigil naman ang hakbang ni Lolita nang humarap sa kaniya si Zyran. “Woah!” Wala sa sariling naiharang ni Lolita ang dalawa niyang kamay sa kaniyang mukha nang biglang dumukwang si Zyran at halos magdikit na ang mukha nila kung wala lang nakaharang na mga kamay. “A-anong balak mong gawin?” Lolita bend her knees upang makalayo nang bahagya kay Zyran. “I am not an outsider, Señorita . . .” bulong nito at may kinuha sa buhok ni Lolita. Nakita naman ni Lolita na itinapon ni Zyran sa may gilid ang isang dahon na mula sa buhok niya at nagpatuloy na sa paglalakad matapos siyang iwanan nang isang seryoso na tingin. Lolita shrugged dahil sa sinabi nito. ‘Well . . . Technically, outsider ka pa kasi wala pa namang formal connection ang pamilya natin sa isa’t isa . . . I don't even think na matutuloy ang kasal. Hi-hindi ko kayang magpakasal sa kapatid mo.’ “Mas hindi ko na kaya ngayon . . .” Nagulat naman si Lolita sa bigla niyang ibinulong. She wasn't sure kung bakit niya iyon nasabi. “Hurry, Señorita.” Lolita didn't notice na tumigil na naman siya sa pagsunod dito. Kaya ay isinantabi na muna niya ang kaniyang iniisip at nag-focus muna sa nangyayari ngayon. “Na-nariyan na!” “Mas maikli na ngayon ang oras natin. How can I teach you horse back riding properly with such little time? Alam mo naman na tatlong araw mula ngayon ay pupunta ka na sa city . . . Ngayon mo pa talaga naisipan na magpaturong mangabayo.” Lolita awkwardly smiles. Again, napaisip na naman siya kung bakit nga niya naisipan na magpaturong mangabayo rito. Na maaari namang sa tagapag-alaga na lang nila ng kabayo mismo siya magpapaturo. “We're almost there.” Lolita flinched nang marinig ulit ang boses ni Zyran. “Ang bilis mong maglakad. Promise.” Humawak na si Lolita sa braso ni Zyran nang tuluyan siyang makalapit dito. “Saan mo ba iniwan si Morp?” “Neigh! Neigh!” Hindi naman mapigilan ni Lolita ang matawa nang marinig ang atungal ng kabayo. At the moment ay nawala bigla ang mga iniisip niyang ’di niya maintindihan. “Sobrang attentive naman ni Morp. Narinig lang ang pangalan niya ay sumagot agad,” said Lolita at inunahan na sa paglalakad si Zyran. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalapit sa kabayo ay tumigil siya sa paghakbang. “It’s okay, Señorita. Halika. Kilala ka na ni Morp. Hindi ka na niyan aanuhin . . .” “Bakit? May nakakatawa ba?” galit-galitan na turan ni Lolita dahil nakikita niya ang pilyong ngiti ni Zyran. “Nothing. Come now!” Tinanggap naman ni Lolita ang nakalahad nitong kamay. “Hey, boy . . . I'm back, Morp. Here . . .” Lolita was just observing. Pinagmamasdan niya si Zyran na binibigyan ng treat si Morp habang hawak pa rin ang kaniyang kamay. Kahit ramdam niya ang init sa mga palad nito ay wala naman siyang makitang malisya to make her feel uncomfortable, kaya ay hinayaan na lamang niya. “Are you sure na ayos lang kung sakyan ko si Morp? I mean, baka manibago siya.” Napatingin naman si Lolita sa palad niya nang may inilagay doon si Zyran. “Feed him. Hayaan mo siyang masanay sa samyo mo. Though he already likes your smell . . .” “Ano? May sinabi ka?” tanong ni Lolita, dahil ’di niya gaanong narinig ang mga huling sinabi ni Zyran. “Ah, sabi ko, ibigay mo na ‘yan kay Morp. He's waiting.” “Oh, okay.” Ilang sandali ring binibigyan ng treat ni Lolita si Morp, hanggang sa nagpasya si Zyran na simulan na nila ang training niya sa pangangabayo. “Hey, relax, Señorita. Kung ipararamdam mo kay Morp na kinakabahan ka, ’yon din ang mararamdaman niya. Maapektuhan ang kaniyang takbo at mapapahamak ka.” Napasinghap naman si Lolita nang kaniyang maramdaman ang mainit na hininga ni Zyran sa kaniyang tainga. “Here. Hawakan mo nang may pakiramdam ang tali ni Morp. Dapat confident ka para sumunod siya sa ’yo. You should love him too . . . .” “Ye-yes. Ku-kuha ko na,” nangangatal na sagot ni Lolita. “Am I making you feel uncomfortable?” Saglit na natigilan si Lolita sa tanong ni Zyran. “Hi-hindi naman, Señorito. A-ayos lang.” Sinubukan ni Lolita na pakalmahin ang t***k ng kaniyang puso. ‘Bakit ba kumakalabog nang husto itong puso ko? Magkaka-heart attack ba ako?’ Lolita bit her lower lip sabay piling ng kaniyang ulo. “Okay. Then, let's continue . . .” Dahil sa labis na kasiyahan dulot ng napasusunod na ni Lolita si Morp sa kung saan niya ito nais tumakbo na direksyon, ay nalibang na siya nang husto. “Señorta, it's getting dark. Sa tingin ko ay uulan na naman.” Agad na nawala ang masiglang mga ngiti sa labi ni Lolita. “A-anong oras na ba?” Lolita questioned na may kaakibat na pagpa-panic. “Relax, Señorita. May twenty minutes pa tayo bago mag three p.m. Medyo malapit lang naman tayo sa hangganan kaya ay no need to worry.” “Si-sige. Tayo na. Bumalik na tayo roon.” Lolita was feeling anxious. Hindi niya maunawaan ang kaniyang sarili kung bakit ganoon na lamang ang nararamdaman niyang kaba. Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin sina Lolita sa may hangganan. “Hiya! Stop, Morp. Good boy . . .” Lolita could feel a tingling sensation on her feet. Tiyak na tiyak siyang atat siyang bumaba mula sa kabayo. Naunang bumaba ng kabayo si Zyran. Sumunod naman si Lolita habang hawak siya ni Zyran sa bewang upang alalayan. “Lolita Milan Alcadijas!” Umalingawngaw ang malakas na boses sa gitna ng mga punong kahoy. Kasabay naman ng malakas na sigaw ay ang pagsisimulang umambon. “Lo-Lolo . . .” Lolita whispers habang nanginginig. Muntik pa siyang mabuwal sa kinatatayuan niya kung ’di lamang siya hawak ni Zyran sa bewang. “May usapan tayo, Zyran! May usapan ang pamilya natin! You are forbidden to approach my apo hangga’t hindi pa siya nakakaabot sa tamang gulang!” Nakaramdam naman nang matinding takot si Lolita nang mapansin niyang may dalang rifle ang dalawang tauhan nila na kasama ng kaniyang lolo Dario. “Lolo! Ka-kasalanan ko po. Ako ang nag-aya kay Zyran na turuan akong mangabayo. Lolo, please . . .” ani Lolita habang unti-unting naglalakad palapit sa kaniyang Lolo. “May ginawa bang masama sa ’yo ang lalaking ’yan, apo?” Hinayaan ni Lolita na suriin siya sa pamamagitan ng tingin ng Lolo niya. “Ayos lang ako, Lolo. Promise. Wala pong nangyari sa ’kin na masama.” “Gramp Da—” “’Wag na ’wag mo akong ma-gramp-gramp, Zyran! Hindi ka mapagkakatiwalaan!” “I swe—” “Ayaw kong marinig ang paliwanag mo, Zyran. Sa gagawin namin ngayon na hakbang, ikaw ang mananagot sa kapatid mo! Tayo na!” sigaw ng Lolo Dario ni Lolita sabay hila sa kaniya at una na siyang pinapasok sa loob ng pinto. “Sandali lang, Lolo. Zyran! Lolo, sandali lang . . .” “Sakay na sa kabayo, Lolita!” Napaigik naman si Lolita matapos marinig na sinigawan siya ng Lolo niya. Ito ang unang pagkakataon na nagalit ito nang husto sa kaniya. Wala ng nagawa si Lolita kundi ang sumampa sa kabayo ng kaniyang daddy. Kumpara sa kabayong gamit ni Zyran ay abot lamang ni Lolita ang taas ng kabayo nila. Nilingon pa ni Lolita ang kinatatayuan ni Zyran. There, nakita niya itong nakatayo pa rin habang nakatingin sa gawi nila. “Upo na sa kabayo, Lolita!” Lolita flinched nang muling marinig ang sigaw ng kaniyang Lolo. Hindi naman na mapigilang maluha ni Lolita nang maaninaw niyang ngumiti si Zyran at kumaway sa kaniya, sabay senyas na umupo na siya nang maayos. ‘Bakit sobrang nalulungkot ako? Bakit feeling ko . . . Feeling ko, ito na ’yong huling araw na magkikita kami?’ “Lolita!” ”Ye-yes po, Lolo . . .” Mas lalo pang gumaralgal ang boses ni Lolita. Sa tuluyang pag-upo ni Lolita sa kabayo ay sumunod naman ang Lolo niya. “Tayo na!” Mabilis nang umusad ang dalawang kabayo nina Lolita palayo sa hangganan ng kanilang lupain. And no matter how much Lolita wanted to look back at Zyran ay ’di na niya magawa. Napayuko na lamang siya at doon na bumuhos ang hindi niya maintindihan na mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD