SA paglipas ng dalawang linggo ay muli pang nakabalik nang tatlong beses sa underground shooting range si Lolita —without her parents knowing. Ang palagi lamang niyang paalam sa mga ito ay gusto pa niyang mamili ng mga damit, make up at kung anuano pa. Though nanibago ang kaniyang grandparents ay suportado naman si Lolita ng Lola Matilda niya. Palagi siyang nakalulusot dahil wala ring kaalam-alam ang kaniyang mga chaperone sa pinaggagawa niya sa tuwing nasa mall na sila.
“Last week na ngayon ng pananatili mo rito sa Evergreen town, apo. Hay . . . Iniisip ko pa lang ay nalulungkot na naman ako. Ayaw ko na lang ipakita sa Lola mo dahil tiyak akong malulungkot din ’yon.”
“Si Lolo talaga. Parang bukambibig muna ’yan kahit noong first day pa lang na pinaalam ninyo sa ’kin na sa siyudad ako magko-college. Eh, pwede rin naman dito na lang sa town natin,” ani Lolita na niyayakap ang braso ng Lolo niya.
“Nope! Hayaan mo nalang akong magdrama, apo ko. Bata ka pa lang ay nasa pangangalaga na kita. Unang pagkakataon mo itong mahiwalay sa ’min. Pero para din ito sa kapakanan mo at sa iyong future, kaya ay okay lang. Buwan-Buwan din naman ang uwi mo rito. O kapag ’di ka lang busy sa school.”
“Opo naman, Lolo. Kung pwede lang ay isama ko kayo ni Lola ay gagawin ko.” Ngumiti nang pilya si Lolita.
“Ikaw talagang bata ka!” Sabay pingot ng Lolo ni Lolita sa ilong niya.
Nasa terrace ngayon sina Lolita at Lolo niya habang nakatingin sa malalagong palm tree nila sa unahan lamang ng likurang bahagi ng kanilang villa. Ala-dyes pa lang nang umaga at nagpang-abot sila sa may terrace kaya ay nakapag-usap nang masinsinan.
“Lolo, kakaunti na lang po ang natitirang puno ng palm oil natin, wala po ba tayong mga bagong tanim?” Mas inaninaw pa ni Lolita ang bahagi ng lupain nila kung saan ay doon makikita ang talagang taniman ng palm tree—maliban doon sa panaka-nakang mga puno na na-mix sa rubber plantation side nila.
“Ah, unti-unti na kasing pinatitigil ng daddy mo ang production natin sa palm oil. Kaya hindi na rin tayo nagtanim ng mga bagong puno.” Nagtataka namang humarap si Lolita sa Lolo niya. Kumakalabog ang kaniyang dibdib sa ’di niya mawaring dahilan.
“Bakit, Lolo? May problema ba tayo sa makinarya?” Nag-aalala si Lolita. Sapagkat kagagastos lamang niya ng kaniyang ipon na pera. Kung sakali man ay maliit na halaga bg pera lamang ang maibibigay niya.
“Wala naman, apo. Noong nakaraang tatlong buwan ay nalaman ng daddy mo na matagal na pa lang ibininta ang malaking bahagi ng lupain sa pasukan nitong Evergreen town. Palugi na ang rubber tree plantation na ’yon nang may bumili. Tapos nagpasya ang bagong may-ari na palm tree na lamang ang itatanim nila at ’di na rubber tree. Kaya nag-give way ang daddy mo for them. Ayos din naman at pangalawa pa rin tayo sa may pinakamalaking rubber tree plantation dito. Saka rubber tree naman ang pangunahing negosyo natin kaya ay okay lang.” Nagpatango-tango naman si Lolita sabay nakahinga nang maluwag.
“Hay . . . Mabuti naman kung ganun po, Lolo. Ang akala ko po ay kung ano na . . .” Hawak ni Lolita ang kaniyang dibdib sabay natatawa sa negatibo niyang iniisip.
“Bakit, apo? Ano bang naiisip mo?” Ngumiti nang malapad si Lolita.
“Wala naman po, Lolo . . .” Muli ay yumakap siya sa braso nito. Nakaharap lamang sila sa mga puno habang ninanamnam ang sariwang hangin sa paligid.
“Don, pinatatawag ka po ng Doña.” Sabay na napalingon sina Lolita at Lolo niya sa kanilang likuran.
“Oo, Daisy. Susunod na ako.”
“Good morning po, Manang Daisy . . .”
“Good morning po, Señorita Lolita. Isasama mo po ba si Alma ngayon?” Nanlaki naman ang mga mata ni Lolita sa tanong ni Manang Daisy niya. ‘Sana ay ’di ko na lang sinabihan si Manang Daisy!’
“Bakit, apo? Tutungo ka na naman ba sa mall?” Ramdam ni Lolita ang bahid ng kung ano sa boses ng Lolo niya.
“Ah, hindi po, Lolo. Balak ko po kasing magtungo sa rubber plantation natin. Nabili ko na po ang lahat ng mga nais kong bilhin kaya ay hindi na ulit ako pupunta sa mall.”
“Isama mo si Alma, apo kung mangunguha ka ng latex.”
“Hindi naman po ako lalayo, Lolo. Doon lang ako tatambay sa dati kong pinupuntahan at ‘di na ako lalayo pa. Before three pm ay babalik na rin po ako ulit dito sa Villa.”
“Okay. Basta mag-ingat ka ha. Laging sabi ng Lola mo n—”
“Mag sun block po ako at magsuot ng malaking hat. Yes po, Lolo.”
“Mag-ingat ka rin sa paghawak mo ng kathi. Hindi ka pwedeng magdala ng karit.”
“Yes po, Lolo.”
“Sige at mauna na ako.”
“Kiss me good morning to Lola, Lolo . . .”
Pinagmasdan na lamang ni Lolita ang paalis na niyang Lolo at si Manang Daisy.
“Baka ay naroon na si Zyran sa hangganan ng lupain namin. Magbibihis lang ako at tutungo na rin ako agad roon.”
Mabilis na bumalik si Lolita sa kaniyang silid. Doon ay naligo siya at nag-ayos. Suot niya ngayon ang isang straight leg jeans at ankle boots na pinarisan ng isang white blouse at malaking sombrero.
Nang matapos ay bumaba na rin siya sabay labas ng kanilang villa.
“Naku! Bagay na bagay pala sa ’yo ang magpantalon, Señorita. Nakakapanibago po lalo’t mahilig ka sa dress,” kumento ni Alma habang bitbit ang isang flower pot.
“Hehe . . . Bagay ba?” Umikot si Lolita sa harapan ni Alma.
“Bagay na bagay po! Mukha ka pong model. Tulad noong nasa magazine ni Doña Matilda.” Napangiti naman si Lolita.
“O siya, sige na at aalis na ako.”
“Ay, sandali lang po at kukunin ko ang bag mo, Señorita.” May sasabihin pa sana si Lolita ngunit mabilis ng tumakbo paalis si Alma.
‘Hindi naman ako mangunguha ng latex eh. Pero mabuti na rin na may dala akong kathi. For self defense.’
Hindi naman nagtagal ay muli ng nakikita ni Lolita si Alma.
“Heto po, Señorita. Mag-iingat ka po.” Mabilis itong kumilos at maingat na inilagay ang bag sa bewang ni Lolita.
“Thanks.” Tumalikod na si Lolita at naglakad papunta sa daan papasok sa rubber plantation nila.
On her way ay maraming nakitang mga tauhan nila si Lolita. Kaya ay hindi siya makatyempo na lumihis ng daanan.
‘Medyo lalayo ako ng mga ten minutes na lakaran kung doon ako sa tambayan ko dadaan. Pero kung dito naman ay tiyak akong may makakakita sa ’kin at isusumbong ako kina Lolo.’
Wala ng nagawa si Lolita kundi ang doon na mismo dumaan sa tambayan niya. Nang masigurado niyang walang nakakakita sa kaniya ay patakbo niyang tinungo ang daang nilinisan patungo sa hangganan ng kanilang lupain. Nang inayos ang nasirang fence ay ginawaan din ng daanan papunta roon. Dahil hindi pa nakababalik si Lolita sa lugar simula noong naligaw siya ay sinunod na lamang niya ang daanan.
‘Hah! Hah! Napapagod na akong tumakbo . . .’ angil ni Lolita sa kaniyang isipan habang nagsisimula ng bumagal, hanggang sa naglakad na lamang siya.
Ngunit nang mawala ang kaniyang hingal ay muli na naman siyang tumakbo—at tumigil na naman ulit.
“Hah! Lintik! Nakalimutan kong mahaba pa pala ang tatakbuhin ko bago ko marating ang hangganan . . .” bulong ni Lolita. Tuluyan na siyang tumigil sa pagkilos habang nasa tuhod niya ang kaniyang mga kamay. “I’m sure mas maikli na itong daanan na ‘to dahil straight na. Mas iikli rin ang oras na gugugulin ko sa pag lakad at takbo.”
Lolita could feel na nanginginig na ang mga paa niya. But she has no choice but to keep moving.
“I’m impressed . . .”
“Ahhh!” sigaw ni Lola at nabuwal sa kinatatayuan niya.
“Hey! Are you okay, Señorita Lolita Milan Alcadijas?” Hinawakan ni Lolita ang braso ni Zyran.
“Zyran! Baliw ka ba?” singhal ni Lolita sabay palo nang malakas sa braso nito.
Galit pa rin ang mukha ni Lolita habang nakatingin kay Zyran na tinutolungan siyang makatayo. Pakiramdam niya ay gusto naman niya itong sapakin ulit nang makita ang natatawa nitong mukha habang hinihimas ang brasong pinalo niya.
“May nakakatawa po ba, Señorito?” sarkastikong tanong ni Lolita.
“Haha! Nothing. You just hit me so hard that it stings.” Mabilis namang hinila ni Lolita ang kamay ni Zyran at itinaas ang sleeves ng jacket nito.
“Ang bilis mo namang magkapasa. Para kang babae na sobrang delicate!” reklamo ni Lolita ngunit marahan naman na hinihimas ang braso nito.
“Hayaan mo na ’yan. Mawawalan din ’yan kinabukasan. Let's get going. The time is ticking and you're already thirty minutes late.” Lolita laugh bitterly.
“Wow, kita mo na ngang I did my best sa pagtakbo. Anong oras ka dumating dito? I thought sa hangganan ang usapan natin. Saka pa ’no ka nakapasok dito?” Nangungunot ang noong sunod-sunod na mga katanungan ni Lolita.
Dahil sa mga naunang pagkikita nila ay naging panatag na ang loob ni Lolita kay Zyran.
“Tsk! Ang dami mong tanong, Señorita. But tumakbo ako mula sa hangganan papunta rito. Come on. Kakargahin na lang kita para mas mabilis ang kilos natin.”
“What? Ipi-piggy back ride mo ako?” Gulat na itinuturo ni Lolita ang sarili niya.
“Pwede ring bridal carry position kung gusto mo.”
Nirolyo ni Lolita ang mga mata niya.
“Nope! Maglalakad na lang ako.” Nauna ng humakbang si Lolita.
“Mahigit sa twenty minutes pa ang tatakbuhin natin. If you'd prefer walking ay baka abutin tayo ng mga forty five minutes . . .”
“Mabigat ako!” ani Lolita habang naglalakad pa rin.
“You’re light as a feather . . .”
“Fine. ‘Pag sumumpong ’yang arthritis mo ay ’wag mo akong sisisihin ah!” Naglakad si Lolita papunta sa likuran ni Zyran. Nag-bend naman ito kaya ay sumampa na si Lolita.
‘Hah! Ba’t ang init naman ng kamay ng lalaki na ’to? Naka-pants na nga ako tapos tumagos pa rin.’ Lolita slightly jolted, ngunit nasanay din naman agad.
“I’m not that old, Señorita. Saka wala pa akong arthritis na iniinda. Baka mauna ka pa nga sa ’kin makaramdam nun. Remember, you are not that physically active, unlike me . . .”
Hindi na umimik pa si Lolita. Bagkus ay yumakap siya sa leeg ni Zyran at bahagya iyong hinigpitan.
“Hindi mo ako mapapatay kung ganiyan lang kahigpit ang hawak mo.”
“Shut up and keep running!”
“Yes, captain . . .” Natatawa na lang na tumahimik si Lolita at dinama ang sariwang hangin sa kaniyang mukha.
Habang tumatakbo si Zyran ay inihiga ni Lolita ang ulo niya sa balikat nito. She was enjoying the ride. Lolita was thinking na talaga namang sobrang tibay pa ng mga tuhod nito. Malayo sa kaniyang iniisip.