“Would you like it to be loaded?”
Nangunot naman ang noo ni Lolita nang makita niya kung paano ngumiti nang husto si Zyran.
‘Seriously? Baril ang nagpapasaya nang husto sa lalaking ’to?’ Tumaas ang kanan niyang kilay maging ang gilid ng labi niya.
Lolita jolted nang unti-unting lumapit sa kaniya si Zyran habang bitbit ang loaded na pistol.
‘Anong trip ng lalaking ’to?’ Wala sa sariling hinarang ni Lolita ang dalawa niyang kamay sa kaniyang harapan.
“W-what do you need? Wala na akong utang sa ’yo,” said Lolita defensively.
“Relax . . . Come with me, Señorita.” Muli ay nangunot ang noo ni Lolita. Kita niyang seryoso si Zyran at wala man lang kangiti-ngiti.
“Ba-bakit? Anong gagawin mo sa ’kin? Binayaran ko naman ang baril ’di ba?” angil ni Lolita habang hila-hila siya nito.
“The hëll are you whining about? Ikaw ang unang magpapaputok nito. I am asking you to come with me to the shooting range.” Napaawang ang bibig ni Lolita. She wanted to say something ngunit wala namang salita ang nais lumabas sa kaniyang bibig. Nagpahila na lamang siya rito sa kung saan man siya nito balak na dalhin.
Sa may ’di kalayuan ay tanaw na ni Lolita ang walong nakahilirang cubicle —kung saan ay okupado na ang lima. May naririnig din siyang tunog ng baril, ngunit hindi ganoon kalakas.
“Papasok tayo riyan sa loob. You have to wear this to protect your ear and eyes.” Tumalima naman si Lolita at hinayaan si Zyran na isuot sa kaniya ang binigay na mga gear—galing sa isa sa mga trabahador ng shooting facility. Pinagmasdan naman ni Lolita si Zyran habang sinusuot din nito sa sarili ang mga shooting gear.
“Staring is rude . . .” Napaismid naman si Lolita sa hirit nito nang mag-angat ito ng tingin at huling-huli siya sa ginagawang pagtitig niya rito.
“Sus! As if naman sa ’yo ako nakatitig!”
“Yeah? Nevermind. Come . . . I know you don't have much time in your hand. . .”
‘I don't have much time? Bakit pakiramdam ko tunog mamamaalam na ako sa mundo?’
Sa pagpasok nila sa loob ng isang fully bulletproof shooting range ay agad silang pumwesto sa isang cubicle.
“Come here.” Hinawakan siya nito sa siko sabay giya sa harapan nito. “Here, hold this. Hold it tightly . . . You haven't fire a gun before, right?” Tumango naman si Lolita. She could obviously feel and hear her heart that was beating loudly.
“Safe ba ’to?” garalgal na anas ni Lolita.
“It’s safe as long as you follow my lead. Stretch your arm while—kaliwete ka ba or sa kanan?”
“Kanan . . .”
“Okay. Stretch your right arm while use your left hand as a support. Your feet and shoulder should be width apart.”
“Like this?” Ramdam naman ni Lolita na natawa ito nang walang tunog.
“We aren't going to do something else, make it normal. Pardon me for touching your leg . . .” Napasinghap naman si Lolita nang muli niyang maramdaman ang init ng palad nito.
“Hold it like that. Eabante mo ang iyong right leg then slightly bend your knees, find your balance . . .” Ginawa naman ni Lolita ang sinabi nito.
“You are now aligned with the target.” Bahagyang gumalaw ang braso ni Lolita nang hinawakan ni Zyran ang kamay niyang may hawak ng baril.
“Focus, Señorita. Eyes on the target . . .”
‘Focus? Eh halos yakap mo na ako!’ Lolita wasn't aware that she's now slightly crouchin.
“Keep your eyes on the target, Señorita.” Malumanay ang boses nito na talaga namang sobrang seryoso ang dating para kay Lolita.
Kaya naman ay huminga nang malalim si Lolita.
“Now. Kalabitin mo ang gatilyo. Do not close your eyes and keep looking . . .”
“Bang!”
“Hah!” Napababa naman ng kamay si Lolita matapos niyang natagumpay na napaputok ang baril. Agad niyang binigay kay Zyran ang baril nang kunin na nito mula sa kamay niya.
“Not bad for a first timer . . .” Para namang nagkaroon ng spring ang leeg ni Lolita at agad na tumingin sa gawi ni Zyran.
“Let me see . . .” Mabilis naman nitong inabot sa kaniya ang hawak na binocular.
“Eh? A-ang layo naman mula sa gitnang dot,” kumento ni Lolita.
“Nope. That's quite impressive. Halos isang dangkal lang ang layo mula sa bullseye. So, how'd you feel?” Umiling si Lolita sabay ngiti.
“Good. Nakakakaba pero carry lang.”
“You liked it,” anitong itinaas ang baril.
“Bang!” Sa pagkakataong ito ay hindi na pumikit si Lolita. Bagkus ay nakataas ang binocular at nakatingin siya roon.
“Woah . . . A-ang galing,” bulong ni Lolita sabay baba sa binocular at silip naman ulit. “Ang galing mo pa lang bumaril.”
“I’ve been shooting guns since young. It's my hobby,” ani Zyran habang tinatanggal ang suot nitong gear. “May I?” Tumango si Lolita, kaya ay suot naman niyang gear ang tinanggal nito.
“You have talent in shooting.” Ngumiti ito nang malapad dahilan upang natigilan si Lolita.
“Ah, haha . . . Si-siguro. Sabi mo nga ay member dati ang Lolo ko rito. Maybe I inherited it from him.” Lolita shrugged habang natatawa na lang sa sinasabi niya. Awkward na napatungo si Lolita nang makitang tinitigan siya ni Zyran.
“O-okay naman na siguro tayo rito. Babalik na ako roon sa second floor. Malamang kanina pa ako hinihintay nina Alma. Hindi ako nakapagpaalam sa kanila nang maayos.”
“Okay. Let's go.” Lumapit sa kaniya si Zyran at Inalalayan siya nito sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang likuran.
Pansin ni Lolita na lalapitan pa sana sila ng mga kasama nito kanina, ngunit tumigil ang mga ito nang itinaas ni Zyran ang kanan nitong kamay.
“Would you like to come and visit here some other time, Señorita?” Nabigla naman si Lolita sa tanong nito.
Muli ay hinawakan siya ni Zyran sa likod at iginiya papasok sa elevator. Unlike the first time na hinawakan siya nito, ngayon ay kahit ’di pa man aminin ni Lolita ay nagiging pamilyar na siya sa init ng kamay nito.
“I-I don't know. Baka nga ay pagalitan pa ako ni daddy at Lolo ’pag nalaman nila ang ginawa ko ngayon.”
“Is that so . . .”
Muli ay namagitan sa kanila ang nakabibinging katahimikan.
“Ting!”
“We’re here.” Zyran stepped out from the elevator while extending his hand. “Come, Señorita . . .” Tinanggap ni Lolita ang kamay ni Zyran. Hawak siya nito sa kamay hanggang sa makalabas na sila ulit sa may pasilyo na pinasukan nila kanina.
“Se-señorito, a-ang kamay ko.” Alanganin na nilingon ni Lolita ang parte ng food court kung saan ay huli niyang nakita sina Alma at ang driver niya.
Nagtataka namang napatingin si Lolita kay Zyran. Sa pagkakataong ito ay binitiwan na nito ang kamay niya.
“Sino ’yang kasama nila?” Tinuro pa ni Lolita ang mga taong tinotukoy niya.
“Oh, mga tauhan ko ’yang mga ’yan. I specifically told them to accompany your people and tell them you'll be coming shortly.” Kita naman ni Lolita na kumaway si Alma sabay tayo at tumakbo sa gawi niya.
“Señorit Lolita!” sigaw nito kahit nasa loob pa ng kainan. Mabilis ang mga kilos nitong binuksan ang glass door at lumabas.
“Señorita!” masigla nitong sigaw.
Napatingin naman si Lolita sa relo niya. ‘Nawala ako nang halos one hour and thirty minutes, pero halos ’di man lang sila nag-alala?’ Tumaas ang isang kilay ni Lolita.
“Señorita, nag-enjoy ka ba sa pagsa-shopping? Nasaan na ’yong mga napili mo?” Nagtaka naman si Lolita sa tanong ni Alma.
“Marami siyang napili. So I'll have it delivered later . . .”
“Kumain ka na ba, Señorita? Halikana at maraming inorder sina Zoe at Alloy.”
“’Yan ba ’yong kasama ninyo?”
“Ah, opo. Ang bait po nila. Driver at helper din sila ni Señorito Zyran. Hello po, Señorito!”
Tumango-tango naman si Lolita kahit na kita naman niyang hindi mukhang driver at katulong ang dalawa. Bagkus ay personal guards ang pormahan ng mga ito.
“Sabay ka na rin pong kumain sa ’min, Señorito!” masiglang sabi ni Alma.
‘Bakit biglang naging jolly ang babae na ’to? Sa pagkakaalam ko ay mahiyain ka, Alma. So, nasaan na ’yong Alma na kilala ko?’
“No, it's fine. May gagawin pa rin naman ako. Enjoy your food. Señorita Lolita Milan Alcadijas, I'll go ahead. Thank you for today. I hope you'll think about what I said.” Namangha naman si Lolita sa lapad ng ngiti nito. Lolita could say na mas gusto niya ang ngiti nito ngayon kaysa noong hawak na nito ang baril na gusto.
“Sige. Pag-isipan ko. Then I'll ask my grandfather about it. ’Pag pumayag siya ay babalik ako roon. Pero hindi ko maipapangako.” Even Lolita herself was not sure kung mangyayari ba ang pinagsasabi niya. Ni harapin pa lang ang Lolo niya to ask something critical ay ‘di na niya magawa.
“Señorito.” Napatingin naman si Lolita sa pinto ng food court. Doon ay nakita niya ang dalawang tauhan ni Zyran na palabas na at papalapit sa kanilang kinalalagyan.
“Let’s get going Zoe and Alloy,” ani Zyran nang makalapit na ang mga ito.
“Good afternoon po, Señorita,” sabay na sabi ng dalawa. Sabay din na nag-bow ang mga ito habang sa kaniya nakaharap.
‘Definitely not a helper and a driver!’ Kahit na may agamagam ay nginitian pa rin ni Lolita ang dalawa.
“Let’s go!” Wala naman sa sariling napailing si Lolita na pinagmasdan na lamang ang papalayong bulto ni Zyran at kasama nito.
“Ano namang problema nun? Nakangiti lang ta’s bigla na namang nagsusuplado. Feeling ko may regla siya . . .” Nakarinig naman ng hagikhik si Lolita.
“Ang gwapo po at ang bait ng kapatid ng fiancé mo, Señorita no?” Nanlaki naman ang mga mata ni Lolita. Agad na nilukob ng inis ang kaniyang mood.
“Who told you na kapatid ‘yon ng mapapangasawa ko?” may bahid nang inis na turan ni Lolita. Bigla na lang kumulo ang kalmado niyang dugo nang marinig ang salitang fiance.
“Ah, eh . . . ’yon po kasi ang sabi nina Zoe at Alloy, Señorita. Pa-pasensya na po.” Agad namang naawa si Lolita dahil mukhang natakot si Alma sa pagmamaldita niya. Napabuntong hininga na lamang siya.
“Uhm! Let's go. Hintayin ko na lang kayo roon sa parking lot,” ani Lolita at tumalikod na sabay hakbang patungo ng hagdan pababa sa first floor.