KABANATA 08

2266 Words
Gumanti naman ng tingin kay Eevee si Lolita. Tinaasan niya ito ng kilay at sinamaan nang tingin. ‘Kung maldita ka, pwes! Mas maldita ako!’ Ngunit imbes na patulan siya ay nginitian lamang siya ni Eevee. “Woah. Feisty one!” Tumawa ito sabay taas ng dalawang mga kamay sa ere. “I'm sorry, baby. Pareho tayong walang chance sa Señorito na ’to dahil may teacher Aimy na siya,” sabi ni Eevee sabay tap sa dibdib ni Zyran. ‘Ano naman ang pakialam ko sa Zyran na ’yan? Kahit isaksak pa ninyo sa mga cleavage niyo ang ulo ng lalaking ’yan. Hmp! Insultador pa ang babaeng ’to. Kung makatawag sa ’kin na baby. Kung alam lang niya, eighteen na ako sa susunod na mga buwan!’ Lolita’s foul mood suddenly intensifies to being extremely sour. At kita naman iyon sa maganda niyang mukha. “Stop it, Eevee,” ani Zyran na bahagyang tinulak si Eevee palayo sa katawan nito. ‘Ganiyan nga. Mabuti naman at may respeto ka roon sa hindi naman respectable mong jowa! Or kahit sino sa dalawang babae, halos parehas lang naman ang calibre. ’Yan siguro ang mga type mo!’ Tumaas ang isang kilay ni Lolita. ‘Sa tingin ko ay kaedad lang ni Alma ang Eevee na ’to. I'm not being disrespectful since siya naman ang naunang mang-insulto! We're just even.’ Lolita was crossing her arms. “Wala kaming relasyon ng Señorito mo, miss Eevee. Narito lang ako para bayaran kung ano man ’yong gusto niyang bilhin. Kaya kung gusto mo siya, sayong-sa ’yo na. Paghatian ninyong dalawa ni Teacher Aimy.” Pinagmasdan naman ni Lolita kung paano ito humagikhik. Tuloy ay mas lalo lamang siyang nakaramdam ng inis. Lolita could clearly feel na bata ang tingin ng mga ’to sa kaniya. “Woah, woah! Wait . . . Señorito, itong lady baby na ’to ay sugar baby mo?” Nanlaki naman agad ang mga mata ni Lolita sa tinawag nito sa kaniya. ‘Ano’ng sugar baby? Baliw ba siya? Itong ganda ko na ’to? Saka kung magiging ganoon man akong uri ng babae, hindi ko papatusin ang mukhang bampira na ’to!’ Pinandilatan ni Lolita si Zyran. As if she was urging Zyran to clear some things up. “Sira!” Napadikit naman kay Zyran si Lolita nang may lumapit sa kanila na iba na namang mukha. “Aray ko naman!” angil ni Eevee, matapos makatanggap ng isang batok mula sa kararating lang na lalaki. Kinakamot nito ang ulo sabay pout. “Enough with your silliness, Eevee. Ang mabuti pa ay asikasuhin mo ’yong ibang mga customer natin. ‘Pag ang mga ’yon hindi na-intertain nang maayos—ibabawas ko sa sahod mo ngayong buwan hanggang sa susunod pang mga buwan. Or hanggang saan aabutin ng halagang hindi nabawi.” Pigil naman ang ngiti ni Lolita. ‘Rude ang parusa. Pero deserve! Bagay nga sa ’yo! Pero bakit napa-puppy eyes ka kay Zyran?’ Nagtataka naman na tiningnan ni Lolita kung ano ang magiging reaksyon ni Zyran sa ginagawa ni Eevee. ‘Kawawa naman si Teacher Aimy kung may relasyon ’tong dalawa na ’to. Pero deserve rin niya!’ Namulsa si Zyran at tumingin kay Eevee. “I will agree with your words, Dennis.” “Ito namang mga boss ko, ‘di mabiro. Señorito boss Zyran at lady baby, mauuna na ako ha . . . Babosh!” anitong nag flying kiss pa sa kanila bago matulin na tumakbo palayo. “It’s been a week, bro. I'm glad na binalikan mo. That must be the reason, right? So, bibilhin mo ba?” Hindi pa rin magawang dumistansya ni Lolita kay Zyran. Dahil ang totoo ay natatakot siya kay Dennis sa dami ng tattoo nito sa braso. ‘Takot at ayaw ko rin naman kay Zyran. Pero at least siya, walang siyang tattoo. I mean hindi naman ako against sa pagiging burdado. Ang ayaw ko lang ay halos ginawa na niyang long sleeves ang tattoo at may piercing pa siya sa dila at kilay. Parang gangster tuloy ang dating kahit mukha naman siyang professional —professional gangster?’ Lolita was laughing at her own joke sa kaniyang isipan. “Will you going to buy it, bro or we will just sell it together with the other items?” Nagkaroon naman agad ng ediya si Lolita kung ano ang ibig sabihin ni Dennis. “Yeah, Dennis. That is why I'm here. Buying it like I'm not a co-owner here. Like I am not one of the majority . . .” Panay lamang ang pagmamatyag ni Lolita sa dalawa. “Yep! Business is business, bro. Hindi tayo pwedeng malugi. Sige ka. Isa ka rin sa mawawalan ’pag nagkaroon ako ng favoritism dito,” anitong naka ngiting aso pa. “Tsk! Whatever . . .” Muli ay napasiksik si Lolita kay Zyran nang lapitan siya ni Dennis. “Oh . . . Look what we have here. Sino ’tong little lady na kasama mo, bro?” Ngumiti ito kay Lolita na may bakas ng pagpapa-cute. “She’s really cute though. Mukha siyang Taino na barbie doll.” “She’s Señorita Lolita Milan Alcadijas, my atm for this afternoon.” Zyran stares at Lolita. Kaya naman ay inismiran niya ito. “Alcadijas? You mean . . . Your sister-in-law? Well, I guess the good Taina gene runs through her.” ‘Kilala ng lalaki na ‘to ang mommy ko? That's unfair.’ Pansin ni Lolita ang mapaglarong mga ngiti ni Dennis. “Well . . . In the future when she turns eight—” “Nope! That will never happen,” mariing sabi ni Lolita na sinamaan pa nang tingin si Dennis. “Did I hit a nerve, Señorita? Alam ba ni Zinon na magkasama kayo, bro?” “Not now, Dennis. Señorita Lolita is here to pay something for me. Nothing more. Nothing less.” Maging sa Lolita ay nakaramdam ng intimidation sa boses ni Zyran. ‘Sino bang hindi magagalit? Ang malisyoso ng utak ng Dennis na ’to!’ Lolita forgot the fact na kabibigay lang din niya ng malisya sa ugnayan nina Zyran at Eevee. “Haha! Sige, sige! Let's go. Come on, Señorita. Baka may magustuhan ka rin ’pag nakita mo ang mga naka-display sa show room.” Alangan na humakbang si Lolita. “Let’s get going para makauwi ka na.” Tumingala si Lolita upang tingnan si Zyran dahil inawakan nito ang kaniyang kamay. “Baka pag-isipan na naman tayo nang masama.” Lolita was trying to pull her hand’s off in Zyran’s grip. “Be still.” Wala ng nagawa si Lolita kundi ang sumunod sa bawat hakbang nito upang hindi siya mahila. ‘Wala ba siyang balak bagalan ang hakbang niya? Hindi ba nakikita ng Zyran na ’tong higit na mas maikli ang paa ko kung ikukumpara sa kaniya! Isang hakbang lang ay halos takbo na ang ginagawa ko . . .’ Maiyak-iyak ng pinipisil ni Lolita ang kamay ni Zyran. “Be patient. Malapit na tayo.” “Bagalan mo naman kasi ang hakbang mo!” Tumigil si Zyran at pinagmasdan ang paa niya. “Yeah. I forgot, you have shorter legs.” Binagalan nito ang hakbang. Hindi alam ni Lolita kung magpapasalamat ba siya o maiinis sa ginawa nito. Hindi naman nagtagal ay napatulala na lang si Lolita nang makita ang isang malapad na salamin na mayroong mga naka-display sa loob. Sa kalidad pa lang ng salamin ay makikita na bullet proof ito kahit maykalumaan na ang desenyo. “Ma-mga baril? Iba’t ibang klase ng baril?” Lolita whispers. “Yes,” tipid na sagot ni Zyran. “Come in, Señorita. Did it startle you? Haha!” Tuluyan na silang pumasok sa loob. Si Lolita naman ay hawak na ngayon ang braso ni Zyran. “Ba’t ’di mo naman sinabi na baril pala ang bibilhin mo?” “I thought you already got an idea since firing range ang lugar na ’to.” “Malay ko bang baril ang gusto mo. Legal ba ang mga ’yan? May papers ba?” “Of course. Fifty years na ang underground firing range na ’to. I can also guarantee you that everything here is legal . . . As I've said, fifty years na ’to. Panahon pa ng mga Lolo at Lola natin.” Panay ang tingin ni Lolita sa mga baril habang sa sila ay naglalakad. Ni hindi na niya gaanong pinansin ang bulungan nina Zyran at Dennis sa sobrang abala niya. Naunang naglakad si Dennis sa kanila at tumapat sa isang glass stand. “Here, bro. Narito lang siya . . . Look at her! Ang ganda ’di ba?” proud na sabi ni Dennis na itinuturo ang isang rifle na nasa loob ng isang viewing glass box. “Smith and Wesson three hundred twenty—year eighteen eighty seven—serial number nine hundred seventy seven. One of the exported one hundred thirty seven revolver rifle . . .” Lolita mumbles while looking at the nameplate sa ibaba lamang ng nakatagilid na baril sa ibabaw ng patungan. “Maganda hindi ba, Señorita?” Tumango naman si Lolita. “It’s only six thousand dollars.” Nanlaki naman ang mata ni Lolita. “What? But that was only five thousand, five hundred the last time!” angal ni Zyran. “Parte ng two hundred twenty four rifle with a length of twenty inches ’yan, bro—scarcest to be exact. What do you expect about the price then? A foreign collector was trying to bid it at five thousand eight hundred. Maibibigay ko pa ’yan sa foreigner na ’yon ng hanggang six thousand five hundred pa—surely magkakandarapa pa rin ’yon.” Nakataas ang kilay nito habang binubuksan ang salamin ng showing box. “Fine. I’ll take it.” Pakiramdam naman ni Lolita ay umikot bigla ang kaniyang mundo at tumbong. Iyong tipong mahi-heat stroke siya kahit sakto lang naman ang temperatura sa loob. “Anong you'll take it? Ni hindi mo nga ako tinanong kung okay ako sa presyo!” Kwenilyuhan ni Lolita si si Zyran upang magkapag-usap sila nang harapan. “Why? All you have to do is to pay,” replied Zyran nonchalantly. Marahan nitong tinanggal ang mga kamay ni Lolita na nakahawak nang mahigpit. Huminga nang malalim si Lolita. “Six thousand dollars is equivalent to three hundred thirty six thousand when converted to peso!” bulalas ni Lolita. Namumula ang kaniyang pisngi, maging ang mga mata niya. “And?” Kulang na lang ay tumalon si Lolita sa likod ni Zyran at sabunutan ito sa labis na frustration. Again, Lolita heaved a deep sigh. She fixed herself at muling pinulot ang natapyasan niyang pasensya. “And? Mr. Zyran, hindi pa ako nababaliw para gumastos ng ganiyan kalaki na pera in one go. Yes, I admit that the rifle is dazzlingly gorgeous kahit na luma na pero . . . Ang mahal pa rin. Sobra!” naiiyak na sambit ni Lolita. ‘Lintik na! Saradong five hundred thousand lang ang laman nitong master card ko. Saka pinaghirapan ko itong ipunin sa pagsa-side line sa rubber plantation namin at part na rin dito ’yong allowances na natipid ko noong nag-aaral pa ako sa elementary. Pinag-iipunan ko ang future ko. Para if need ni daddy ng investment sa latex plant namin ay may pera ako at hindi ko na kailangang magpakasal pa sa Zinon na ’yon!’ “Told you, bro. Maliban sa baby pa ay nag-aaral pa si Señorita Lolita. Saan naman siya kukuha ng ganoon ka laking halaga?” gatong naman ni Dennis na ikina kulo ng dugo ni Lolita. “Maybe tatawagan niya si Mr. Alcadijas or si Don Dario?” Nagpantig ang tainga ni Lolita sa mga hirit ni Dennis. “Iniinsulto mo ba ako?” galit na anas ni Lolita habang nakatingin nang deretsyo kay Dennis. Hindi naman ito katangkaran kaya ay hindi siya nahirapan na titigan ito sa mata. “Nope! Absolutely not, Señorita. As a matter of fact, I am being considerate to you. Knowing Zyran, tiyak akong pababayaran talaga niyan sa ’yo ang halaga ng riffle.” Nanginginig ang kamay ni Lolita sabay tagis ng kaniyang bagang. ‘Mas pag-iigihan ko na lang ulit ang pagta-trabaho sa rubber plantation namin para makaipon ako ulit. I will never let anyone trample my name!’ In Lolita's mind, buo na ang kaniyang pasya at wala ng makapagbabago pa rito. Padabog na binuksan ni Lolita ang maliit niyang belt bag at kinuha ang isang blue na master card. Tumingin muna siya nang matalim kay Zyran, then reluctantly handed her card to Dennis. “Yay, RK! Noong nagsisimula na akong magtrabaho rito sa UFR ay saka pa lang ako nakahawak ng ganitong kalaking halaga, Señorita. Pero noong kaidad mo pa lang ako, haha! Sa halagang five hundred ay feeling ko sobrang yaman ko na.” Napangiti naman si Lolita. ‘Kung alam mo lang. Naging rough ang kamay ko dahil sa perang ’yan.’ “Bakit, ilang taon ka na ba, Mr. Dennis?” hindi napigilan na itanong ni Lolita. “thirty-one as of the moment, Señorita.” “Oh . . .” “Bakit? Mukha akong baby face no?” Tatawa-tawa ito habang sina-swipe ang card ni Lolita. “And . . . We're good! Congratulations on your purchase, Señorita.” Agad namang tinanggap ni Lolita ang kaniyang card nang inabot nito. “Sa uulitin, Señorita.” Naging bitter naman ang itsura ni Lolita. Pinagmasdan niya si Zyran na ngayon ay hawak na ang rifle. “Hindi mo ba ilalagay sa box ’yan, bro?” “Nope. Susubukan ko siyang paputukin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD