KABANATA 07

2269 Words
KINAUMAGAHAN ay nagising si Lolita sa katok na nagmumula sa pinto ng kaniyang silid. Pupungas-pungas siyang bumangon at bahagya pang nakapikit habang naglalakad tungo sa pinagmumulan ng ingay. “Señorita Lolita, señorita Lolita! Gising na raw po sabi ng doña Matilda.” “Opo. Nariyan na, Ate Karel,” sagot ni Lolita upang tumigil na ito sa kakakatok. Binuksan ni Lolita ang pinto at bumungad sa kaniya ang mukha ni Karel. “Señorita Lolita. Kumain ka na po at tanghali na.” Natigilan naman si Lolita at napatingin sa kaniyang wall clock. “Eh? Mag e-eleven na nang tanghali? Maaga naman akong natulog ah. Bakit late pa rin akong nagising? Ba’t late muna akong ginising, ate?” “Ayos lang po ’yan, Señorita. Sabado naman po at mamayang gabi pa ang church service ninyo.” Lolita shrugged sabay hawi sa kulot niyang buhok na nasa mukha niya. “Ala-una tayo aalis, Ate Karel. Baka kas—” “Ay nakalimutan ko pong sabihin, Señorita. Kailangan ko pong umuwi muna ng probinsya namin. Nagkasakit kasi ang nanay ko . . . Mamayang alas-dos po nang hapon ang biyahe ko. Kaninang umaga lang din po ako nakapag paalam sa Don at Doña.” “Ganoon ba? Sige . . . Sana gumaling agad ang nanay mo, Ate Karel. Saka ingat po sa biyahe ha.” “Salamat po, Señorita. Nga pala. Si Alma na lang daw po ang makakasama mo sa pamimili ani Doña Matilda.” Nagpatango-tango si Lolita. “Nasaan nga pala sina Lolo at Lola?” “Ah, nagpunta po sa rubber plantation niyo, Señorita. Dumating kasi ang bagong order na mga chicken wire ng Don.” “What? Isinama ni Lolo si Lola?” “Mapilit po kasi ang Doña. Saka hindi naman po gaanong mainit at malamig ang panahon. Sakto lang para sa kalusugan niya—’yan po ang sabi ng Don.” Napabuntong hininga na lang si Lolita. Bata pa lang ay kilala na sa pagiging inseparable ang Lolo at Lola niya. Mas lalo na ang pagiging under de saya ng kaniyang Lolo. “Sige, Ate Karel. Susunod na ako sa ibaba. Pakihanda na lang ng pagkain ko at maliligo lang ako saglit.” ‘Totoo nga ang sabi ni Lolo na pasasapawan niya ng bagong chicken wire ang mga old fence. Kung ’di pa naubusan ng dating gauge ng mga wire ay malamang noong nakaraang buwan pa ’yan natapos. Ba’t ba naman kasi hindi na lang nila ’yan gawing concrete. I even suggested na firewall ang ilagay. Pero ayaw naman nilang pumayag tatlo. Well, bahala sila. Sila naman ang gagastos.’ Inasikaso na ni Lolita ang sarili niya. Matapos naligo ay agad na siyang bumaba upang kumain. Nagpalipas muna siya ng oras sa kanilang greenhouse bago muling naligo at gumayak upang magtungo na sa Marketplace ng kanilang town. “Nakahanda na po ang sasakyan, Señorita.” “Nakabalik na ba sina Lolo at Lola ko, Alma?” Limang taon lamang ang agwat nila ni Alma kaya ay tinatawag lamang ito ni Lolita sa pangalan nito. “Ang sabi po ni Manang Daisy, Señorita ay baka po mga alas-kwatro pa nang hapon ang balik nila.” Tumaas ang kilay ni Lolita. “Dala ba nila ang mini jeep?” “Opo, Señorita.” “Mabuti naman kung ganoon . . .” A huge smile plastered on Lolita's lips nang mapansin ang suot ni Alma. “Bagay na bagay sa ’yo ang dress na suot mo, Alma.” Kita naman ni Lolita kung paano ito namula. Mula si Alma sa isang malaking pamilya. Mayroon itong siyam na mga kapatid. Kaya sa edad na dese-otso ay naging ina na ito sa isang batang lalaki. Maaga itong nag-asawa kaya ngayon na twenty three na ay mayroon ng binubuhay na pamilya—kasama na rin ang iba pa nitong batang kapatid. “Sa-salamat po rito sa damit, Señorita.” Alma smiled bashfully. “Medyo mahaba sa ’yo pero saktong-sakto ang hapit sa katawan mo. Matagal ko na ’yang ni-regalo sa ‘yo ah. Ngayon lang kita nakitang suot ’yan.” “Medyo maluwag po kasi sa ‘kin kaya ay itinabi ko po muna, Señorita. Saka po, wala naman akong pagsusuotan na okasyon.” “Uhm . . . Medyo nagkalaman ka nga, Alma. Mabuti ’yan. Mas healthy ka tingnan.” Lolita was tapping Alma’s shoulder. “Señorita Lolita, aalis na po ba tayo?” anang driver na si Selmo. “Oo, Manong Selmo. Sa marketplace ang punta natin.” Hindi naman nagtagal ay nagsimula ng baybayin ng sinasakyan ni Lolita’ng family Töyòtä HIäce van ang daanan patungo sa highway. Mahigit thirty minutes din ang travel time galing sa rubber plantation nina Lolita patungo sa Marketplace. ‘Ilang linggo na lang at aalis na ako rito sa town namin. Mamamalagi ako sa city at baka sa tuwing bakasyon lang ang balik ko rito dahil sa haba ng biyahe.’ Lolita was staring at the scenery outside the car window. Sakto lamang ang kanilang takbo hanggang sa nakarating sila sa highway at nakipag sabayan sa iba pang mga sasakyan. On the way sa kanilang biyahe ay nadaan nila ang public highschool kung saan nag-grade ten si Lolita. Memories came rushing to Lolita's mind unhinged. Lolita could go into a private school. Pero mas pinili ng mga magulang niya ang sa public siya mag-aral. Nag-homeschool na rin siya sa sr high school dahil nais sana ni Lolita na makita palagi ang ama niya sa tuwing umuuwi ito. “Diyan po nag-aaral ngayon ang dalawa kong kapatid, Señorita. Salamat po sa mataas na pasahod ninyo sa amin na mga tauhan ninyo.” Matamis na ngumiti si Lolita. “Worth it naman dahil responsible kayo at ang lo-loyal pa,” ani Lolita na tumingin din sa family driver nila. Hindi naman nagtagal ay narating na nila ang marketplace. Hinintay muna ni Lolita na ma-secure ng driver nila ang sasakyan, saka sila sabay na pumasok sa establishment. Sa pagpasok nila ay dumeretsyo si Lolita sa paborito niyang boutique. Minsan dalawang beses sa isang buwan ay nagpupunta siya rito kaya ay kilala na siya ng mga saleslady. Namili agad si Lolita ng mga damit. Ginugol niya ang halos isang oras sa loob ng boutique hanggang sa siya ay natapos. Nakabili siya ng pitong pirasong damit at dalawang footwear. Binilhan niya rin ng tig-isang damit sina Alma at Manong Selmo. “Saan po tayo susunod pupunta, Señorita?” Lolita peeked at her wristwatch. “Two thirty pa lang nang hapon, Manong Selmo, Alma, mag-snacks muna tayo.” Tumalima naman ang dalawa at agad na sumunod kay Lolita. “Kailangan mo ba ng tulong sa pagbitbit, Manong Selmo?” Pinagmasdan ni Lolita ang dala nitong pitong paper bag. Samantalang apat naman ang hawak ni Alma. “Naku, hindi, Señorita. Magaan lang naman po. Saka tinulungan naman na ako ni Alma.” Hindi na nagpumilit pa si Lolita ay nagpatuloy na sila sa paglakad. Sa kaalaman ni Lolita ay dalawang palapag lang ang Marketplace sa lugar nila. Ngunit malapad ito at maraming tindahan sa loob. Isa na rito ang malapad na food court na nasa second floor. On the way to the food court . . . “Señorita Lolita Milan Alcadijas . . .” Lolita felt a sudden chills on her spine nang marinig ang boses ng taong tumawag sa buo niyang pangalan. Lolita paused, ngunit muli siyang humakbang like she didn't hear the man’s words. Nagkunwari si Lolita na kinakausap niya si Alma. “Is that how you treat your savior, Señorita?” Muli ay natigil ang paghakbang ni Lolita. Pikit-mata siyang huminga nang malalim bago tumingin sa mga kasama niya. “Manong Selmo, Alma, mauna na kayong mag-order at kumain. May kakausapin lang ako.” “Hi-hindi mo ba kailangan ng kasama, Señorita?” tanong ni Manong Selmo. Lolita was feeling touched sa concern ng driver nila. “Okay lang ako, Manong. Here's the money. Gamitin ninyo. ’Pag natapos ako sa gagawin ko ay babalikan ko kayo rito.” “Se-señorita, sobra po ito!” Halos ayaw pang tanggapin ni Manong Selmo ang apat na libong inabot ni Lolita. “Sige lang po. Pumili lang kayo ng pagkain na gusto ninyo. Alma, kumain kayo hanggang sa mabundat kayo. Bilhan na rin ninyo sina Manang Daisy at ang iba pa. “Mag-ingat ka po, Señorita,” ani Alma. Nginitian ni Lolita ang dalawa at seninyasan na pumasok na sila sa food court. Nang makitang tumigil na ang mga ito sa kasisilip sa kaniya ay saka pa lamang niya nilingon ang lalaki. “Señorito Zyran . . .” Ipinakita ni Lolita ang kaniyang pantay at puting mga ngipin sa pamamagitan ng isang ngiting aso. “I thought you had forgotten about me. It's only been what? Two months and you're already treating me like I'm a complete stranger.” Ang totoo ay ayaw na makausap ni Lolita ang lalaki. Nais lamang niyang itanong dito kung bakit ito nagpapadala ng bulaklak sa kaniya. “For your information, Señorito. Ipaaalala ko lang sa ’yo na hindi tayo close. I am very much thankful for your help, pero hindi tayo close. Saka bakit ka nagpapadala ng bulaklak sa ’kin?” Nakataas ang kilay habang nakatingala si Lolita. ‘Aray ko. Magkaka-stiff neck yata ako. Hindi ako pandak, pero bakit ang tangkad ng lalaking ‘to?’ “Ouch . . . That's mean of you.” Pumikit pa ito sabay sapo sa dibdib. Umaaktong nasasaktan nang husto. “Yuck! Hindi bagay . . .” Lolita rolled her eyes. “Anyways, those flowers came from Zinon, my brother, your fiance.” Umismid naman si Lolita. “Sabihin mo sa kuya mo na hindi ko kailangan ng bulaklak niya. Saka hindi ako natutuwa sa pa-flowers niya. May greenhouse kami kaya ay hindi ako salat sa bulaklak.” “Oh, okay. I'll make sure to let him know when I get back. Well, I'm here to buy something. Would you pay for it? I’ll take it as a payment for saving you. After that, think of it as you are no longer indebted to me.” Tumingin nang diretso si Lolita kay Zy. She was trying to gage kung nagsasabi ito nang totoo. “Totoo? ’Pag binili ko ’yong gusto mo ay quits na tayo?” Kita naman ni Lolita na ngumiti si Zyran sabay tango. ‘Gwapo nga, garapal naman. Tse! Mabuti na lang at dala ko ’tong masters card ko. Hindi naman siguro milyones ang halaga ng ipabibili niya sa ’kin.’ “Don’t worry. It's not that expensive.” Halos matisod naman si Lolita sa sinabi nito. ‘Maysa manghuhula talaga!’ “Saan ka pupunta?” Napakunot naman ang noo ni Lolita nang makitang sa exit ang punta nito. Emergency exit to be exact. “Sa tindahan kung nasaan naka-display ’yong bibilhin ko,” said Zyran nonchalantly. “Pero exit na ’yan. Doon sa kabilang side ang hagdan papuntang first floor.” “Sa ground floor ang punta natin.” Nakaramdam naman ng inis si Lolita. “Niloloko mo ba ako? Makailang ulit na akong namili rito. Two floors lang meron ang establishment na ’to!” “Why don't you just let me take the lead and see for yourself?” With a stern face ay sinilip ni Lolita ang pasilyo kung saan ay nagtungo si Zyran. Tulad ng ginawa nito ay pumasok din siya sa pintong may nakasulat na VIP. ‘Mayroong elevator?’ Tulalang nakatayo si Lolita. “Come here. Hurry.” Kahit puno ng agam-agam ang kaniyang isipan ay agad pa rin siyang lumapit dito. “Bawal sa ibaba ang mga minor. But since you are with me, it's fine . . .” Kita ni Valine na may card itong itinapat sa may scanner ng elevator monitor saka pa lang bumukas ang elevator. Maliit lamang ang loob na halos pang tatlong tao lang. Hinawakan nito ang likuran ni Lolita kaya ay wala sa sariling napaigtad siya. “Sa-saan ba talaga tayo pupunta?” kinakabahan na tanong ni Lolita. ‘Ba’t ba naman kasi ako basta-basta na lang sumama sa lalaking ’to? Ano bang nakain ko? Saka ni hindi man lang ako nakapag paalam kina Alma at Manong Selmo.’ “Ting!” Hindi pa man nakakakuha ng sagot si Lolita mula kay Zyran ay agad ng bumukas muli ang elevator. “Come. Don't worry. Hindi naman kita sasaktan. And I know, you will also love this place.” Nag-aalangan na inabot ni Lolita ang kaniyang kamay sa nakaabang na palad ni Zyran. Sa paglabas ni Lolita sa elevator ay agad siyang napatingala. “Evergreen town underground firing range . . .” Lolita whispers. “Your grandfather used to come here when he was younger.” Agad namang napatitig si Lolita kay Zyran. “Only members of the club are allowed in here.” ‘If totoo ang sinasabi niya, mabuti pa siya ay alam ang bagay na ’yan. Wala namang sinasabi sa ’kin si Lolo. Ngayon ko nga lang nalaman na may ganito pala rito sa town namin.’ “Señorito Zyran, welcome back po.” Lolita could see kung gaano ka respectful ang lalaki kay Zyran. “Magandang hapon po, Señorita . . .” bati naman nito kay Lolita na sinabayan pa ng malapad na ngiti. “Go-good afternoon din po.” Lolita subconsciously held onto Zyran’s leather jacket. “It’s okay. Mukha lang nakakatakot si Ador pero sobrang mabait ’yan,” ani Zyran na natatawa pa. “Señorito Zyran!” “Miss Eevee . . .” Lumapit ang babae at humalik sa pisngi ni Zyran. Habang tiningnan lamang nito si Lolita mula ulo hanggang paa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD