KABANATA 06

2123 Words
SA paglipas ng mga araw at buwan ay tuluyan ng nakapagtapos ng highschool si Lolita. Kasabay ng kaniyang pagtatapos ay ang hindi na rin niya makikita ang kaniyang mahal na tutor —guro. “Sang-ayon ba kayo sa pasya kong ’to, mama, papa? This is for Lolita's good. I’ve been thinking and contemplating about it for the past months.” Natigil ang paghakbang ni Lolita patungo sa veranda ng kanilang villa nang marinig ang boses ng daddy niya. Lolita could feel na seryoso ang tuno ng boses nito kaya ay humalukipkip muna siya sa may gilid. Habang nakikinig ay panay ang laro ng kaniyang kamay sa dahon ng giant aloe vera ng lola niya. Tutungo lang sana siya sa may hardin upang doon magbasa ng paborito niyang aklat. Pero nang marinig niya na siya ang paksa ng pag-uusap ng kaniyang mga magulang ay lumabas bigla ang pagiging chismosa niya. Inilapag niya ang kaniyang libro sa b****a ng isang floor vase. “Lander anak, tama ang iyong naisip. Botong-boto ako riyan sa plano mo. Mas mabuti rin ang colleges doon sa city kung ikukumpara dito sa atin. Alam ko rin kung ano ang pinakadahilan ng iyong pasya. Kung pwede lang na sa ibang bansa ko pag-aralin ’yang apo ko ay ginawa ko na.” Napahinga nang malalim si Lolita nang marinig niya ang boses ng kaniyang Lolo. ‘So . . . Sa siyudad ako magko-college? Ano kaya ang problema at mas gusto pa ni Lolo na ipatapon ako sa ibang planeta, I mean bansa?’ Bahagyang nakaramdam ng excitement si Lolita. Excitement dahil mamamalagi siya sa city, at kaba naman dahil wala siyang kakilala roon. ‘Baka matawag lang akong promdi! As if naman papayag ako. Might as well pag-aralan ko kung paano mamuhay sa siyudad. Kung sa pananamit naman at pananalita ay alam kong magaling ako. Pero sa mga kilos . . . I doubt.’ Mas humalukipkip pa si Lolita at pinagbuti ang pakikinig. “Pu-pumayag naman ba si-sila?” Nangunot ang noo ni Lolita sa sinabi ng kaniyang Lola. ‘Nariyan na naman ’yang pa-mysterious nila. Ano ba talaga ang itinatago nila sa ’kin? If it's about the wedding sa manong na ’yon, well . . . Matagal ko naman ng alam! Saka kung hindi ang mga Famoñer ang ibig sabihin ni Lola, sino pa?’ Naging isang palaisipan kay Lolita ang winika ng kaniyang Lola. “Wala pa sa tamang panahon ang kasunduan. They can't do anything about my decisions as of the moment. For now, they can't do anything hangga’t hindi pa dumarating ang panahon na magkaroon ng bisa ang kasunduan na ’yon.” Panay taas ang kilay ni Lolita. Ni hindi na niya namamalayan na kaniya ng nabali ang dulong parte ng dahong hawak niya—hanggang sa naging madulas na ang kaniyang daliri. ‘Yuck!’ sigaw ni Lolita sa kaniyang isipan habang winawasiwas ang kamay upang maalis ang lagkit doon. ‘Lagot ako nito kay Lola . . .’ She even attempted to put the broken leaf back to its original form. ‘Pin. Gagamitan ko ’to ng pin para madugtong ulit . . .’ Lolita was having the idea since she have done it before—noong paslit pa lang siya. Makulit at malikot na kung anuano na lang idea ang naiisipan gawin. “Bakit ba naman kasi kailangan pa natin iyong sundin, anak? Masyadong maraming taon na ang lumipas. Saka nasa makabagong henerasyon na tayo ngayon. Pwede naman sigurong kausapin natin mismo ang old woman ng m—” “No, Papa. We can never call of the we—” “Señorita Lolita, ano pong ginagawa mo riyan?” Halos mapaupo na si Lolita sa sahig nang marinig ang boses ng isa sa mga house helper nilang si Karel. Thirty years old pa lamang ito kaya ay maysa-barkada lamang ang turing ni Lolita rito. “Shhh!” Agad na patakbong lumapit si Lolita kay Karel sabay takip sa bibig nito. Idiniin niya ang kaniyang palad sa bibig nito habang pinipilit na maglakad sila paalis sa veranda. “Se-señorita, ambaho po ng kamay mo. Saka ang pangit po ng lasa . . .” naiiyak na bulong ni Karel. Nanlaki naman ang mga mata ni Lolita at mabilis tinanggal ang kaniyang kamay upon remembering kung ano ang nahawakan niya bago lang. “Pasensya ka na, Ate Karel. Ikaw naman kasi, ang ingay mo. Kita mo na ngang nagtatago ako . . .” bulong naman pabalik ni Lolita rito. “Anak, ka-kanina ka pa ba rito?” Mariing pumikit si Lolita bago humarap sa daddy niya. ‘Nalintikan na. Nahuli na ako . . .’ “Dad! Good afternoon po. Ahm . . . hi-hindi naman ganoon katagal. Kararating ko lang din,” pagsisinungaling pa ni Lolita habang malapad na nakangiti. “’Di ba, Ate Karel halos sabay lang tayong napadaan rito?” Nilingon ni Lolita si Karel at pinandilatan ito ng mata sabay kibot-kibot ng kaniyang mga labi. “Ah, hah? Ah—haha! O-opo, sir. Halos sabay lang kami ni Señorita. Sinundan ko lang din po siya rito. Sa hardin po ang punta ko para ipasok iyong mga bonsai ng Doña,” mahabang litanya ni Karel. Mas lalo pang lumapad ang mga ngiti ni Lolita matapos marinig ang sinabi ni Karel. ‘Safe! Perks of having a matalino na kakampi.’ “Okay. Well . . . Narito ka na rin lang. Might as well ngayon ko na sabihin kung ano ang plano ko tungkol sa pag-aaral mo ngayong pararating na pasukan. Sinabi ko na sa Lolo’t Lola mo. Pasitive naman ang response nila. In fact, your Lola is very much into it.” “Ah . . . Ang aga naman po, dad. May tatlong linggo pa naman bago ang susunod na enrollment,” pa-inosenteng sagot ni Lolita. “Sir Lander, Señorita, tutuloy na po muna ako sa harden.” Tumango naman si Lander, samantalang ngumiti lamang si Lolita. “Come here, anak. Nandito ang Lolo’t Lola mo sa loob.” Agad namang sinundan ni Lolita ang ama niya. “Oh, apo ko. Narito ka pala? Tapos mo na bang basahin ’yong paborito mong libro?” “Hindi pa po, Lolo. Baka mamaya po.” Nilapitan ni Lolita ang Lolo at Lola niya saka humalik sa pisngi ng mga ito. “Hello to my gorgeous Lola! Mwah, mwah, mwah!” Pinupog niya ng halik ang mukha ng Lola niya. “Lo-Lolita apo . . .” Lolita smiles, feeling the warmth of her Lola's hand. ‘Lola’s palm is so smooth and soft. Ang nakakalungkot ay hindi dahil sa buhay reyna ito. Kundi dahil hindi na niya magawa ang mga gusto niyang gawin since uncontrolled na niya masyado ang kaniyang kamay.’ “Anak Lolita, napagkasunduan namin nina Lolo at Lola mo na sa University of Dalaman ka magka-college.” “Oh . . .” Though alam na ni Lolita na sa siyudad siya makokolihiyo, hindi naman niya inasahan na sa public school siya mag-aaral. “It’s a public school. But the teaching there is excellent,” pahabol pa ng kaniyang ama. “Okay, dad. Whatever you decide —it’s fine with me.” Ngumiti si Lolita. Ngunit sa isipan niya ay naglalaro ang katanungan na bakit hindi sa private school —kung saan nagtapos ang kaniyang Mommy at daddy. “Apo, sabi ng Lola mo ay mamili ka raw ng mga bagong damit sa Marketplace. Sasamahan ka raw ni Inday Karel bukas,” ani Dario. “Papa, Mama, mas mabuti sigurong doon na lang sa sentro mamili si Lolita. I would personally escort her para—” “N-no!” asik ng Lola ni Lolita. “Okay, Mama. Whatever you say . . .” Napailing naman si Lolita na may kalakip na ngiti. ‘There. ‘Pag si Lola talaga ang nagsasalita, pareho kaming tameme lahat.’ Matapos makipag-usap si Lolita sa daddy, Lolo at Lola niya ay tumuloy na rin siya sa hardin bitbit pa rin ang kaniyang libro—kung saan ay naabutan niya si Karel na nag-aayos ng mga halaman. Nakatalikod ito at busy sa ginagawa. “Narito ka pa rin, Ate Karel?” ‘Ilang minuto rin kaming nag-usap nila daddy ah. Yeah, malamang magtatagal talaga si Ate Karel. Sobrang dami ba naman kasing indoor plants ni Lola. Parang balak na niyang gawing forest ang sala ng villa.’ Tumayo nang tuwid si Karel at hinarap si Lolita. Nagpunas ito ng kamay at nagtungo sa bench upang punasan iyon para maupuan ni Lolita. “Ah, Señorita. Inaayos ko lang iyong huling mga paso para madala ko na rin sa loob ng bahay. Maya-maya ay tiyak akong susuriin na ng Doña ang mga tanim niya kung kumpleto ba.” Napangiti naman si Lolita dahil alam niyang ganoon talaga ang gagawin ng Lola niya. Kilala nito ang bawat pot ng tanim kahit marami na iyon. She was also aware na may pangalan ang bawat kaang ng mga bonsai. Uupo na sana si Lolita sa bench na pinunasan ni Karel nang maalala niya ang kaniyang dapat hugasan na kamay. Mabilis siyang nagtungo sa may gripo at binuksan iyon. Nang matapos ay nagpunas siya ng kamay gamit ang tissue at naglakad patungo sa basurahan. ‘Eh?’ Lolita's steps were halted dahil sa kaniyang nakita. “Ate Karel, ba’t may mga itinapon na bouquet ng mga bulaklak dito sa may compost bin?” Humakbang pa si Lolita at nilapitan ang basurahan. “Ah . . . Eh . . .” Kita ni Lolita kung paano nagkamot ng ulo si Karel. Dito pa lang ay alam na niyang may itinatago ito. Nilingon niya ang mga bulaklak bago muling tumingin kay Karel. Tumaas ang kanang kilay ni Lolita. She could see and feel na balisa ito. “Don’t lie to me. Saan galing ang mga bulaklak na ’yan?” Nakatingin si Lolita sa mga bulaklak. ‘As far as I can remember, ako lang naman ang maaaring ligawan dito—hindi pa officially! Mas lalong hindi si Alma—pamilyado na ’yong tao.’ “Ku-kuwan, Señorita . . .” Itinaas ni Lolita ang kaniyang kamay upang patahimikin si Karel. ‘Mga nasa pitong bouquet ang nasa basurahan. Toyo na ’yong iba—ang iba naman ay mga nasa two to three days pang nawalan ng tubig . . .’ Dumukwang si Lolita at pinulot ang isang card. Nabasa iyon ngunit hindi pa naman apektado ang mga letrang nakasulat doon. Mayroon pa siyang nakikita na mga cards, ngunit ang hawak lamang niya ang kaniyang abot-kamay. “From Zy to gorgeous Lo—what?” Tumingin si Lolita kay Karel. Hindi maipinta ang mukha niya dulot ng matinding disgusto. “O-opo, Señorita. Para sa ’yo ang mga bulaklak na ’yan. Pi-pinatapon sa ’kin ng Don. Sabi niya ay ’wag raw ipaalam sa ’yo.” Nakayuko si Karel habang nagsasalita. Umiling si Lolita. “At bakit naman magpapadala ng bulaklak sa ’kin ‘yong lalaki na ’yon? Close ba kami?” galit na sabi ni Lolita. “Ta-tama po, Señorita. Kaya nga po pinatapon ng Lolo mo. Mabuti na lang at naisipan iyon ng Don. Kung hindi ay baka ma-stress ka pa,” ani Karel na may kalakip pang pilit na tawa. “Alam ba ’to ng daddy ko?” “Ah, hindi rin po. Sabi ng Don ay ’wag ding ipaalam sa kaniya.” Tumango-tango si Lolita sabay tapon ulit sa card na hawak niya. Muli ay pinagmasdan niya ang mga bulaklak. Lolita felt a chill on her spine. ‘Heh! Ano naman ang dahilan niya para padalhan ako ng bulaklak?’ Napailing naman si Lolita nang may bigla siyang naisip. ‘Yuck! Hindi rin naman siguro galing sa gurang na ’yon! Ew lang. Ewww! Over my dead still not fully developed body!’ “Ayos ka lang ba, Señorita?” “Ah . . . Okay lang ako. May hindi lang kaaya-aya na bagay ang pumasok sa isipan ko.” ‘Tuloy, nawalan ako ng gana magbasa.’ “Saan ka po pupunta, Señorita?” Natigil ang paghakbang ni Lolita palabas sa greenhouse ng Lola niya. “Babalik na ako sa kwarto ko. Nga pala. Sabi ni Lola ay samahan mo raw ako bukas sa Marketplace.” “Ah . . . Sige po, Señorita. May kailangan ba akong ihanda o dapat na dalhin?” ani Karel habang bitbit ang box na may lamang anim na paso ng maliliit na halaman. “Wala na. Si Manong Selmo naman ang magdadala kung ano ang mabibili ko.” “Sige po, Señorita. Aabangan lang po kita kung sakaling aalis na tayo.” Tuluyan ng umalis si Lolita at bumalik sa loob ng villa nila. Hindi pa rin maipinta ang kaniyang magandang mukha. Halatang sobrang nasira ang kaniyang maganda na sana na araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD