KINAUMAGAHAN ay late ng nagising si Lolita. Kaya ay agad na siyang nag-ayos ng kaniyang sarili at handa ng magtungo muli sa kanilang greenhouse.
‘Hindi ko na namalayan na nakatulog ako. Bunga lang ng mental exhaustion ko ’yong pagtulog ko kaya inabot ng ilang oras . . .’ Dahil sa nangyari sa kanila ni Zyran ay labis na naguluhan si Lolita. She was not even sure kung kaya ba niya itong harapin after what they did.
“Sana naman ay wala siya riyan sa mga tao sa ibaba . . .” Lolita whispers habang nakasilip sa bintana ng kaniyang silid, kung saan ay tanaw niya ang entrance sa bandang gilid ng greenhouse.
“Wait. Bakit parang hindi ko naman kilala ’yang kapapasok lang na sasakyan sa gate.” Nangunot ang noo ni Lolita. Kasabay niyon ang pagsapo niya sa kaniyang ulo.
“Oh this headache. Kagigising ko lang at heto na naman.” Agad na kumuha si Lolita ng gamot at ininom.
“Hah! A-aray ko . . .” Mabilis niyang nasapo ang kaniyang tiyan at palugmok na naupo pabalik ng kaniyang kama.
‘Hah! Tanga-tanga, girl . . . Alam mo na ngang wala ka pang maayos na kain simula pa kagabi tapos inom agad ng gamot . . .’ Pinakiramdaman ni Lolita ang sarili niya.
“I’ve been to Canada for years, pero ’di ko naman pinabayaan ang sarili ko. Tapos ngayon na nakauwi na ako ay saka pa lang ’to nangyari. Tiyak akong mapapalo ako ni Lola ’pag nalaman niy—” Naluha na lamang si Lolita. ‘Hindi na pala ako mapapalo ni Lola . . .’
Her mind wandered doon sa mga panahong bata pa siya at wala gaanong iniisip na suliranin. Sa ngayon ay nasa tamang gulang na siya. Hindi man gaanong tumangkad ay lumaki naman ang mga responsibility niya.
‘Enough, Lolita. You have to back your Lolo up. Alam mo mas higit niyang kailangan ang presinsya mo ngayon.’
Tumayo na si Lolita at muling humarap sa salamin upang ayusin ang kaniyang sarili.
“Señorita? Señorita Lolita, gising ka na po ba?”
“O-oo. Sandali lang . . .” Nag inhale at exhale muna siya bago patakbong binuksan ang pinto ng kaniyang silid.
“Señorita, ayos ka lang po ba? Pinatatawag ka na po ng don. May mga bisita pong dumating. Basi po sa narinig ko ay kapatid daw po ng doña.” Natigilan naman si Lolita sa winika ni Alma.
“Si-sige. Pupuntahan ko na sila ngayon . . .”
“Sandali lang po, Señorita!” Tumakbo si Alma sa harapan mismo ni Lolita upang harangan siya.
“Bago ka raw po magtungo roon ay kumain ka raw po muna. Kabilin-bilinan po ng Don at ni Sir Lander.” Lolita rubs her stomach.
“Sige.”
Agad na siyang sumunod kay Alma. Nakarating sila sa dining room kung saan kita niyang handa na ang kaniyang pagkain.
“Soup at french toast po ang pinahanda ni Ma'am Sarah para hindi raw po mabigat sa tiyan mo, Señorita. Saka chamomile tea raw po at baka sumasakit ang ulo mo.” Napangiti naman si Lolita. Whenever sumasakit ang ulo niya noon kapag nag-aaral siya ay ito ang sini-serve ng tita niya sa kaniya.
“Kanina po mga seven twenty siguro ’yon nang umaga ay pinuntahan ka ni Ma'am Sarah. Kumatok po siya pero hindi ka sumasagot. Kaya ay ibinilin na lang niya sa ’kin na gisingin ka bago pa mag-alas dyes nang umaga.”
“Nasaan nga pala si Tita Sarah, Alma?” tanong ni Lolita matapos lunukin ang kaniyang nginunguya.
“Ah. Nasa labas po ng villa doon sa leisure shed. May sinundo sila kanina sa airport. Anak daw po niya na si Miss Susmitha at kaibigan mo raw po . . .”
“Ano?” Tulalang napatayo si Lolita mula sa pagkakaupo.
“Ka-kain ka lang po muna, Señorita . . .” ani Alma na inalalayan pabalik ng upo si Lolita.
‘Ngayon na sinabi sa ’kin ni Alma kung sino ang mga nasa labas ng villa, might as well tanungin ko pa kung sino pa ang mga bagong bisita. Baka may masabi rin siya kung nariyan si Zyran . . .’
“Uhm! Alma, may iba pa bang mga bagong mukha sa labas?” Kita niyang nag-isip ito. And the anticipation was killing her.
“Maliban po sa mga kapatid ng Doña, mga kaibigan mo pa, ay wal—ah, nariyan po pala ang iilang myembro ng pamilyang Famoñer. Sa tingin ko po ay nariyan ang matriarch nila . . .”
Agad na kinuha ni Lolita ang tea at nilagok iyon nang isang inuman. Pakiramdam niya ay bumara ang lahat ng kaniyang kinain sa dibdib niya.
‘What if nariyan din si Zinon? No! As if pupunta ang mamang ’yon. What if sabay ko silang makaharap dalawa? What if makaharap ko ang magkapatid?’ Nagpalingo-lingo si Lolita nang nakapikit. She's more worried sa scenario nilang tatlo ni Zinon at Zyran kaisa makita sa unang pagkakataon ang matandang Famoñer.
“Señorita Lolita? Nabubulunan ka ba? Ayos ka lang po ba?” Lumapit sa kaniya si Alma sabay marahan na hampas sa kaniyang likod.
Itinaas ni Lolita ang kamay niya upang tumigil ito.
“It’s fine. I'm okay. Tapos na akong kumain, Alma.” Tumayo si Lolita at bago umalis ng dining room ay uminom na muna siya ng tubig.
Nanalamin muna siya sa glass cabinet nila bago tuluyang naglakad papuntang sala hanggang sa nakalabas na siya ng main door.
Ilang metro pa lang ang layo niya ay tanaw na niya ang mga nakaupo sa leisure shed.
“Loli!”
“Loli!” sabay na katamtamang sigaw ng dalawa niyang kaibigan at agad siyang sinalubong ng yakap.
“My condolences to you and your family, Loli . . .” ani Tali, ganoon din si Weng.
“Thank you, Tali. Thank you, Weng. Salamat at nagpunta talaga kayo kahit malayo.”
“We are so worried since you are deeply closed to your grandma.”
“Oh, Loli . . .” Muli ay nagyakapan silang tatlo.
Makalipas ang ilang minuto ay tumuloy na rin sila sa loob ng leisure shed.
“Lolita anak. I'm sorry at hindi makakapunta rito ang Tito James mo. May emergency sa company niya that badly needs his presence.”
“It’s okay, tita.” Yumakap si Lolita sa tita niya at humalik sa pisngi nito.
“Our Lolita is very tough. Grandma must be very proud of you . . .” ani Susmitha sabay tayo upang yakapin si Lolita.
“Hah! I'm trying kahit mahirap. I can't show any weakness since alam kong labis din na nasasaktan ang Lolo . . .”
“Ah, anak, you need to go there. Kanina ka pa hinihintay ni Papa. Mayamaya ay magsisimula na ang paying respect, so susunod na rin kami.” Natigilan naman agad si Lolita at muling naalala ang mga Famoñer.
“O-okay lang ba kung puntahan ko muna ang Lolo ko?” Tumango naman ang mga ito.
“We’ll be fine here, Loli. Go and see your other relatives. Narito naman sina sister Susmitha at Tita Sarah.” Ngumiti si Lolita at muli ng lumabas ng shed at marahan na naglakad papuntang greenhouse.
Lolita could feel that her nervousness would swallow her whole ’pag ‘di naagapan. ‘But what an I going to do? Nine-nerbyos talaga ako!’ Lolita was thinking na bumalik sa leisure shed.
“Don’t be nervous and keep walking. All that matters is your feelings and family today . . .” Agad namang napatingin si Lolita sa gawi ng nagsalita. But the man was walking so fast na tanging likod na lang nito ang nakita niya.
‘Is it Zyran? Pero likod at tindig niya ’yon.’ Lolita unknowingly held her chest. Randam niya ang lakas ng t***k ng kaniyang puso.
“Honey, you're here.” Lolita squeezes a forged smile nang makita ang ama niya. Nasa entrance ito ng greenhouse. She could tell na inaabangan siya nitong makarating.
“Dad . . .” Lumapit ito sa kaniya at niyakap siya.
“Everything will be fine. Everything will be fine . . .” Lolita was wondering kung para ba sa kaniya ang sinabi nito o para sa sarili. “Papa is inside with the Famoñer.”
“O-okay. Let's get inside then,” ani Lolita na bahagyang pinisil ang kaniyang hita upang makaramdam ng sakit at maging alerto dahil nagsisimula na naman siyang kabahan.
Sa pagpasok ni Lolita sa loob ay kita niya agad na maraming tao. Ngunit sa gawi kung saan nakaupo ang Lolo niya ay iilan lamang ang naroon.
Sa mismong gitna naman kung nasaan ang mosiliyo ay kita niya ang isang nakaupong mamahaling jar sa altar, at napaliligiran din ng mga bulaklak.
‘Lola . . . Ang Lola kong maganda.’ Lolita was trying her best not to cry.
Iginiya naman siya ng ama niya papunta sa kaniyang Lolo.
“Dad, Lolita is here . . .”
“Apo ko . . .” Lolita smiles nang makita ang pagngiti ng Lolo niya. Agad siyang lumapit dito at yumakap. Nang humiwalay ito ay ginawaran naman siya ng halik sa noo at sumenyas na umupo si sa tabi nito.
“Olivia, this is my apo, Lolita Milan Alcadijas. Lolita, this woman is the matriarch of the Famoñer family.” Sa loob ni Lolita ay humuhugot siya nang maraming hangin.
“Hello, hija. Oh, it's good to finally see you grow up, beautiful and smart. The last time I saw you was when you were seventeen.”
“He-hello po, mada—”
“Ah . . .” Tumaas ang kamay nito upang pigilin siya sa pagsasalita. “Call me grandma. And oh, my Zinon couldn't come today because of his health. Ako na ang humihingi ng dispensa for him . . .” Lolita subconsciously jolted nang hawakan nito ang kamay niya.
“We will be a family soon. I'm sorry about the passing of your beloved grandmother Matilda. I just wanted to say that you can lean on my Famoñer family, whatever you need. Anytime, dear.” Napalitan naman ng ngiti ang nararamdaman na kaba ni Lolita.
‘People here often say na tyrant ang matriarch ng mga Famoñer, but look at this adorable grandma . . . And I guess, hindi ko na talaga matatakasan ang kasal.’ Nag-usap pa silang muli hanggang sa tumabi na ulit si Lolita sa Lolo niya.
Agad namang napako ang atensyon ni Lolita sa babaeng papalapit sa kanila. ’Ito ‘yong babae sa likuran ni grandma Olivia kanina.’
“Again, my deep condolences to your family, Don Dario and to you, Lolita. By the way, I’m Cassandra, Zyran and Zinon’s stepmother.”
“Yes, Cassandra. Thank you for coming here.” Lolita swallows her saliva nang tumingin naman ito sa kaniya.
“Thank you po sa pagpunta mo, Ma'am.”
“Oh, call me tita. And if it's okay with you, you can call me mom.” Kulang na lang ay mabulunan si Lolita kahit wala naman siyang kinakain.
“Lolita, it's nice to see you again. Congrats at graduate ka na. I know that your grandmother is proud of you.” Hindi sa babaeng nagsasalita nakatitig si Lolita. Kundi sa kamay nitong nakapulupot sa braso ni Zyran.
“Thanks, Miss Aimy.” Si Aimy ang kausap ni Lolita ngunit kay Zyran siya nakatingin.
‘Why is he acting like he doesn't know me at all?’ Napakuyom ang kamao ni Lolita.
“I’m sorry at ganiyan ang anak ko, Lolita. Hindi talaga gaanong friendly ’yang si Zyran.
“Yes, Lolita. My soon-to-be husband is really snubbed. I'm sorry . . .” maarting sabi ni Aimy na hinihimas pa ang braso ni Zyran.
Lolita’s side eyes were twitching. Nagtagis ang kaniyang bagang but she's trying to suppress her anger. Lolita then showed her genuine smile.
“It’s okay, tita, Miss Aimy. He doesn't have to like me. Kapatid naman niya ang pakakasalan ko,” ani Lolita nang nakangiti.