KABANATA 19

1909 Words
Nang matapos sagutin ang tawag ay dali-dali ng kumilos si Lolita upang makabalik na siya sa greenhouse agad. “Alma, nasaan si Manang Daisy? Tulog na ba siya? Kung hindi pa ay sabihin mong magpahinga na at baka magkasakit pa siya.” “Opo, Señorita. Pinapunta ko na po sa silid niya Pinainom ko na rin ng ciogesic dahil masakit daw ang ulo niya.” Malungkot na ngumiti si Lolita. Kita niya ang bakas sa mukha ni Alma na labis itong umiyak. Klarong-klaro dahil mugto pa ang mga mata nito. At tiyak siyang labis din na pag-iyak ang dahilan ng pagsakit ng ulo ng Manang Daisy niya. “Señorita, heto po. Mayroong snacks riyan sa loob ng sisidlan. Baked po ’yan ni Manang Daisy. Kainin mo po para magkalaman naman ang sikmura mo.” Pansin ni Lolita na nahihiya si Alma habang ina-approach siya. ‘Must be naiilang siya and thinking na nagbago na ako . . .’ “Thank you, Alma. Good to see you again. Na-miss ko kayong lahat . . . Ikaw din. Magpahinga ka na. Ayos lang ako. Papasok din ako ulit dito sa villa mayamaya.” A warm smile was showing on Lolita's face. Dahil dito ay agad na nagliwanang ang mukha ni Alma at ngumiti rin ito tulad nang dati. “Ano pa ’yang hawak mo?” tanong ni Lolita habang sinisipat ang nakalagay sa kamay nito. “Ah, ito po ba. Jacket mo po sana. Kaso may suot ka na po.” Mabilis namang naiayos ni Lolita ang jacket sa balikat niya. Sa sobrang laki kasi nito ay laging lumalaylay sa kaniyang balikat. ‘’Pag sinuot ko ’yang jacket ay need ko ’tong ibalik kay Zyran ang jacket niya.’ Lolita was staring at her own jacket prepared by Alma, tapos ay inamoy niya ang jacket na kaniyang suot. ‘No. Maybe mamaya ko na lang ’to ibabalik. Makapal naman siguro ang balat ng multong ’yon at hindi gaanong tinatablan ng lamig.’ Sa multo maihahalintulad ni Lolita ang skin complexion ni Zyran. Dahil maliban sa naging mas flawless ito ay mas lalo pang pumuti. Iyong kutis pang prinsesa ang dating. ‘Hindi halatang mahilig siyang mangabayo at maglibot sa lupain nila. Ginagawa pa kaya niya ang mga bagay na ’yon? Ano na kaya ang pinagkakaabalahan niya sa buhay?’ “Señorita Lolita?” Kita pa ni Lolita ang wumawagayway na kamay ni Alma sa pagmumukha niya. “Ye-yeah. Ibalik mo na lang ’yan doon sa lagayan, Alma. Okay na ako rito sa suot ko.” Palihim namang nagpasalamat si Lolita dahil hindi na nag-usisa pa si Alma. “Ingat po sa labas, Señorita.” Nag-wave si Lolita at parang batang tumakbo palabas ng kanilang villa at nagtungo sa may veranda kung saan ay konektado roon ang daan patungong greenhouse nila. Nang makarating doon ay agad na nakita ni Lolita ang lalaking medyo lumaylay ang upo at nakasandal na sa bench habang nakapikit ang mga mata. Sa pagpasok ni Lolita sa loob ay ingat na ingat ang kaniyang mga hakbang. Natatakot siyang magising ito lalo pa’t mukha rin itong pagod. Mas pagod pa sa kaniya na galing sa mahabang biyahe. ‘Ano bang ginagawa mo at mukhang hapong-hapo ka ha? Señorito?’ Muntik ng mapisil ni Lolita ang pisngi nito kung ’di lamang siya nakapag pigil. ‘Nag-matured ang itsura mo Zyran, pero mas lalo ka lang ding naging gwapo. Mula sa refined mong jawline, matangos na ilong, makapal na kilay at magandang hugis ng mga labi . . .’ Wala sa sariling hinimas ni Lolita ang likuran ng palad niya, kung saan lumapat ang labi nito kanina at muli ay ramdam na naman niya na uminit ang kaniyang mukha. ‘I couldn't find a single speck of imperfection sa perpekto mong mukha. But you are already taken . . .’ Naging bitter naman ang itsura ni Lolita sa pahabol ng kaniyang utak. Mas lalo pang lumapit si Lolita kay Zyran —hanggang sa nakatayo na siya mismo sa harapan nito, halos dalawang dangkal na lang ang layo upang mapadikit siya rito. Lolita's hands were shaking habang marahan niyang hinihimas ang makapal nitong kilay. She was hesitant at first. Ngunit nang makita niyang malalim ang tulog nito ay nangahas na nga siya. “Ano bang nakita mo kay teacher Aimy? Bakit hanggang ngayon ay kayo pa rin? Type na type mo ba talaga ang babaeng katulad niya kung pumorma at manamit? Kung sa pag-uugali naman, hindi mo pa ba halata na mabait lang siya ’pag ikaw ang kaharap?” Lolita bit her lips in bitterness. Dahil alam niya sa kaniyang sarili na hindi niya kayang bihisan ang sarili niya ng mga sexy na damit. Iyong halos lumundag na isa-isa ang mga yaman ng kaniyang katawan. ‘Kung sa ganda naman ay tiyak akong lamang na lamang ako kahit hindi naman ako kaputian. Pero itong dibdib ko ay lumaki naman, nang kaonti. Ang pwet ko, sakto lang naman . . .’ “What are you scrutinizing intensely behind?” “Ayyy kabayo!” Halos tumalon ang kaluluwa ni Lolita palabas ng kaniyang katawan nang hapitin ni Zyran ang bewang niya at hilahin siya palapit sa katawan nito. Sabay nakikisilip din kung ano ang sinusuri niya sa kaniyang likuran. “Are you crazy?” pagalit na bulalas ni Lolita sabay palo nang hindi naman malakas sa balikat ni Zyran. “Ba’t ka ba nanghihila nang ganun-ganun lang? Hah! Ang puso ko . . .” Sapo ni Lolita ang kaniyang dibdib at nakapikit pa siya. She's utterly nervous? Yes, absolutely! Nakatukod ngayon ang isa niyang tuhod sa bench habang kay Zyran siya nakasandal. “I’m sorry. I was just wondering kung ano ’yong tinitingnan mo.” ‘Alam niya kaya ‘yong paghimas ko sa kilay niya? Narinig kaya niya ’yong mga sinabi ko?’ “May iniinda ka ba? May masakit ba rito sa likod mo?’ Hinimas nito ang ibabang bahagi ng kaniyang likuran. “Wa-wala!” Mabilis na umupo ng bench si Lolita, halos tatlong dangkal ang layo mula sa nakaupong si Zyran. “Pakiramdam ko ay may virus ako kaya ka lumalayo, Señorita.” “Ano?” “Nothing. Okay lang ba ’yong tawag na natanggap mo?” Umiling si Lolita. “Okay lang naman. Lolo said, tomorrow na raw sila makababalik dito. At least may sapat pang oras para maayos nang husto itong greenhouse.” Nagsasalita man ngunit lumulutang na naman ang utak ni Lolita. “Ano ’yang dala-dala mo?” Wala sa sariling napatingin si Lolita sa sisidlan na nakalapag na sa bench. “Ah, ngayon ko lang naalala. Pinabitbit sa ‘kin ni Alma. It's baked cookies. Gusto mo?” Marahan na binuksan ni Lolita ang sisidlan at agad na kumuha ng cookies. “Ito. Tikman mo.” Naisubo na ni Lolita kay Zyran ang cookies nang mapansin niya kung ano na naman ang kaniyang nagawa. “It’s good,” komento nito at kay Lolita pa rin nakatingin habang marahan na ngumunguya. “Gu-gusto mo pa ba?” “Uhm . . .” Tumango ito at ibinuka ang bibig. “Si-sige. He—What the . . .” Nanlalaki ang mga mata at nakaawang ngayon ang bibig ni Lolita. “Zy-Zyran! May upuan at malapad naman. Uupo ako nang maayos!” pabulong ngunit may diing sambit ni Lolita. Para pa siyang magnanakaw na mabilis sinipat ang buong paligid ng greenhouse. “Why? Do you find sitting on my lap uncomfortable?” Nahigit naman ni Lolita ang kaniyang hininga sa labis na pagpipigil ng kaniyang inis. Mas lalo pa siyang nainis dahil kita niyang may gana pa itong isubo ang isang cookies na hawak pa rin niya. Kaya ang naging resulta ay dinilaan na naman nito ang daliri niya. ‘Saan ba namasyal ang common sense ng lalaking ’to? Ba’t parang wala siya nito ngayon? Ang sarap iuntog para makita niya kung ano ang kaniyang ginagawa!’ Mabilis na tumayo si Lolita. Ngunit pasalampak siyang naupo ulit sa hita nito nang hawakan nito ang kaniyang bewang gamit ang isa lamang nitong kamay. “Gusto mo ba talagang may makakita sa ’tin at pag-isipan tayo nang masama?” Sinalubong na ni Lolita ang mga titig nito dahil sa sobrang inis niya. “We aren't doing anything bad.” “Zyran, hindi normal itong ginagawa mo. May girlfriend kang tao!” pigil na singhal ni Lolita. Tumayo na rin siya at hinarap ito. Muli ng nakatukod sa bench ang kaniyang isang tuhod habang nakaapak naman sa sahig ang isa pa niyang paa. “I just want to comfort you . . . And I patiently waited for years, Lolita,” anitong niyakap na nang tuluyan ang kaniyang bewang. Lolita couldn't react for a moment. She could feel na naninigas ang kaniyang katawan at para ding may bombang sumabog sa buong pagkatao niya. “Didn’t you miss me too?” dagdag na katanungan ni Zyran. Nakayakap pa rin ito sa kaniyang bewang na tila walang balak bumitaw. “Hi-hindi kita maintindihan, Zyran. A-anong ibig mong sabihin?” Pakiramdam ni Lolita ay nanlambot bigla ang mga paa niya. Kaya nang igiya siya nito paupo ulit sa hita nito ay nagpatianod na siya. Ngunit nanatili lamang siyang nakatungo. Lolita's mind was in turmoil sa mga pinapakita at sinasabi ni Zyran. “Lolita . . . Look at me,” utos nito sabay hawak ng baba ni Lolita. Nagpang-abot naman ang kanilang mga mata. “Gusto kita, Lolita. The first time I laid my eyes on you, alam kong gusto na kita.” Mula sa baba ni Lolita ay ramdam niyang bumaba ang kamay ni Zyran papunta sa kaniyang leeg. Zyran gently grips her throat habang nakatitig pa rin sa mga mata niya. “Hi-hindi pwede. Fiancé ako ng kuya mo at may girlf—uhmmmp!” Hindi na alam ni Lolita kung ano ang kaniyang gagawin sa kilos ni Zyran. “Zy-Zyran . . .” Pilit na itinutulak ni Lolita si Zyran habang magkadikit pa rin ang kanilang mga labi. Hanggang sa binitiwan nito ang labi niya. “Open your mouth, Lolita . . .” masuyong turan nito habang unti-unting lumalapit ulit sa kaniyang labi. “Zyr—uhmmm . . .” The only thing that Lolita could do is to tug on Zyran's shirt habang nilalaplap siya nito. Nakabuka na ang kaniyang mga labi at malaya na nitong ginagalugad ang lahat ng dako sa loob ng bibig niya. Lolita could say that her first kiss was taken away from her wildly. “Zyran . . . Oh, don't . . .” Lolita could feel na bumaba sa balakang niya ang isa pa nitong kamay. Sa paglipas ng ilang sandali . . . Lolita was still in shock about what just happened. Ngunit nang mahiwalay ang kanilang mga labi ay napansin niyang nakakandong na siya rito habang nakabukaka ang kaniyang mga hita. Her back was now facing the entrance of the greenhouse. “I’ll take your response as a yes, Señorita . . .” Ngumiti ito at dinampian ng halik ang kaniyang noo. “Zyra—” Naputol ang sasabihin pa sana ni Lolita nang maramdaman niyang may nag-vibrate na cellphone. “A-answer it.” Kahit hirap siyang bumaba mula sa kandungan ni Zyran ay tagumpay pa rin naman siyang nakaalis mula roon. “I’ll just answer this call. Let's talk when I'm do—” “No! Umuwi ka na!” matigas na sabi ni Lolita sabay takbo palabas ng kanilang greenhouse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD