Sa gitna ng mababangong samyo ng mga bulaklak at sariwang simoy ng hangin, ay tulala lamang na nakatayo si Lolita. Deretsyo ang kaniyang tingin sa parte ng kanilang hardin kung saan ay mayroon ng nakalagay na isang mosiliyo. Kung noon ay hindi niya maintindihan kung bakit may ganitong desinyo ang green house ng kaniyang Lola, ngayon ay alam na niya kung ano ang dahilan at para saan ito.
Tinanggal na ang mga vine plants na hinayaang tumakip sa pasukan nito noon, kaya ngayon ay kitang-kita na ito.
“Hah!” Lolita subconsciously shudders nang muling umihip ang isang malakas na hangin. Sa ngayon ay naiwan siya sa kanilang villa kasama ang Tita Sarah niya at mga helper nila. Samantalang bumiyahe naman papuntang siyudad ang kaniyang Lolo at daddy para magtungo sa crematorium —kung saan ay iki-cremate ang kaniyang Lola. Dahil isang half chinese ang Lola ni Lolita, kahit itinakwil ito ng pamilya nito nang pakasalan ang kaniyang Lolo, ay iyon pa rin ang kahilingan nito ’pag namatay—ang mai-cremate ang katawan at tumira sa isang lugar kasama ang mahal nitong mga bulaklak.
‘Oh, my beautiful apo. Hindi ganiyan ang pagtatanim ng succulent. Anong ginawa mo rito sa una mong tanim? Naku . . . Nilunod mo naman sa tubig. Hindi ba’t binilhan kita ng sarili mong maliit na spray bottle para magamit mo sa pagdidilig? Ang mabuti pa ay iyong mga bonsai na lang ang ibigay ko sa ’yo.’
‘Lola kong maganda, ayaw po ba sa ’kin ng mga succulent? Bakit po wala pa rin akong nabubuhay gayong pangatlong beses mo na akong binigyan. Buhay na buhay naman sila nang ibinigay mo sa ’kin!’
Ngumiti si Lolita at pinahid ang nangingilid niyang mga luha.
“Paanong hindi mamamatay eh panay ang dilig ko. Dinadala ko pa sa may faucet at doon ko mismo itinatapat. Hindi ko lang sinasabi kay Lola na mas natutuwa akong tingnan na palaging basa ang dahon ng mga succulent . . . Lola, please guide me. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula ulit.” Hindi alam ni Lolita na niyayakap na niya ang kaniyang sarili sabay humihikbi. Lolita couldn't explain kung gaano kabigat ngayon ang nararamdaman niya. She grew up without a mother. Pero hindi niya iyon naramdaman dahil may Lola at Lolo siyang hands on sa kaniya. Kaya ngayon, she could tell na hindi niya alam kung paano tatanggapin ang biglang paglisan ng Lola niya. Ngayon pa na mas handa na siyang bumawi dahil graduate na siya at mas may kakayanan ng kumita ng salapi.
“You dress so lightly . . .” Napasinghap si Lolita nang dumapo sa balikat niya ang dalawang kamay, kasama ang isang coat. Ngayon ay naamoy na naman niya ang samyo na naaamoy pa niya noon kahit tulog siya at nasa ibang bansa. Ang aftershave na amoy na minulto siya nang ilang buwan, at nagbabalik na naman ngayon.
Tumingala si Lolita at doon ay tumambad sa kaniya ang maganda ngunit nagdadala ng malalim na mga titig na pares ng mata. Ilang ulit na niya itong nakita. Ngunit ngayon niya lang napagtanto na kung gaano siya nangulila rito—wala naman silang label.
“Z-Zyran . . .” Lolita whispers at inayos sa kaniyang balikat ang nakapatong na jacket.
Dahil sa biglaang pangyayari sa kaniyang Lola kanina ay hindi na niya gaanong napansin na kasama nila si Zyran. Ito rin ang tumatawag ng ambulance at tumawag na rin sa crematorium upang ma-escort papuntang siyudad ang katawan ng kaniyang Lola.
“Come and sit. Kanina pa kita pinagmasdan. You've been standing on the same spot for thirty minutes now . . .” anitong iginiya siya papuntang bench.
Bukal naman sa loob na sumunod si Lolita. Sa totoo lang ay nakararamdam na rin siya nang matinding hilo at pagod. It's already two at dawn ngunit gising pa rin ang kaniyang diwa.
Deep inside, Lolita wanted to ask Zyran kung bakit narito ito sa villa nila. She couldn't understand kung bakit ganun-ganun na lang itong nakakapasok sa loob ng villa nila. Is he invited? An intruder perhaps. Iyon ang iniisip niya.
Nang makaupo siya ay sumunod naman ito.
“Here . . .” Marahan namang suminsim si Lolita sa bote ng tubig na iniumang nito sa kaniyang bibig. It was unopened bottle na para bang dinala para lamang sa kaniya.
Lolita gulps in satisfaction. She just realized na sobrang uhaw na niya at sumasakit na rin ang kaniyang lalamunan na sinabayan pa ng ulo at mata.
“Thanks,” tipid na sabi ni Lolita sabay tingin ulit sa malayo. Ngunit napatingin naman siya sa gawi nito nang makitang suminsim din ito sa bote ng tubig na nainuman na niya. Magsasalita pa sana siya, ngunit nagpasyang ’wag na lang.
“Lean on me. Close your eyes for a bit. I know that you're tired,” Zyran said, while tapping it's arm.
‘Hindi sa balikat dahil obviously, hindi naman ’yan abot ng ulo ko.’ Tipid na ngumiti si Lolita.
Ito ang unang pagkakataon na nagkausap sila ni Zyran sa loob ng apat na taon. Her last scene with him ay talagang hina-haunt pa siya hanggang ngayon dahil labis niya iyong iniyakan. Ni ilang beses pa niyang napanaginipan ang pag-wave goodbye nito.
And now, here thay are. She's leaning on Zyran’s arm na para bang hindi sila nagkalayo nang mahabang taon at close na close pa. Samantalang noon, ilang linggo lang naman silang naging close.
“Are you allowed to be here?” Lolita bit her lower lip matapos lumabas ng mga katanungang iyon sa kaniyang bibig.
“I am. Things have changed now, Señorita Lolita Milan Alcadijas . . .”
A smile crept on Lolita's lips and eyes.
“Pero hindi pa rin nagbabago ’yang address mo sa ’kin. Nakakahiya pa rin pakinggan.”
“No it's not. You've got a gorgeous name . . .” Natameme naman si Lolita sa banat nito.
“Aren’t you hungry?” Umiling si Lolita.
“Siguro . . . Hindi ko masabi. Wala akong ganang kumain.” Pansin naman ni Lolita na may kinuha ito sa bulsa.
“Here.” Natawa naman si Lolita dahil maliban sa tubig ay may dala-dala rin itong candy. “What?” Lolita could already picture na magkasalubong ang dalawang kilay nito kahit hindi pa niya nakikita.
“Si Doraemon ka ba? Baka may ibang laman pa ’yang bulsa mo.”
“Just eat.” Hindi na pumalag pa si Lolita nang iginiya nito pahiga ang kaniyang ulo. Kaya ngayon ay kitang-kita niya kung gaano katangos ang ilong nito, at naramdaman din niya ang matikas nitong hita.
Namula naman agad si Lolita sa iniisip niya.
‘Atleast, nagagawang ibaling ni Zyran ang lungkot na nararamdaman ko.’ Lolita was justifying her green thoughts.
“Masarap. Is this a jackfruit jerky?” tanong ni Lolita na ngumunguya pa.
“Yeah. Nana made it.”
“Pang-business niyo?”
“Nope.”
“Ba’t may packaging?”
“Nana wanted it to look neat.”
“Oh . . . Here, have some.” Huli na nang maisip ni Lolita na nginatngat na niya ang fruit jerky na isinubo niya kay Zyran. Mga nasa two centimeters na lang ang haba niyon at nagtutubig pa dahil sa laway niya.
“Ah . . .” Hihilahin na sana ni Lolita ang kamay niya pabalik nang hawakan iyon ni Zyran at isinubo ang jerky-nasali pa ang daliri niya.
“There’s some sugar left.” Nanlaki naman ang mga mata ni Lolita. Kitang-kita niya dahil sa ilaw na nagmumula sa mga lamp post, kung paano dilaan ni Zyran ang dulo ng kaniyang daliri at palad.
“Zy-Zyran . . .” Ramdam ni Lolita ang init sa magkabila niyang pisngi. Maging ang kiliting hatid ng mga labi nito sa kamay niya.
“Masarap nga. I know you will like it. You like sweet foods,” anitong hindi inisip kung ano ang ginawa nito sa kamay niya. Mas lalo namang napasinghap si Lolita nang kumilos ang mga daliri nito at pinagsalikop ang mga kamay nila.
“Wha-what are you doing?” tanong ni Lolita at bahagyang hinila ang kamay niya, ngunit ayaw nitong pakawalan, bagkus ay bahagya pang humigpit ang hawak nito.
“Holding your hands,” simpleng sagot nito at hinalikan pa ang likod ng kaniyang palad.
Lolita jolted sa ginawa nito at mabilis siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa lap nito.
“May girlfriend ka, Zyran. Alam kong kayo pa rin hanggang ngayon and I am your brother's fiancé for God sake!” matigas na turan ni Lolita.
Lolita was still nang hawakan nito ang magkabila niyang pisngi.
“Shhh . . . Don't be so work up. We're not doing anything bad. I'm sorry if I made you feel that way.” Humimas ang kamay nito sa pisngi niya.
Kita naman ni Lolita ang pagiging sincere ng pagkakahingi nito ng tawad.
“’Wa-’wag mo na lang uulitin. Baka pag-isipan pa tayo nang masama kung may makakita sa ’tin,” ani Lolita kahit na sa loob niya ay gusto niyang habulin ang lumayong kamay nito mula sa pisngi niya. The warmth coming from Zyran’s hand were putting Lolita’s mind at ease.
Maaari na despicable ang ginawa nito. But Lolita does not find it disgusting or strange. Ang totoo ay nagustuhan niya ang ginawa nito. ’Di lamang niya maamin sa kaniyang sarili. Of course, given the fact na nasa isang stable relationship ito.
“Yes. I will keep that in mind.”
Hindi maipagkakaila. Ngunit nakaramdam ng kirot si Lolita sa kaniyang puso dahil talagang tahasan nitong inamin kung gaano nito kagusto ang long-time girlfriend nito. ‘Ba’t ’di na lang kayo naunang magpakasal!’
Lolita does not want to drag the fiancè thing, lalo pa’t wala na naman siyang ediya kung tuloy pa iyon o ’di na. Ngunit dahil sa labis na gulat niya sa mga aksiyon ni Zyran ay iyon ang lumabas sa kaniyang bibig.
“You can now lie on my lap again . . . with ease,” usal ni Zyran na sa gawi na ni Lolita nakatingin. Pero hindi naman makatingin nang deretsyo si Lolita dito.
“Señorita Lolita . . . May tawag po sa landline. Galing po sa Lolo mo. Naiwan mo po yata sa loob ng bag mo ang iyong cellphone, Señorita.”
Mabilis na napatayo si Lolita mula sa pagkakaupo sa bench at awkward na inayos ang kaniyang suot. Tumingin siya kay Zyran. Tumango naman ito. Wala naman sa sariling naalala ni Lolita ang pagtango nito noong pinaghiwalay sila ng kaniyang Lolo.
“I-I’ll be back. Kakausapin ko lang si Lolo. Wait for me here. I mean, kung hindi ka naman busy. Hintayin mo ako.” Hindi na naghintay pa ng sagot si Lolita at mabilis na siyang tumakbo palabas ng green house.