Lolita was taken aback nang bigla na lamang bumukas ang pinto. She was drowning with her emotions kaya ay hindi na niya napansin na may lumapit sa pinto.
“A-apo ko? Lo-Lolita apo?” Tulala pa rin si Lolita na ngayon ay kaharap na mismo ang kaniyang Lolo.
“Apo? I-ikaw na ba talaga itong nasa harapan ko ngayon, apo?” Mas lumapit pa ito kay Lolita sabay hawak ng dalawa niyang nanlalamig na mga kamay.
“Apo?” tawag nito ulit kay Lolita, dahilan upang mapakurap-kurap siya.
Nasa pinto pa rin sila ngayon at parehong nakatayo.
“Lo-lolo . . .” Lolita's voice cracked. She even squeezed her grandfather’s hand slightly.
“Ikaw nga talaga, apo!” Halos sumigaw na ang Lolo ni Lolita sabay yakap sa kaniya nang mahigpit.
Dahil nanlambot ang mga tuhod ng Lolo ni Lolita ay sabay silang napaupo sa sahig habang magkayakap pa rin.
“A-ayos ka lang po ba, lolo?” Lolita whispers habang hinahagod ang likod nito. Lolita was utterly shaking dahil nayakap na naman niya ulit ang taong masasabi niyang mahal siya kahit magunaw na ang mundo . . .
“Papa, where is my daug—” Kahit nakatungo pa man ay alam na ni Lolita kung sino ang kararating lang. Kaya ay marahan niyang Inalalayan ang kaniyang Lolo na muling makaupo sa silyang katabi lamang ng kama, kung saan ay nakahiga naman ang Lolo niya.
“Lola . . . Ang maganda kong Lola . . .” Imbis na sa kaniyang daddy tumingin ay inilaan ni Lolita ang buo niyang atensyon sa kaniyang Lola.
“This isn't supposed to be our scene when I come back. You're supposed to be hugging and kissing me. Kaga-graduate ko lang po, Lola kong maganda. Tinupad ko po ang promise ko na babalik ako agad ’pag tapos na ako . . .”
Matapos himasin ni Lolita ang pisngi ng kaniyang Lola ay hinawakan naman niya ang kamay nito.
“Okay lang naman siya kahapon, apo. Pe-pero bigla na lang siyang hinimatay. Hindi ko maintindihan ku—”
“Shhh . . . I'm sure mas mag-aalala si Lola ’pag ganiyan ka kabalisa, Lolo. You know, she might be sleeping pero malinaw pa rin niya tayong naririnig. Kaya nga kinakantahan mo siya ngayon lang ’di ba?” Lolita's heart was aching since sa paningin niya ay mukhang naging batang confused ang itsura ng Lolo niya ngayon.
‘What do I expect? Eighty five years old na ang Lolo at may iniinda na ring karamdaman . . .’
Uupo na sana si Lolita sa silyang katabi lamang ng kaniyang Lolo habang hawak pa rin ang kamay ng kaniyang Lola nang may bigla siyang napansin.
“Ho-honey? What's the matter?” Kita ni Lolita ang mabilis na palapit ng kaniyang ama.
“Lo-Lola Matilda just squeezed my hand! I-I swear!” Kasabay ng anas ni Lolita ay ang pagtayo ng kaniyang Lolo at agarang paglapit nito sa may ulonan ng kaniyang Lola.
“Mahal ko . . . Matilda? Mahal?” malambing nitong sabi habang nakadukwang sa tainga ng Lola Matilda niya.
“Pa-papa! Gumagalaw ang talukap ni Mama!” Sabay silang tatlo na napatingin sa gumagalaw ngang talukap ng kaniyang Lola.
“Lola? Lola kong maganda, narito na po ulit ang apo mong maganda. Lola ko?” Again, muli na namang naglandas ang luha ni Lolita.
Lahat sila ay nabato sa kanilang kinatatayuan nang bigla na lang nagmulat nang tuluyan ang Lola ni Lolita.
“Lola?”
“Mama!”
“Mahal ko . . .” sabay-sabay nilang usal.
“Mahal ko? Mahal ko . . .”
Lolita was still nang sa kaniya naman ito tumingin.
“My apo . . . My dear Lolita . . .” Matapos siya nitong tingnan ay tumingin naman ito sa ama niya.
“My beloved son Lander . . .”
“Lo-lola? Lola . . .”
“Mahal ko . . . Shhh . . . Shhh . . . Ma-may tumawag naba ng doctor?” Balisang tumingin ito sa may pinto ng silid.
Lolita could fully understand kung ano ang nangyayari at mangyayari pa. Matagal na nila itong inaasahan ngunit hindi pa rin niya alam kung ano ang gagawin gayong nangyayari na nga.
“Ple-please . . . halikan ninyo akong ta-tatlo . . .”
Ramdam ni Lolita ang panlalambot ng kaniyang mga paa, ngunit tumalima pa rin siya.
Unang lumapit ang ama ni Lolita . . .
“My Lander . . . My beautiful Lander . . .”
“Mama . . .” Lolita couldn't help but clutch her chest. This was the first time na nakita niyang umiiyak nang husto ang kaniyang ama. Para itong bata na pumapalahaw at nagpapang-abot ang luha, sipon at laway.
Sunod naman siyang lumapit dito.
“Lola ko?”
“Oh my Lolita . . . I'm sorry . . .”
“I-it’s okay, Lola. It's okay. Thank you so much for waiting for me to come home. I could still feel your warm hugs and see your beautiful smiling face . . .”
“Miss na miss kita, apo.”
“I miss you too, so much, Lola . . .” ani Lolita sabay dukwang at hinalikan ang noo ng Lola niya.
Nanlalamig ang buong katawan ni Lolita. It's a miracle na nakakapagsalita nang tuwid ang Lola niya. But for what extent? Iyon ang katanungan ngayon sa utak ni Lolita.
Sabay naman silang pumagilid ng kaniyang ama nang tumingin ang Lola niya sa gawi ng kaniyang Lolo.
“Mahal kong Dario . . . Oh, Dario. Naaalala mo ba noong nililigawan mo pa lamang ako? Noong sinuntok mo ’yong lalaki na nanliligaw sa ’kin, gayong parehas lang naman kayong manliligaw ko . . .” Ngumiti ang Lola ni Lolita, dahilan upang mapangiti rin siya. Because in her heart, alam niyang gagawin talaga iyon ng kaniyang Lolo.
“O-oo, mahal ko . . . At gagawin ko pa rin ’yon ulit kung bibigyan ulit ako ng pagkakataon . . .”
“You kidnapped me at nagpakasal tayo agad. Pasalamat ka at secret crush kita. Mahal kita, mahal ko . . . Mahal, you know my will . . . Ma—”
“Mahal? Matilda? A-ang doktor! Ang doktor!”
“Mama? Mama!”
Lolita almost stumbled nang makita niyang gumalaw ang eyeball ng kaniyang Lola hanggang sa tuluyang mamuti iyon. Nanginig din ang katawan nito, an actual scene na tinatakasan na ng hangin ang katawan nito.
“Lola! Lola!” Lolita was hysterically shouting habang hawak-hawak ang cellphone niya. Lalapit siya sa kaniyang Lola, hahawakan ang kamay nito at pupunta na naman ulit sa pinto ng silid.
“Tito Lander, the ambulance and the doctors are here!”
“Lolo, daddy! May ambulance na raw!” Agad na tumabi si Lolita at ama niya nang may pumasok na dalawang nakaputi sa silid at may dalang stretcher. Kasabay din ng mga ito ay isang babaeng nurse at dalawang doktor.
“Don, Dario, please, tumabi ka po muna . . .” Lolita could see how reluctant her grandfather was. But eventually, pumagilid din ito.
Sabay-sabay nilang pinanood ang pagre-revive ng mga doktor sa Lola niya. May pagkakataong umiiwas nang tingin si Lolita—halos humihinto rin ang paghinga niya.
Makalipas ang ilang minuto . . .
Natutop ni Lolita ang kaniyang bibig nang makita niyang nagpa lingo-lingo na ang mga doktor.
“Don, gusto mo bang dalhin muna natin ang doña sa hospital?” anang isang doktor.
Nakita ni Lolita ang pagtingala ng Lolo niya sabay pakawala nito nang isang malalim na paghinga.
“No . . . She wishes to be here until she dies . . .”
Tumango naman ang doktor at nag-go signal sa kapwa nito doktor na tigilan na ang pag-revive.
“Time of dëath—six thirty pm.”