Pagsilip Sa Nakaraan

2259 Words
~Elziel Dela Cruz~ [PAGSILIP SA NAKARAAN] “Ziel, konting panahon na lang, gagraduate na tayo,” sabi ni Zoran habang masaya kaming kumakain ng lunch. “Tapos, magka-college sa most prestigious university sa Pilipinas. Magtatapos bilang Summa. Kaya tayo na ang hahabulin ng trabaho at magiging CEO ng sarili nating kumpanya.” Nakikinig lang ako kay Zoran at panaka-naka na tumitingin sa kanyang maamong mukha. Nakaupo kami sa pinakadulong mesa ng student area. Sa sulok kung saan halos hindi napapansin ng iba. Dito kami palaging kumakain ng baon naming pananghalian, para hindi mahalata ng mga ka-eskwela ang nakaka-awa naming ulam. Walang kamatayang scrambled egg na ako pa mismo ang nagluto ng kakainin namin. “Mas maalat ngayon, ah,” pabirong bulong ni Zoran. Napatawa ako kasi alam kong totoo. “Pero bakit kapag ikaw nag-luto kahit maalat, matamis, maasim, masarap pa rin?” Para sa amin, sapat na ang ganitong simpleng pagkain. Pero si Zoran kasi ay walang choice kundi ang mag tipid pero ako, suportado ng parents kong parehong may matatag na trabaho at matagumpay na negosyo kaya masasabi kong financially ay stable kaming family. Dahil nakaka-luwag luwag naman ako kaya madalas ay sinosobrahan ko ang pag-luluto para kasama si Zoran sa baon ko. “Ganyan talaga ’pag gutom. Kahit hindi masarap, masarap na rin.” Napangiti na lang ako sa simple niyang pambobola. Maingat kong inilabas ang isa pang baunan, ang specialty kong paborito rin niya, ang Korean Bulgogi na may Kongnamul Muchim bilang side dish, para mas appetizing sa presentation pa lang. Abot hanggang tenga ang ngiti ni Zoran nang nilapag ko sa gitna ng mesa ang extra kong baon para sa amin. I admit, hindi lang ito basta extra dahil talagang special ang niluto ko. Kakatapos lang kasi ng hell week namin at nagsunog ng kilay si Zoran. Siguradong siya na ang valedictorian kaya deserve niya ng treat. “Wow, Ziel, the best ka talaga. Mukhang kaka-remit lang ni Papa mo. Baka naman inubos mo na dito ‘yung pera mo ha,” sabi niya. “Ano ka ba, beef lang ‘yan na may toge at sesame oil,” sagot ko at ako na mismo ang naghain sa baunan niya. Alam kong matagal-tagal na ‘yung huli niyang kain ng karne. Kahit anong diskarte kasi niya, kulang na kulang pa rin para sa kanilang mag-iina. Totoo ‘yung sinasabi nilang ‘isusubo na lang ay ipapakain pa sa iba’. That’s how responsible and loving he is. May dalawa pa siyang kapatid, ang sumunod sa kanya ay graduating na rin ng elementary, ang bunso nila ay limang taon gulang. Si Zoran na ang tumayong tatay para sa kanyang dalawang kapatid sa murang edad pa lang. Ganoon pa man, punong-puno siya ng pangarap. Habang ako ay simpleng high school student lang. Nasa middle class ang status sa buhay. Kaya siguro hindi ako kasing sigasig ni Zoran, hindi naman ako naghihikahos, well-provided ang lahat ng wants and needs ko. Siya kasi ay mahirap, in fact, isang kahig-isang tuka ang pamilya niya. Pero kahit pa madalas siyang gipit, hindi ko siya nakikitaan ng pagka-lugmo, self-pity, o inggit sa kapwa. He’s so full of hope, always positive, like nothing can dim his spirit. Masarap kasama si Zoran. Simula first year high school, siya na ang kasama ko. Siya lang ang gusto kong makasama. Napagkakamalan na nga kaming magboyfriend. Ok lang naman, wala sa akin kung pagkamalan nilang may relasyon kami. Dahil sa totoo lang, I had a secret crush on him. Matagal na. Na-love at first sight nga ako sa kanya. Lalo pa nang lubos kong nakilala ang pagkatao niya. Matalino, mabait, responsable, at gwapo. Ang mga mata niya ay agad mong mapapansin. His deep-seated eyes na laging naka ngiti, pero kapag nagalit, nakakapanindig-balahibo ang tindi ng titig. Matangos ang ilong, bagay na bagay sa hugis ng kanyang mukha. Maputi at makinis ang balat, mana sa tatay niyang Italyano. Matangkad at laging maayos manamit kahit pa simpleng white shirt at jeans. Neat tignan at may presensyang parang boy-next-door. Sino bang hindi mai-in love kay Zoran. Iyon nga lang, pinagkaitan ng tadhana ng materyal na bagay. Truly, you can't have it all in this life. Maraming babae ang nahuhumaling sa kanya. Maraming secret admirers bukod sa akin. Meron din nagpapapansin, meron pa ngang lantarang nang-aakit. Mabuti na lang at walang interes si Zoran sa kanila. Ni isa ay wala siyang pinapansin para makipaglandian dahil siya ‘yung lalaking focused sa goal at may gustong marating sa buhay. Kaya kuntento na rin ako bilang isang matalik niyang kaibigan kahit hanggang doon lang ang pagtingin niya sa akin. “Sige na, kain ka ng marami. Galit galit muna tayo,” sabi ko para manamnam niya ang masarap naming tanghalian. Natigilan ako nang matapos kong lunukin ang scrambled egg ay nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Bigla akong nakaramdam ng pagkahiya. Shît, ang laki pa naman ng pagkakasubo ko sa itlog. Kakaiba ang titig ni Zoran, ngayon lang niya ako tinignan ng ganito. Parang nawala ang background noise, tanging kami na lang dalawa ang nasa mundo namin. Bumilis bigla ang pag tibôk ng puso ko. “Elziel…” malumanay niyang sambit, which is very unusual. May kakaibang diin at lambing, hindi ko mawari kung anong gusto niyang sabihin. May kakaiba sa mga titig niya at pagtawag niya sa pangalan ko. “Yes, Z-zoran?” halos pabulong kong sambit. Pilit na pinapakalma ang boses ko para magtunog normal. “Mahihintay mo ba ako?” Napalunok ako sa kanyang tanong. Hindi mapaniwalaan ng aking tenga ang aking narinig. Hindi rin maproseso ng utak ko ang kanyang tinuran. Ano bang ibig niyang sabihin sa ‘paghhintay’? Gaya ba ito ng naiisip ko? Ngunit bago ko pa maibuka muli ang aking bibig para linawin kung ano ang ibig niyang sabihin ay may umabala sa masinsinan naming usapan. Biglang naputol ang matiim naming pagtitinginan nang marinig namin ang pamilyar na tunog ng mga sapatos at mga tinig. Napa-irap ako. Hindi ko pa man nakikita kung sino-sino ang mga paparating ay alam ko na kung sino. Paglingon ko ay natanaw ko si Maverick kasama ang apat niyang tropa na puro porma at malayo pa lang ay dama na ang dalang hangin ng kayabangan. Parang eksena sa mga old movies, like a typical high school gangster, palaging may kasa-kasamang alipores, homies, mga sidekicks. Pero mas marami pa nga siyang alalay dati. Ayaw niya talaga ng maraming kaibigan. Tingin ko nga ay mas gusto niya ang mapag-isa, sadyang lapitin lang siya ng tropa para sa kapit. Hindi siya gangster, sadyang maangas lang ang dating niya. He’s an affluent kid. Anak-mayaman na may likas na angas, ‘yong tipong natural na pinangingilagan dahil sa presensya niyang parang laging may ipinagmamayabang kahit wala pa siyang sinasabi at ginagawa. Sa lahat ng lalaki sa school namin, kay Mav lang ilag si Zoran. Hindi naman sila magka-away, hindi rin sila nag-uusap pero parang may lihim silang malalim na galit sa isa’t isa. Tumigil si Mav ilang dipa mula sa amin. Kita ko ang paglihis ng kanyang mga mata mula kay Zoran papunta sa akin. Nag-ayos pa siya ng kwelyo at buhok. “Elziel,” bati niya sa akin. Gaya ng palagi, simple lang. Walang ngiti, walang nakakatakot na titig, just plain ‘Elziel’. “Bakit po?” nahihiya kong sagot na patanong. Nakaka-ilang kasi ang presensya ni Maverick lalo pa at pinagtitinginan na kami ng mga estudyante sa paligid. Agaw-pansin kasi ang grupo ni Maverick. Mga anak-mayaman, may mga girlfriends na certified spoiled brats na popular sa campus. Tanging si Maverick lang ang wala. “Ziel, see you sa library mamaya after ng last subject,” iyon lang ang sinabi niya at umalis din agad. Ni hindi man lang nagbigay ng anumang paliwanag. Parang boss na nagbigay ng utos sa secretary niya. Nagkatinginan kami ni Zoran. Ang mga matang kanina ay parang nakangiti, ngayon ay may bahid ng lungkot, at least that’s how it looked to me, though I’m not really sure. Ayaw ko naman mag-assume ng kung ano ang personal niyang nararamdaman. “Ano nga palang sinasabi mo kanina?’ tanong ko dahil mas interesado pa ako sa sasabihin sana niya kanina kaysa kay Maverick. Nagpatuloy lang siyang kumain. “Thank you sa Bulgogi at toge, Ziel. Napakasarap,” sagot niya at niligpit na ang baunan. “What? Konti pa lang nakain mo, marami pang tira, ubusin natin ‘to. O kung ayaw mo na, dalhin mo na lang ‘to pasalubong kina Tita Amelia, Toto, at Aki,” sabi ko. Para kasing bigla siyang nawalan ng ganang kumain at parang tatayo na siya para iwan ako. Kaya agad ko siyang pinigilan. “Ziel! Naghihintay sa'yo si Mav.” Napa-awang na lang ang bibig ko. Bigla kasing nagbago ang awra niya. “Bakit ka galit?” Tahimik lang niyang inililigpit ang kinainan niya tila walang balak na sagutin ang tanong ko. Hinawakan ko ang kamay niya habang nilalagay niya ang baunan sa loob ng kanyang bag. Tumigil siya sa ginagawa niya at tumayo nang tuwid. Muli niya akong tinitigan nang matiim, pero ngayon may halong alab ang mga mata niya, as if burning with an emotion I couldn’t quite define. “Sa puno ng Acacia, ‘yung pinakamalaking puno sa likod ng campus. After ng last subject… meet me there.” Ang mga mata ni Zoran ay tila nagmamakaawa. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang lungkot sa mga matang iyon na nakatitig sa akin as if piercing through my soul. Gaya ng ginawa ni Maverick kanina ay gano'n din ang ginawa ni Zoran. Bigla na lang niya akong iniwan na tulala. Bakit, ano bang meron pagkatapos ng klase at pareho nilang gustong makipagkita sa akin? Napatayo rin ako nang mapagtantong pareho sila ng gustong ipagawa sa akin. Wala naman akong pakialam kay Maverick. Wala rin akong planong makipagkita sa kanya sa library. Pero ang utos ni Maverick ay parang batas na kailangan sundin. Ang totoo niyan, last year pa siyang nanliligaw sa akin. Masugid at matiyaga. Kaya siguro hanggang ngayon ay wala pa siyang girlfriend. Pero sa gaya niyang famous at campus hearthrob ay imposible talagang wala siyang kasintahan. Lalong imposible na ipu- pursue niya ako. I'm just an ordinary student. Walang espesyal sa akin kaya hindi ko talaga siya sineseryoso. Pero si Zoran… bakit parang magko-confess na sana siya sa akin? Gusto kong linawin ang tanong niya kanina, kung mahihintay ko raw ba siya. Anong paghihintay ba ang tinutukoy niya? Matagal ko na siyang hinihintay. Kaya buong remaining classes ay naglalakbay ang utak ko. Wala sa classroom, wala sa lesson, kundi nasa puno ng Acacia, naroon ang diwa ko. Dagdagan pa ng pag-cutting class ni Zoran sa huli naming subject. Nasaan kaya ang lalaking 'yun? Anong ginagawa niya? First time niyang mag cutting class. Buong oras na 'yun ay napuno ako ng pag-aalala. Overthinking malala. Nang tumunog na ang bell, dali-dali akong lumabas ng classroom para hanapin si Zoran. Habang naglalakad ako sa hallway ay nadaanan ko ang library. Sandali akong napahinto sa tapat ng pintuan. Biglang bumigat ang pag hakbang ng paa ko. Aaminin kong nakakagulantang ang presensya ni Maverick. Parang lahat tungkol sa kanya, mula sa tindig hanggang sa titig ay may kung anong nakakanginig na awra na hindi ko mawari. Parang may bulong na naguudyok sa’kin na hawakan ang doorknob. But deep in my heart, mas nangingibabaw si Zoran. Mas importante si Zoran sa buhay ko. Mas mahalaga ang sasabihin niya sa akin. Kaya agad kong tinungo ang likuran ng school, inaasahang sasalubong sa akin ang matamis na ngiti ni Zoran. Malalaki ang bawat hakbang ko habang bitbit ang saya sa puso. Kung hindi kayang mag-confess ni Zoran dahil isa siyang sertipikadong torpe, ako na… ako na mismo ang aamin. Ngunit pagdating ko sa sinasabing tagpuan namin ni Zoran, bumungad ang napakalaking puno ng Acacia. Lahat ng bitbit kong pananabik ay napalitan ng pagkadismaya. Wala si Zoran. Nasaan nga ba siya? Hindi siya ganito. Kahit kailan ay hindi pa siya na-late sa usapan namin. Tinignan ko sa likod ng puno baka sakaling naroon siya, pero wala. Napasandal na lang ako sa malapad na katawan ng Acacia at napapikit. “You like it here, Babe?” Napa dilat ako nang marinig ang isang pamilyar na tinig. “Mav?” sambit ko nahalos pabulong. Hindi siya ang inaasahan kong makita. “You like it here, Babe?” paulit ulit niyang tanong. Kakaibang kalungkutan ang nadarama ko. Bakit sobrang lungkot? Hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa pagpatak. “Zoran, nasaan ka na? Zoran–” “Son of a bïtch! Damn it, Ziel! Si Zoran pa rin? Dalawang taon na ang anak natin!” Napamulagat ako nang marinig ang sigaw ni Maverick. Pagdilat ko, ang mataas na kisame ng kwarto namin ang bumungad sa akin. Napatingin ako sa gilid ko, natatanaw ko ang gintong hawla. Pagkatapos nabaling ang tingin ko sa aking harapan, si Mav na nakakunot ang noo, nanlilisik ang tingin sa akin. Gusto kong tumayo pero hindi ako makakilos, ni hindi ko magawang galawin ang daliri ko. Namamanhid ang buo kong katawan. “Bumaba na yata ang amats, Mav. Turukan ko pa,” sabi ni Monique. Bakit? Bakit katabi ni Mav si Monique? Bakit sila nakahubad at nandito sa kama naming mag-asawa? Ano bang nangyayari? “You’ll pay for this, Ziel! You’ll regret ever remembering Zoran…” Pinakita sa akin ni Maverick ang syringe na hawak niya, nanlaki ang mga mata ko. Alam ko na ang nangyayari. He’ll put me into that drugged haze again that blurs everything like a waking hallucination. Zoran, help me please… ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD