Chapter 1 Gabriella
Life is a rainbow of colors.
The color of me can be seen in the rainbow.
Life is white, but I've come to learn that it may also be black. If you are suffering from sadness and pain.
Roses na pula para sa pag-ibig. Mga halaman para sa kapayapaan. Ang asul na langit para sa kasiyahan. Ang dilaw na araw para sa kinabukasan. Ang malakas ulan para sa pag-iyak. But the strom is not scary anymore, because I know after the clouds poured everything the rainbow came after.
The few things in life can scare you. You have the power to choose what you want from this life and how to define each situation in it. It's not easy but you can. God with us Always.
Huminga ako ng malalim at pinunasan ang pawis sa aking noo. Nakaramdam ako ng pagod at gutom dahil kanina pa ako naglilinis ng malaking bahay.
"Hoy! Mucha-cha dalhin mo na nga yung snacks namin sa veranda, kanina pa namin hinihintay ni Chloe yon." Maarteng sambit ni Hannah.
Tumango ako at tipid na ngumiti. Umirap siya bago umalis sa harapan ko. Kahit na hindi maganda ang trato ng mga half sisters ko sa akin ay naiintindihan ko naman sila. Kahit minsan ay nasasaktan na rin ako sa mga hindi nilang maayos na pag-trato ay hinahayaan ko na lang.
Alam kon'g hindi kagaya ng mga pinanood ko sa mga fairytale. Life isn't perfect. Pero ang buhay ko ay mahahalintulad ko kay Cinderella. I have two twin step sisters, and step mother.
They didn't treat me well, but I always said it was okay. Habang nakakakain ako at nakakapag-aral sa public school ay sapat na iyon. Kahit pa mahirapan ako sa mga gawaing bahay. Dahil isa lang ang alam ko.
Ang manatiling mabuti sa mga taong hindi.
Kinagat ko ang aking labi ko at itigil na ang paglalampaso. Bumababa ako sa mahabang hagdanan para pumuntang kusina at ayusin ang pagkain nila Hannah at Chloe.
Tumigil agad ako sa pagbaba ng hagdan ng makitang papanik si ang isang binatang lalaki. Si Tenorio. Natigilan din siya sa pag panik at sumilay ang ngiti ng makita ako.
Tipid akon'g ngumiti at lalagpasan na sana siya ng bigla siyang nagsalita.
"Good afternoon! Gabriella." Bati niya.
He is so kind to me every time he sees me.
"Good afternoon din." Ngumiti ako.
Isa siya sa mga kaibigan ni Hannah at Chloe. Sa pagkakaalam ko ay mayaman ang pamilya ni Tenorio dahil maraming silang business sa kabilang bayan. Sino ba naman hindi masasabing hindi siya anak mayaman. Kita sa kanyang kutis, pananamit. At higit sa lahat gwapo siya!
"May gagawin ka ba?." Tanong niya.
Nanatili ang titig niya sa akin kaya bahagya akon'g na conscious sa aking itsura. Kanina pa ako naglilinis kaya pawisan ako at pagod.
"Oo... Nasa veranda si Hannah at Chloe." Sambit ko sabay tango sa kanya at aambang bababa na ng hagdan.
"Ah! Wait..." Aniya." Tulungan na kita sa gagawin mo."
Napakurap-kurap ako. "Huh?!... Hindi na."
Napakamot siya ng kanyang batok at nag-iwas ng tingin. Nagulat ako. Why does he always react every time we talk?
"Alis na ako..."
Mabilis akon'g umalis sa harapan niya at tuluyan ng bumaba ng hagdan. Nagmadali akong pumunta ng kusina para gawin ang meryenda nila Hannah at Chloe.
Naabutan ko si Nana Aida na may malaking ngiti sa akin.
"Gabriella!..." Maligayang salubong ni Nana.
Si Nana ang matandang kasambahay dito sa mansion. Alam ni Nana ang tungkol sa akin. Sa kabila ng lahat siya lang ang tumuring sa akin na pamilya.
"Nana..." Ngumiti ako.
"Kanina habang namimili ako sa bayan, nakakita ako ng bistida sa ukay-ukay." ani ni Nana.
Matamis na ngumiti sa akin si Nana kaya nakita sa gilid ng kanyang mata ang kulubot. Namangha ako ng inilabas niya ang bistida sa dalang supot.
"Isang daan lang ito anak, suotin mo mamayang gabi sa kasiyahan." Sambit ni Nana.
Isang royal blue na dress. Simple lang ang damit at walang masyadong desenyo ngunit maganda ang kabuuan no'n.
Naiiyak kon'g tinanggap kay Nana iyon. Matagal na rin akon'g walang bagong damit... At isa pa na appreciate ko talaga dahil wala naman'g bumibili ng damit sa akin.
"S-Salamat po Nana." Naiiyak kon'g sambit. "Pero hindi naman po ako pwedeng pumunta ng kasiyahan mamaya Nana."
Umiling si Nana at hinawakan ang aking kamay. "Huwag kang mag-alala hindi natin ipapaalam na pupunta ka don mamaya."
Kinagat ko ang aking labi at nagdalawang isip na tumango. Gusto ko talagang pumunta sa kasiyahan sa bayan mamaya dahil hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nakapunta doon. Ang sabi nila masaya daw, maraming tindang damit at kung ano-ano, may mga masasarap na pagkain, may mga palaro.... At higit sa lahat ang inaabangan kon'g fireworks.
Nilabhan agad ni Nana ang bistida dahil iyon ang susuotin ko mamayang gabi. Nakangiti ako habang inaayos ang meryenda nila Hannah at Chloe, dahil excited ako para mamayang gabi sa kasiyahan.
"Ang tagal!" Iritadong sambit ni Hannah.
Nilapag ko ang pagkain nila sa table. Napansin ko ang titig ni Tenorio sa akin. Kaagad akon'g nag-iwas ng tingin.
"Kanina pa kami nagugutom!" Dagdag ni Chloe.
"Stop it! Dapat kayo na lang ang kumuha ng pagkain niyo." Sabi ni Tenorio.
Hindi na ako nagulat sa pagtatangol niya sa akin. Palagi niya kase akon'g pinagtatanggol noon pa naman sa kambal. Kaya mas lalong silang naiinis sa akin sa tuwing ganon ang nangyayari.
"Whatever! Umalis ka na nga!" Naiinis na sambit sa akin ni Hannah.
Tumango ako at tipid na ngumiti. Mabilis akon'g umalis sa harapan nila. At binalewala na lang ang pagpapahiya nila sa akin. Wala akon'g karapatang magreklamo dahil kasambahay lang naman ako dito. Kahit pa sa amin naman talaga ang bahay na ito.
Wala rin naman mapapala ang mga natirang ari-arian ni papa dahil wala naman sa pangalan ko ang mga iyon.
I signed heavily.
Bumababa ako ng hagdan at narinig ang mabilis na yapak sa aking likuran. Napabaling ako at nakita si Tenorio palapit sa akin.
"Gabriella... Pagpasensyahan mo na yung mga yon. Actually spoiled talaga sila kaya ganon."
Umiling ako at ngumiti sa kanya."Hindi ayos lang wag kang mag-sorry. Alam ko naman yon at isa pa kasalanan ko naman dahil hindi ko kaagad nadala sa kanila ang pagkain nila."Paliwanag ko.
Pumungay ang kanyang mata at dahan-dahang ngumiti. "Alam mo napakabait mo talaga"
"Salamat."
Magaan siyang kausap, kahit minsan hindi ako kumportable. Kahit na mabait siya sa akin mayroon paring pader na humaharang sa amin. Ayoko mapalapit sa kanya bilang isang kaibigan dahil mayaman siya. Katulong lang ako at walang oras makipag kaibigan.
Pagtapos ng school ay kailangan ng umuwi ng bahay para tumulong. Mag-laba, maglampaso at iba pang gawain. Ganon lang ang gawain ko sa araw-araw at wala sa oras ko ang makipag-kaibigan.
"Tuyo na ang bistida mo, anak." Bulong ni Nana aida sa akin habang inaayos namin ang hapunan ng pamilya.
Inayos ko ang mga kubyertos sa hapag. Naririnig ko ang kuwentuhan ni Tita Dolores, hannah at chloe. Para mamayang gabi sa kasiyahan.
"Excited na ako mommy. Ano kaya susuotin ko siguro yung bago kon'g dress." Masayang sabi ni Chloe.
"Yes darling! Wear your most expensive dress." Si tita dolores.
"Ibang kulay ang suotin mo! Ayaw kon'g parehas nanaman tayo." Saad naman ni Hannah.
Napangiti ako habang pinapakinggan sila nag-uusap. Nakakatuwa sila hannah at chloe, kambal sila kaya madalas parehas sila ng gamit. Lalo na sa mga damit.
"Pakibilisan mo nga! Ang bagal mo talaga kumilos." Sabi ni chloe sa akin kaya napabilis ang kilos ko.
Yumuko ako dahil nahagip ko ang mataray na tingin sa akin ni Tita dolores.
"Siguro naman hindi mag papangahas na umalis mamaya?!" Tanong ni tita dolores sa akin.
"A-Ah hindi po." Nanginig konti ang boses ko.
"Mabuti! Huwag ka na rin mangarap hindi ka nababagay doon."
Nagtawanan sila. Tumango na lang ako at napayuko na lang habang umalis na sa harapan nila.
Mabilis ang oras ng gabi. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako don o hindi. Sa sinabi ni tita dolores kanina ay malalagot talaga ako kung pupunta talaga ako doon.
Kaming mga kasambahay ay nasa hamba na ng pintuan ng pumatak na ang Alas-nuebe. Bumaba si Hannah at Chloe sa mahabang hagdan, nakita ko agad ang mamahalin nilang dress.
"Bakit ba kase ayaw sumama ni Tenorio?." Tanong ni Hannah sa kakambal.
"Ewan ko sa kanya! Pinilit ko pa nga kanina na sumama sa akin para makapag date kami, kaya nga lang may gagawin yata siya." Sagot ni Chloe sabay irap.
"What! Anong date? Sa akin siya makipag-date hindi sayo." Iritadong balik ni Hannah.
Bumuntong-hininga ako at yumuko na lang imbis na pakinggan sila na nag-aaway sa iisang lalaki.
Nag-bilin si Tita Dolores sa amin bago sumakay ng kanilang sasakyan.
Lumapit si Nana Aida sa akin at bumulong. "Maligo kana at mag-ayos. Tuyo na ang bistida mo pwede mo nang suotin."
Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang na excite dahil masusuot ko na ang bistida. Palihim akon'g tumango at ngumiti kay Nana.
Nagmadali akon'g pumunta sa Maid's room. Nang makita ko ang bistida ay may naisip akon'g gawin. Lumapit agad ako sa aking sewing machine. Nilagyan ko agad ng lace ang ilalalim ng saya ang dress. Dinagdagan ko din ng sequences para mas mabuhay ang damit.
Matapos ay nagmadali din ako naligo para maghanda. Laking tuwa ni Nana Aida na makita na suot ko na ang bistida at tinahi ko para mas mabuhay iyon.
"Ang ganda ganda mo talaga, gabriella anak!" Masayang sambit ni Nana. "Ang galing mo talaga manahi."
Abot tainga ang ngiti ko sa pag-puri ni Nana. Sinuklay ko agad ang mahaba kon'g buhok. Pinanatili kong nakabagsak iyon kaya mas nagdepina ang kulot sa dulo.
Kumuha ako ng pulbos at naglagay ako sa mukha. May inabot sa akin si Nana na lipstick kaya naglagay ako ng kaonti.
Kinuha ko ang nag-iisa kon'g sandals at sinuot. Luma na iyon kaya wala na ang design niyang flowers sa gitna. Wala naman akon'g choice dahil nag-iisa lang ang sandals ko.
Alas-diyes ako natapos sa pag-aayos. Sobrang nagmadali ako kaya mabilis ang pag-aayos ko.
"Anak suotin mo ito." Inabot sa akin ni Nana ang itim na balabal.
"Salamat po ng marami."
"Magsaya kapag karating mo. Makipag kaibigan ka kapa nakita mo doon ang mga ka-eskuwela mo." Payo ni Nana.
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko.
Kahit pa ng makasakay na ako sa tricycle nag-uumapaw ang saya sa puso ko. May halong kaba nga lang dahil baka mahuli ako ni Tita dolores.
Hindi mawala ang kinang sa mata ko habang nilalakad ko ang bayan na maraming tinda at pailaw sa gilid. Mga bandiritas at iba't-ibang pagkain na tinda.
Marami ring palaro sa gilid kaya napakaraming tao. Hindi magkamayaw ang mata sa palinga-linga sa bawat nakikita ko. Halos isang oras na yata akon'g palakad-lakad sa bayan halos nakita ko na ang pagdiriwang.
Napakasaya ko talaga na nakapunta dito sa kasiyahan. Minsan lang din kase ako lumabas kaya malaking kawalan talaga sa akin kapag na palampas ko ito.
Nanlaki ang mga mata ko sa tindahan ng mga dress. Lumapit ako at tinignan ang mga nakasabit na bistida. Mga mura lang iyon sapat ang dala kong pera para makabili.
"Ano sayo, Miss?." Tanong ng tindera sa akin.
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Kumunot ang noo niya siguro ay nagtataka siya kung bakit nakatakip ng balabal ang aking mukha.
Naglakad ako ng bahagya para tignan ang mga ibang bistida. Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ng tindera.
"Bibili ka ba, Miss?." Tanong ng tindera.
Hindi ako makapagsalita sa tindera. Kaya mabilis na lang akon'g umalis. Naisip kon'g bumili na lang sa susunod pang araw sa ukay-ukay na lang.
Lalagpasan ko na sana ang tindera ng biglang niya akon'g hinarangan. Nagulat ako!
"Teka lang! Ikaw ba yung magnanakaw nakaraang araw?."
Kaagad akon'g nakaramdam ng paratang sa akin. Umiling ako at hindi na nagsalita. Umiwas agad ako para makadaan, ngunit mariin ang titig sa akin ng tindera.
"Bolong! Ito ata yung magnanakaw nakaraang araw." Sabi ng tindera sa kasama niyang lalaki.
Hinawakan ng mariin ng babaeng tindera ang braso kaya binawi ko agad. Sa takot ko ay nagsalita na ako.
"Hindi po ako yun! Pasensya na sa abala... Aalis na po ako." Halos magmakaawa kon'g sambit.
Binawi ko agad nanginginig kon'g braso mabilis na iniwas ang sarili.
"Huwag mon'g pakawalan baka siya iyon." aniya ng lalaking tindero.
Nang marinig ko iyon at mabilis akon'g tumakbo. Hindi ko alam kung bakit ako kabang kaba sa mga oras na ito. Wala naman akon'g ginawang masama, natakot lang ako sa paratang sa akin.
Hindi ko nilingon pa ang malakas na sigaw ng tindera na iyon! Sobrang bilis ng takbo ko para makalayo.
Ang kagustuhan kon'g magsaya ay hindi ko ata makakamtam.
Kahit pa gustong-gusto ko panoorin ang mga palaro sa gilid ay mas nanaig sa akin ang tumakbo at makalayo. Nilingon ko ang aking likuran at napansin nakalayo na ako. Huminto ako sa pagtakbo at hinabol ang aking hininga.
Saglit akon'g tumigil at nagpasya na ulit na lumayo. Pag-angat ko aking mukha ay kasabay non ang pagbundol ko sa isang malapad na likuran.
"Aray!." Sapo ko ang aking noo dahil sa pagtama nito.
Dumilat ako at tiningnan kung sino iyon. Humarap sa akin ang isang lalaking binata.
"I'm sorry! Are you okay?." Tanong niya.
Nakaitim na jacket at itim na sumbrero ang suot niya. Ang hoodie sa kanyang jacket ay nakasuot din sa kanya. Teka magnanakaw ba siya? Mas lalo akong kinabahan.
Inayos ko ang balabal na suot ko. Mas lalo kong tinago ang aking mukha.
"Ayos lang ako." Sagot ko.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Rinig ko ang masayang ingay sa kasiyahan kahit pa nakalayo na ako. Napagod ako kakatakbo kaya hingal pa ako para makatakbo ulit.
Bumaling ako ulit sa binatang lalaki, nahuli ko siyang tinignan ako na para bang nagtataka rin. Baka pagkamalan niya akon'g magnanakaw! Teka siya rin naman sa ayos niya mukhang rin siyang magnanakaw, pero ayoko naman na husgahan siya agad katulad ng paghuhusga sa akin ng tindera kanina. Hindi naman yon maganda sa kapwa.
"Nawawala ka ba?." Tanong ko matapos ang ilang saglit.
Kinagat niya ang kanyang labi at nag-alinlangan na sumagot. "H-Hndi taga-rito ako." aniya.
Buti na lang ay taga rito pala siya. Mukha naman siyang hindi magnanakaw. Siguro ay kaya ganyan ang ayos ng suot niya dahil hindi siya pinayagan ng mga magulang niya pumunta dito sa kasiyahan.
Aamba na akong lalagpasan siya ng bigla siyang nagsalita kaya napahinto ako.
"Wala kang kasama?." Tanong niya.
Umiling ako. " Wala ako lang."
"Parehas tayo." aniya sabay ngisi.
Tumango ako at winagayway ang aking kamay para makapag-paalam na sa kanya, ngunit nagsalita ulit siya kaya napahinto ulit ako.
"Hindi kaba nahihirapan sa nakatakip sa mukha mo." Tanong niya.
Tinatanong niya ako dahil nakatakip ang mukha ko. Gayon'g nakapalot rin siya ng kanyang jacket. Kung sabagay mas balot nga ang mukha ko kaysa sa kanya.
"Hindi naman." Sagot ko.
"Tanggalin mo na lang, para hindi ka na mahirapan."
Umiling ako. Sa ilalalim ng balabal ko ay napangiti ako. Hindi naman niya yon nakita dahil nakabalot ang mukha ko. Mata lang ang kita.
"Hindi ayos lang."
"Bakit? Pwede mo naman tanggalin iyan. Para mas makahinga ka ng maayos.
"Hindi ayos lang talaga!" Sambit ko at umiwas ng tingin. "Bakit ikaw din nakabalot ka ng suot mo? May pinagtataguan kaba gaya ko?." Tanong ko.
"A-Ah... Wala."
Napabaling ulit ako dahil natagalan siya sa pagsagot. Naramdaman kon'g nagsisinungaling siya.
"Kung ganon bakit ka pati hoodie nakasuot sayo. At naka sumbrero ka pa?"
Sa dilim ay nakita ko sa mga mata niya ang gulat sa tanong ko. Bigla niyang ibinaba ang suot niyang hoodie at sumbrero. Ako naman ang nagulat sa ginawa niya!
Mas nakita ko ang kabuan ng kanyang mukha. I realized how handsome he was, para ban'g isang prinsipe sa isang malaking palasyo. Ang tangos ng kanyang ilong at ang nipis ng labi at makakapal na kilay.
Nag-iwas agad ako ng tingin ng mapansin na ang tagal ko siyang natitigan. Napalunok ako at para ban'g nagkasala ako ng tumitig ako sa binatang ito. Kahit kailan hindi ko yon nagawa kahit pa kay Tenorio at sa mga classmate kon'g lalaki sa school.
"Tanggalin mo na rin yang nakabalot sayo."Pagpupumilit niya.
"Hindi ayos lang talaga."
"Bakit ba ayaw mo? Siguro... Panget ka?." aniya.
Panget? Hindi ko alam kung maganda ba ako o panget? pero kahit sino wala naman nagsabing panget ako.
"Hindi naman."
"Kung hindi ka panget tanggalin mo!" Hamon niya.
Kinagat ko ang labi ko at napag-isipan na gawin ang gusto niya. Siguro natatakot siya sa akin kaya gusto niyang makita ang itsura ko para hindi niya maisip na masamang tao ako. Kung tatangalin ko ang balabal ko wala rin naman sigurong masama at hindi naman yata siya kilala ni Tita Dolores para isumbong ako.
Dahan-dahan kon'g tinanggal ang aking balabal at bumaling sa kanya. Nang matanggal ko na ang balabal sa aking mukha ay nalaglag ang panga niya.
Kumunot ang noo ko dahil hindi siya nagsalita agad. Akala ko tutuksuin niya ako na panget ako. Na tama nga ang hinala niya sa akin.
Pero nanatili siyang gulat at nakauwang labi at nakatitig lang sa akin. Tatanungin ko sana siya kung ayos lang ba siya ng biglang pumutok sa kalangitan ang fireworks.
Napatingin agad ako sa kalangitan at namangha sa ganda ng fireworks... Kay tagal kon'g gustong makapunta dito sa kasiyahan at masaksihan ang lahat lalo na ang fireworks.
Nasiyahan ako sa panonood ng fireworks sa kalangitan. Kahit madilim ay nagmistulang liwanag iyon. Iba't-ibang ang mga kulay at nag-iiba ang mga hugis no'n.
Sa kalagitnaan ng panonood ko sa mga fireworks ay biglang pumasok sa isip ko na kailangan ko ng makabalik sa mansion ng Alas-dose. Naging sapat na sa akin ang saglit sa panonood at masaya na akon'g nakapunta kahit saglit na oras lang.
Nataranta ako kaya binalik ko sa ayos ang balabal na nakatakip sa aking mukha. Bumaling ulit ako sa binatang lalaki at naabutan siyang nakatingin parin sa akin. Hindi ko alam ang pangalan niya pero hindi naman siguro kailangan na malaman pa ang pangalan niya. Hindi na rin naman kami magkikita pa.
"Kailangan ko ng umuwi... Paalam." Sambit ko.
Mabilis akon'g umalis sa harapan niya at nilagpasan siya. Nagmadali akon'g naglakad ngunit narinig ko ang marahan niyang pagtawag sa akin kaya mabilis pa akon'g naglakad.
"Sandali.... Ano ang pangalan mo?!" Malakas niyang sambit, kaya mas nagmadali akon'g naglakad. "Just wait..." aniya.
Sumulyap ako sa likod at nagulat na nakasunod parin siya sa akin. Bakit niya pa ako sinundan? Tumakbo na ako ng mabilis dahil kailangan ko ng makabalik sa mansion.
Narinig ko ang sigawan ng mga tao sa paligid dahil pumatak na nga ang Alas-dose. Ito ang simbolo ng magandang kinabukasan kapag dumaraos ang kasiyahan sa bayan namin.
Kaya mas lalo pa akon'g nagmadali sa pagtakbo. Kailangan kon'g maunahan sa pag-uwi si Tita dolores at sila Hannah at Chloe.
Kung hindi mayayari ako!
"Saglit lang!..."
Napanhinto ako ng marinig ang tinig ng binatang lalaking kausap ko kanina. Tumatakbo rin siya sa malayo at papunta sa akin. Bakit niya ba kase ako hinahabol?
Hindi ko na siya pinansin at tumakbo na ulit. Kaya nga lang nasira bigla ang strap ng sandals ko. Gusto kon'g malungkot dahil nasira na iyon, wala akon'g ibang sandals kundi iyon lang pero mas nanguna sa utak ko ang makauwi ng maaga... At hindi na maabutan ng binatang lalaki na humahabol sa akin.
Iniwan ko ang sira kon'g sandals at hindi na kinuha pa. Tutal sira na rin naman iyon. Kaya tumakbo na lang ulit ako ng mabilis para makauwi na sa mansion.
Nang makalayo na ako sa bayan ay nakakakita agad ako ng tricycle. Hindi ako agad nagdalawang isip na sumakay don.
"Manong, sakay po!"
Bago tumulak ang tricycle ay naaninag ko ang binatang lalaki na tumatakbo sa malayo. Sinundan niya talaga ako?! Akala ko ay tumigil na siya.
Habang pauwi ay ang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa kaba. Naglalaro na sa isip ko na baka nakauwi na sila Tita dolores. At mahuli ako na umalis ng mansion. Sobrang lamig ng kamay ko at malakas ang t***k ng puso ko.
Kaya ng makarating na ako sa mansion laking pasasalamat ko na wala pa sila Tita dolores.
Even though I was still out of breath when I got home, my heart was happy. Because I was able to go to town and I witnessed the fireworks .... And I talked to another person even though I didn't know his name.