"Ang saya talaga tuwing kasiyahan!" Maligayang usapan ng mga kaklase kon'g babae.
Isang umaga sa classroom namin. Breaktime kaya walang ginagawa. Tahimik lang akon'g nakikinig sa mga classmate ko na nagkuwentuhan tungkol sa kasiyahan nung nakaraang gabi. Palihim lang akon'g napangiti tuwing naalala ang kasiyahan. Tama sila masaya nga!
"Oo nga eh! Maghihintay pa tayo ulit sa susunod na taon para sa kasiyahan." aniya ng isa kon'g classmate na babae.
Gusto ko makisali sa usapan nila pero nahihiya naman ako. Hindi naman nila ako kaibigan. Wala rin naman talaga akon'g naging kaibigan kahit kailan. Paminsan-minsan iniisip ko na kaibigan ko si Tenorio, pero binabalik ko ulit sa isip ko na hindi kami magkaibigan at kahit kailan hindi kami magiging magkaibigan. Mabait lang siya sa akin hanggang doon lang yon.
Bigla ko tuloy pumasok sa isip ko yung binatang lalaking nakausap ko nung gabi ng kasiyahan. Kung matagal kaya kami nakapag-usap ay magiging magkaibigan kaya kami?
Pero mukhang malabo. Saglit lang nagka-usap at mukhang hindi na mauulit pa iyon. Maraming akon'g ginagawa sa mansyon at wala akon'g oras para makipagkaibigan.
Lumabas muna ako para magtungo sa bathroom, habang naglalakad ay may narinig ako sa gilid na tinig ng mga lalaki nagtutuksuan.
"Uy! Andrei si Gabriella oh!"
Narinig ko ang pangalan ko.
"Nasaan?"
Luminga ako at naubutan ang mga grupo ng mga lalaking nakatingin sa akin. Kaagad akon'g nahiya at nag-iwas ng tingin. Binilisan ko ang lakad ko at hindi na lumingon pa kahit narinig ko ang huling bulungan nila.
"Ang torpe mo talaga, Andrei!"
"Nakakahiya... Hindi rin naman ako papansinin."
Minsan ko silang nakakasabay sa canteen kapag may kaonting pera ako at gusto kon'g bumili ng pagkain doon. Palagi lang kase akong nasa classroom kumakain tuwing breaktime dahil pagkain lang mansyon ang binabaon ko. Minsan ko rin silang nakasabay tuwing uwian. Pero madalas umuuwi agad ako at hindi na nagtatagal sa school, dahil sa mga gawain sa mansyon.
Gusto kon'g kausapin ang grupo nila. Pero mukhang hindi maganda sa mata ng ibang estudyante dahil puro lalaki sila. Kahit pagkakaibigan lang intensyon ko.
Nobody knows that I feel sorry for myself. I want to have a friend. A part of me that I like, wants to be a normal teenager laughing with friends and hanging out with them. But I think not for me.
"Gabriella! Pakibili na ito sa bayan." Si Nana Aida, sabay abot sa akin ng listahan ng bibilhin.
Sabado ng umaga walang pasok kaya, abala kami sa kusina. Ako ang nautusan mamalengke tuwing sabado dahil wala akong pasok at maraming ginagawa ang mga kasambahay tuwing sabado.
Ang mga normal na kabataan katulad ko ay tuwing sabado ay naliligo sa batis. Yung iba naman ay nagpupunta sa pinakamalapit na Mall. Kahapon narinig ko ang mga classmate kon'g babae na pupunta sila sa bahay ng isa kon'g classmate at sabay-sabay sila mag-aaral.
I want that kind of friendship.
"Salamat po!" Sambit ko sabay kuha ng pinamili.
"Salamat din hija!" Ngiti sa akin ng matandang tindera. "Kanino bang anak ka? Nagagandahan talaga ako sayo. Tuwing namimili ka sa akin napapaisip ako kung kaninong anak mayaman ka?."
Nanlaki ang mata ko at kaagad na umiling.
"H-Hndi po... Hindi po ako mayaman."
Tumawa ang matandang tindera para bang hindi naniniwala sa akin. Ngumiti ulit ako at nagpaalam na.
Hindi iyon ang unang beses ako nagpagkamalan na anak mayaman. Madalas kapag namimili ako sa ibang bayan ay nagtatagal ang titig sa akin ng mga tindera. Dahil akala nila anak mayaman ako na nauutusan lang sa bayan mamimili. Kaya agad kon'g binabawi ang akala nila sa akin. Dahil hindi naman talaga ako anak mayaman.
Daladala ko ang dalawang supot na pinamili. Medyo mabigat dahil maraming gulay, karne at isda ang nakalagay doon. Medyo malayo pa ang sakayan kaya dahan-dahan lang ang lakad ko dahil baka malaglag ang pinamili ko.
Inis na inis ako dahil nahihirapan akon'g maglakad dahil sa mga putik na dumidikit sa tsinelas ko. Nang makarating na ako sa kanto ng bayan para maghintay ng tricycle para makasakay ay gumilid ako sa lilim dahil may mga lalaking nagkakabit ng malaking tarpaulin.
"Marco Fernandez for Mayor"
Isang malaking tarpaulin ng Mayor dito sa bayan namin. Sobrang abala ang mga lalaking ikabit ang mga tarpaulin dahil malapit na ang eleksyon.
Nang may tricycle na paparating ay nagmadali akon'g sumakay at nakahinga ng malalim dahil sa pagod.
Dumating ang hapon ay naging abala ako sa pag-aayos ng meryenda ni Hannah at Chloe. Nilapag ko ang meryenda nila sa lamesa sa kwarto nila. Napansin ko agad ang mga naparami nilang make-up. Parehas silang naglalagay ng eyeshadow at nakaharap sa malaking salamin.
"Papayag ba si Tenorio?." Tanong ni hannah.
Umirap si Chloe at patabog na binaba ang brush ng make-up. Kumuha siya ng lipstick at naglagay.
"Ewan ko, bahala na siya!"
Napansin ni Chloe na nanatili akon'g nakatayo sa likod nila. Gusto ko sanang itanong kung may uutos pa ba sila. Kaya nga lang nag-uusap pa sila kaya hindi makasingit para sa tanong.
"Anong tinatanga- tanga mo diyan?!" Iratadong tanong ni Chloe.
Napalunok ako at napayuko.
"Pasensya na. Hindi ko sinasadiya na marinig ang usapan niyo. Gusto lang itanong kung may iuutos paba kayo?." Mahinahon kon'g tanong.
Mas lalong kon'g nakita ang iritasyon ang mukha niya. Dagdag pa kay Hannah.
"Ang sabihin mo chismosa ka lang!" Sigaw ni Hannah.
Umiling agad ako. "H-Hndi... Pasensya na."
Patabog na tumayo si Chloe at tinulak ako. Napaupo ako sa sahig at napapikit.
"Ang sabihin mo gusto mo talaga malaman na hindi kami pinapansin ni Tenorio dahil diyan sa kalandian mo!" Sigaw ni Chloe.
Umiling agad ako at inayos ang sarili mula sa pagkakatumba. "Hindi totoo yan..." Naiiyak kon'g sambit.
"Malandi!" Asik ni hannah.
Bago pa ako maiyak sa pinaparatang nila sa akin ay tinalikuran ko na sila at aambang aalis sa harapan nila. Masyadong na sila somosobra sa akin. Ayoko ng gulo bago pa ako hindi makapagtimpi ay gugustihin ko na lang na umalis agad para hindi na kami mag-away pa.
Kaya nga lang bago pa ako makaalis sa kwarto nila ay hinila na ni Chloe ang buhok ko ay sinabutan. Napapikit ako sa sobrang sakit non.
"Akala mo hindi ko napapansin na nagpapansin ka kay Tenorio tuwing nandito siya!" Galit na sigaw ni Chloe.
Hindi ako makapagsalita dahil sobrang sakit ng pagkakahila nila sa buhok ko. Hindi ako makalaban dahil pilit kon'g inaalis ang kamay nila sa buhok ko. Pero mas lalo nilang akon'g sinabutan.
"T-Tama na..." Pagmamakaawa ko.
Naramdaman ko ang punit sa mangas ng kanang damit ko. Naiyak na ako sa sobrang sakit. Isang malakas na tulak ang ginawa nila sa akin kaya napahiga ako sa sahig. Doon ko nakita na sira ang lumang bistida ko sa kanang bahagi ng mangas.
Humagulgol ako ng iyak ng makita ko rin na may mahaba akon'g kalmot sa kanang braso ko.
"Yan ang napapala ng malanding katulad mo!" Sigaw ni Chloe.
"I knew it! Ikaw pala ang lumalandi kay Tenorio kaya kahit kailan ayaw niya makipag date ni isa sa amin!" Asik ni Hannah.
Sa sakit at bigat ng naramdaman ko ay hindi ko na kinaya. Gustong-gusto kon'g ipagtanggol ang sarili ko. Kahit ngayon lang! Wala akong ginawang masama. Kaya bakit ko na nararanasan to?
"Wala akong ginawang masama sa mga pinaparatang niyo sa akin!" Sigaw ko sabay tayo, kitang-kita ko ang gulat sa mga mukha nila. "Kung bakit ayaw sa inyo ni Tenorio, dahil masama ang ugali niyong dalawa!"
"Anong sabi mong katulong ka?!" Sikmat ni Hannah.
Aambang susugod sa akin si Chloe ng may biglang kumatok sa pintuan kaya natigilan siya.
"Ma'am Chloe... Ma'am hannah."
Nanlisik ang mata nila at mariing tumingin sa akin. "Hindi pa tayo tapos!"
Tinago ko ang punit sa akin damit at inayos ko ang aking buhok. Para lang hindi makita ng kasambahay ang ayos ko.
"Nasa baba po si Sir Tenorio." Sambit ng kasambahay, nagulat pa siya ng makita ako sa kwarto ng kambal. "Andyan ka lang pala Gabriella hinahanap ka rin sa akin ni Sir Tenorio."
Natigil ako sa paghikbi, mas lalong lumisik ang pinukol na titig sa akin ng kambal.
"Umalis kana nga!" Si Hannah.
"Marami ka pang gagawin kaya gawin mo na!" Si Chloe.
Mabilis silang lumabas na dalawa kaya. Halos magmadali sa pag-alis. Yumuko ako at naglakad na rin palabas. Napansin ko ang kuryosong tingin ng kasambahay, siguro mapansin ang ayos ko.
"Anong nangyari sayo?" aniya.
"Wala po ate mella." Sambit sabay nagmadaling bumaba.
Hindi pa ako nakakababa ay narinig ko na ang mga yapak sa kung saan.
"May ginagawa yon hindi siya pwedeng istorbohin!" Boses ni Hannah.
"Oo nga Tenorio, andito naman kami pabayaan mo na yon!" Boses naman ni Chloe.
"May ibibigay nga ako." Boses ni Tenorio.
Sa kaba ko at kagustuhan wag magpakita sa kanila. Tumakbo ako papuntang maids room. Pero bago ko magawa iyon ay nadapa ako. Hindi ko alam dahil sobra ang panghihina ko, siguro bukod sa hindi pa ako kumakain ay sa p*******t din ng kambal sa akin kanina.
"Gabriella!..." Sigaw ni Tenorio.
Pinilit kon'g tumayo agad, ngunit mabilis siyang nakadalo na siya sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at nahawakan ang kalmot kaya napainda agad ako sa hapdi non.
"Aray!"
Namilog ang mata niya ng makitang may sugat ako. Tila gulat at nag-aalala.
"Napano yan?" Tanong ni tenorio.
"Tenorio! Pabayaan mo na siya!" Naiinis na sambit ni hannah sa likuran.
"Shut up!" Sigaw sa kanya ni tenorio.
Kahit ako ay napapikit sa pagkakasigaw ni tenorio. Kanina lang sabi ko ayaw ko ng gulo. Pero ngayon mukhang magkakagulo nga dahil sa sitwasyon namin. Nararamdaman kon'g lalong magagalit sa akin ang kambal dahil kay tenorio.
"Gabriella, Bakit ka may sugat?" Marahan niyang tanong.
Kinagat ko ang aking labi, sabay sulyap sa kambal sa likuran namin. Halos namutla silang dalawa dahil sa tanong ni tenorio.
Umiling ako kay Tenorio. Ayokong sabihin sa kanya dahil kahit sabihin ko sa kanya hindi naman pwedeng pagalitan niya ang kambal dahil lang sa akin.
"W-Wala... Nagasgas lang kanina sa kusina... Ayos lang ako wag kang mag-alala." Napapaos kong sambit.
Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya. Hindi ako marunong magsinungaling. Ngayon pa lang ata ako nagsininungaling, mahahalata niya agad akon'g hindi nagsasabi ng totoo kung makikita niya ang mga mata ko.
"I know you're lying." he said.
Mas lalo akong kinabahan lalo't pa ng tinulungan niya akong makatayo at maingat na hinawakan. Tumingin siya sa kambal at ramdam ko ang galit niya.
"Bakit nagkasugat si Gabriella?" Mariin niyang tanong. "Alam ko na alam niyo?!"
Halos magtago si Chloe sa likuran ni Hannah. Samantalang mariin ang titig na pinupukol ni Hannah. Ayoko talaga ng gulo kaya hinawakan ko ang braso ni Tenorio para pigilan siya. Napatingin siya sa kamay ko bago dumapo ang mga mata niya sa mga mata ko.
"A-Ah... Tenorio wala naman silang kasalanan.... May mga gagawin pa ako. Pasensya kana ayos lang naman ako."
Suminghap siya at kumunot ang noo. "Gagamutin muna kita." Sambit niya.
Tumingin muna ulit siya sa kambal bago kami bumaba. "Mamaya tayo mag-usap." Mariin niyang sambit.
Naupo kami sa sala habang ginagamot niya ang sugat ko. Sobrang hiyang hiya ako sa kanya ayoko na sanang gamutin niya ako pero nakisabay na sila Nana aida at ang ibang kasamabahay na gamutin niya ang sugat ko kaya wala na akon'g nagawa pa.
Hindi narin bumaba sila Hannah at Chloe. Ano kaya ang sasabihin sa kanila ni Tenorio? Baka mag-away pa sila dahil sa akin, ayoko naman mangyari iyon.
Ang tagal kon'g tinitigan ang sugat ko. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nahuli ko siyang nakatitig sa akin.
"Kapag sinaktan ka nila ulit. Sabihin mo sa akin." Aniya.
Nakakatuwa at nakakalaglag ng puso na may taong may malasakit sayo. Kaya din minsan naiisip ko na kaibigan ko siya dahil mabait siya sa akin.
Tumango ako at tipid na ngumiti.
"Maraming salamat tenorio." Tangi kon'g nasabi.
"May ibibigay pala ako sayo." Sabi niya.
Kinuha niya sa gilid ang isang paper bag at nilabas ang nasa loob non. Namilog ang mata ko na makita ang isang libro. Matagal ko ng gustong bilhin ang libro na iyon sa bookstore kaya nga lang hindi ko mabili dahil sa kakulangan sa pera.
"Naku! Tenorio... Nag-abala ka pa. Salamat." Nahihiya kong sinabi.
He chuckled. "Hindi ka naman abala sa akin. Sa katunayan nga ikaw naman talaga ang pinupuntahan ko dito."
Natigilan ako at natigil din ang paghinga ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa agaran niyang sinabi. Ayoko mag-aassume na sa sinabi niya dahil ba kaibigan rin ang tingin niya sa akin? Or maybe he likes me?
"Hmp! Paano naman sila hannah at chloe 'diba kaya karin pumupunta dahil kaibigan mo sila?." I asked akwardly.
"Ikaw lang talaga sinasadya kon'g puntahan dito." He said straightforward.
Hindi ko pinahalata na halos magdiwang ako. Sa wakas may kaibigan na rin ako!
Hindi ko alam kung ano pinag-usapan ni Tenorio at ang kambal pero matapos niya akon'g gamutin ay kinausap niya ang mga iyon. Ayoko na rin malaman pa kung ano-ano mga napag-usapan nila. Maghapon na lang akon'g abala sa gawaing bahay.
Bago umuwi si Tenorio ay pinuntahan niya pa ako sa teresa at nagpaalam ng umuwi. Nagpasalamat pa ulit ako sa binigay niyang libro. Kahit pa hiyang hiya ako.
Sa hapunan ay hindi ako halos tignan ng kambal. Tahimik lang silang dalawa habang nag-aayos ako sa hapag.
Siguro maganda nga na kinausap sila ni Tenorio. Akala ko lalala lang ang away namin pero mas naging maganda pala. Blessing talaga si Tenorio dahil napasunod niya ang kambal dahil kung si tita dolores lang ako magsusumbong ay wala rin mangyayari.
Naging maayos ang gabi ko. Walang kahit anong away at pangungutya galing sa kambal. Para bang ngayon lang naging peaceful ang buhay ko. Kahit pagod sa buong maghapon sa gawaing bahay ay agad rin nawala dahil walang gulo sa kambal.
Nagbabasa ako ng librong galing kay Tenorio ng biglang nahagip ng mga mata ko ang isang pares ng sandals ko. Natawa ako sa sarili ko ng maalala ang gabing iyon.
Takbo ako ng takbo para lang hindi maabutan ng binatang lalaking iyon. Ayun tuloy nasira ang sandals ko naiwan ko pa.
Sunday morning. Ako palagi ang naatasan magdiling ng halaman. Tahimik lang ako habang nagdidiling at naisipang kumanta. Ang sarap ng simoy ng hangin tuwing umaga kaya palagi kon'g ginagawa ang pagkanta tuwing umaga dahil sa hapon ay pagod na pagod na ako.
Romeo, take me somewhere we can be alone.
I'll be waiting, all there's left to do is run
You'll be the prince and I'll be the princess.
Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang pag kanta ko.
I got tired of waiting
Wonderin' if you were ever comin' around
My faith in you was fading
When I met you on the outskirts of town, and I said.
Romeo, save me, I've been feeling so alone
I keep waiting for you, but you never come
Is this in my head? I don't know what to think.
He knelt to the ground and pulled out a ring.
And said, "Marry me, Juliet.
Sa isang malakas na doorbell natigil ang pagkanta ko. Hindi alam kung pang-ilan doorbell na iyon. Dahil masyadong akong nasiyahan sa pagkanta hindi napansin na may nag doorbell pala.
Binababa ko agad ang hose at nagmadaling buksan ang gate. Baka delivery iyon kaya binuksan ko agad.
But!
My heart is beating so fast. I was nervous to the point that I had a heart attack. I can't take my eyes off his eyes.
Nanatili rin ang titig niya sa akin. Ang binatang lalaking nakausap ko ng gabing kasiyahan ay nakaharap ko ulit. Nakaitim na sumbrero at nakaitim na t-shirts at naka-maong na pants.
Why is he here?
Nanuyo ang lalamunan ko at walang lumalabas sa bibig ko para makapagsalita. I swallowed hard, para lang may lumabas na salita sa akin.
"A-Ano pong k-kailangan niyo." Halos manginig ang boses ko.
Kinagat ko ang labi dahil hindi siya pa siya nagsalita. Nanatili lang siyang nakatitig. Anong gagawin ko? Bakit ba siya nandito? Hindi naman siya mukhang delivery boy.
"Ano ang kailangan mo?." ulit ko.
Para ba akon'g makasalanan na titigan siya ulit. Gwapo nga siya kahit sa malapitan at sa mas maliwanag. Hindi ako nagkamali, mukha talaga siyang prinsipe sa isang kaharian. Na hindi mo pwedeng titigan kahit makausap man lang.
Para akong isang prinsesa na may kakayahan siyang kausapan kahit pa matitigan man lang.
"Kung wala kang sadya isasara ko na." Sambit ko ng ilang saglit. Wala talaga siyang sinasabi.
Pinigilan niya ang pagsara ng gate at sa wakas ay magsasalita na. Lumunok siya at binasa ang labi.
"Sorry."
Umigting ang panga niya. Sabay iwas ng tingin. Suminghap ako at hinintay ang sasabihin niya. Nang magtama ang mga mata namin ay nakita kon'g kumislap ang mga mata niya. O baka guni-guni ko lang iyon.
"Your eyes stole all my words away." He whispered slowly.
HENRY'S POEM
"Isang dalagang dinala ako sa kawalan.
Ningning ng aking mga mata'y aking pinakawalan."
—Henry Mikael Fernandez.