Chapter 3 Name

1949 Words
"H-Huh?..." Hindi ko mapigilan ang panginginig ng boses ko ng marinig ko iyon. Nanatili siyang nakatitig sa akin at naghihintay ng sasabihin ko. Pero hindi ko talaga alam ang susunod kong sasabihin matapos marinig iyon. Nagtatalo pa ang isip ko kung nagkamali lang ba siya ng bahay na napuntahan. Kumalabog lalo ang puso ko nang lalo siyang lumapit sa akin. Ang kanyang hininga ay ramdam ko sa aking mukha.Napa Kurap-kurap ako at tumigil saglit sa paghinga. "I was not mistaken in what I saw" He whispered. I don’t know why his stare is making me uncomfortable. Umatras ako ng kaunti at napansin niya iyon kaya lumayo rin siya sa akin. He smells really good. I think. It’s been so long since I talked to someone this close, he may smell completely good. What is happening to me? "Pwede ko bang malaman kung ano ang kailangan mo?." Hindi ko alam kung saan ako humugot para magtanong ulit. Nanatili siyang nakatitig sa akin, ngumiti siya sa akin hindi ko alam kung bakit parang tumigil ang mundo ko. "Gusto ko sanang isauli sayo to." Aniya, sabay abot sa akin ng isang paper bag. Isauli? Kinuha ko na lang ang ibinigay niyang paper bag at tinignan ang nasa loob nito. Namilog ang mga mata ko nang makita ang kung ano ang nasa loob. Yung luma kong sandals na sira na! Ibig sabihin ay naaalala niya pa ang ako ng gabing iyon? Kinagat ko ang labi ko at tinago sa likod ang sira kong sandals. Hiyang-hiya ako sa kanya, hindi ako makatingin at hindi alam ang sasabihin. "S-Salamat... Nag-abala ka pang isauli to. Sana tinapon mo na lang." Sabi ko, hiyang-hiya. "Why would I throw it away? This is the only thing to see you." Sambit niya at binuksan niya ng malaki ang gate. Kaagad akong nataranta sa ginawa niya. Baka makita ako ni Tita dolores o ni Hannah at Chloe. Baka ano pa ang sabihin nila at mapagalitan pa ako. Hindi pwedeng nagpapasok ako ng kung sino-sino lalo't hindi ko pa naman masyadong kilala. Bago pa siya makapasok ay may isang lalaking tumawag sa kanya. "Sir!" Naagaw niya ang atensyon ng binatang lalaking nasa harapan ko. Tumingin muna siya sa akin bago lumapit sa lalaking tumawag sa kanya. Ilang saglit pa ako naghintay bago siya lumapit sa akin. Yumuko saglit at nag-iwas ng tingin. "Sorry sa abala. Gusto ko lang talagang isauli sayo yan. You hurried to run that night. I hope you still remember me?" Marahan akong tumango at tumingin sa kanya. Nang magtama ang mga mata namin ay hindi ko matagalan na tumingin sa kanya. Kagaya ng unang kita namin ng gabing iyon. Nag-iwas agad ako ng tingin. At ngumiti sa kawalan. "Naaalala na kita... Uhm. Pasensya na rin sa abala para sa pagsauli nito." "It's okay. Can I know your name?." Mahigpit ang hawak ko sa paper bag ng tanungin niya iyon. Naghintay siya ng sagot ko pero medyo natagalan ako. "My name is—" Sambit niya kaya nakahinga ako." Mikael." Mikael pala ang name niya! "What's yours?." "Gabriella." I smiled. "What a beautiful name." Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi siya ang unang nagsabi na maganda ang pangalan ko. Sabi nila ang ibig-sabihin ng pangalan ko ay "Courage and kind" Nung una ay binalewala ko lang ang mga taong nagsasabi na maganda ang pangalan ko. Pero ng marinig ko sa kanya iyon ay doon ko lang na appreciate na maganda nga ang pangalan ko. "Sir! Kailangan na natin magmadali." Sigaw ng lalaki kasama niya siguro. Pumikit siya ng mariin at inis na tumingin sa lalaking tumawag sa kanya. Sir? Bakit kaya siya tinawag na sir? "Give me a minute!" Anito. Tumingin ulit siya sa akin at nawala ang inis sa kanyang mukha. "Can I get your number?" Napakurap-kurap ako at umuwang labi. Bakit niya gustong malaman ang number ko? Teka wala naman akong cellphone. Ano ang ibibigay ko sa kanya. "Wala akong cellphone." Sambit ko. "Then, Can I see you again?." Umiling ako at umatras ng kaunti. Napansin niya iyon kaya kumunot ang noo niya. "Bakit naman? Ano ang kailangan mo?." Tanong ko. "Nothing. I just want to see you again." He said. Hindi ako halos makalunok at makahinga. Bakit niya ako kailangan makita ulit? Para saan? At anong dahilan niya? "Kailangan ko ng umalis. Don't surprise if you see me again." Sambit niya bago umalis. Sumakay siya magarang sasakyan, pinanood ko ang pag-alis niya. Bago pa ito mawala sa mata ko ay binaba niya pa ang salamin para tignan ako. Nang mawala na sila sa paningin ko ay hindi pa rin ako makaalis sa kinatatayuan ko. Sinampal sampal ko pa ang sarili ko na baka hindi iyon totoo. Buong umaga at tanghali ay hindi mawala sa isip ko ang nangyaring iyon. Hindi pa rin ako makapaniwala na pumunta talaga siya dito at isinauli ang sira kong sandals. Aaminin ko ay hindi siya nawala sa isip ko matapos ang gabing iyon. Kaya hindi talaga ako makapaniwala na makita siya ulit. Wait! Kung ganun ay hinahanap niya kung saan ako nakatira? At nung gabing iyon ay itinabi niya talaga tong sira kong sandals? Nakakahiya! Nakakahiya na itinabi niya pa ang sirang sandals ko na ito. Tinitigan ko ang sandals ko sa sobrang nakakahiyang pangyayari. For some reason, imbis na itapon ko itong sandals ay itinago ko na lang ito ulit. Hapon na ng bumaba ako sa sala. Nakapaligo na ako at oras na para dalhin na ng meryenda sina Hannah at Chloe. Nang makababa ako ay naabutan ko si Tenorio na nakaupo sa sala. Bigla siyang tumayo ng makita ako pababa. Ngumiti ako sa kanya at diretso na sana sa kusina ng bigla niya akong tawagin. "Gabriella!" Huminto ako at lumapit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit mas comfortable akong kausapin siya at lapita. Kumpara sa mga ibang lalaki. Siguro ay dahil mas matagal ko na siyang kakilala. "Gusto sana kitang ayain sa plaza." Aniya. Ngumuso ako at nalungkot. Hindi ako pwedeng umalis dahil may gagawin pa dito sa bahay. At tsaka magagalit nanaman sa akin ang kambal dahil kay Tenorio. "Hindi ako pwede. Pasensya na." Sambit ko sa malungkot na boses. "Wala naman sila Hannah at Chloe, kaya hindi mo na kailangan ihanda sila ng meryenda. Tsaka bakit mo ba ginagawa iyon?." Aniya. Tumawa ako ng konti. Sabagay dahil mayaman siya ay hindi niya alam kung paano magkawang gawa sa bahay. "Gabriella sumama kana sa kanya. At makapamasyal ka sa plaza. Kami na ang bahala dito, hija!" Singit ni Nana aida. "Thank You po Nana!" Sambit ni Tenorio. Malaki ang ngisi ni Tenorio. Ilang beses kong sinabi na hindi ako sasama dahil maraming gawain sa mansyon. Kaya nga lang pinilit ako ni Nana na sumama kay Tenorio. "Sige na hija! Huwag kang mag-alala sa mga gawaing bahay at ayos lang na sumama ka kay Tenorio. Para maka pamasyal ka rin." Ani ni Nana. Wala na akong nagawa pa ay sumama ako kay Tenorio. Habang naglalakad kami sa plaza ay hindi naman ako nag-sisi na sumama sa kanya. Napakaraming tao na namamasyal at mag babarkada na magkakasama. "Ano naman ang gagawin natin?." Tanong ko. Tumingin siya sa akin at sumilay ang ngiti. "Marami! Katulad ng kakain. Maglalaro at mamimili ng kung anong gusto mo." Sambit niya. "Sige may dala naman akong kaonting pera. Kaya mag dadagdag ako sa gagastusin natin." Kaagad siyang umiling sa sinabi ko. "Huwag na Gabriella. Ako ang nag-aya sayo kaya dapat ako ang gagastos." Ngumuso ako at marahang tumango. Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya. "Andrei! Si Gabriella." Sabay kaming tumigil ni Tenorio ng marinig ko ang pangalan ko. Nang matanaw ko kung sino ang tumawag sa akin ay ang mga barkada ni Andrei na palagi kong nakikita sa school. Ngumiti ako at kumaway sila. Kaagad ng sigawan ang mga kaibigan ni Andrei sabay hampas sa balikat niya. Walang reaksyon si Andrei. Umiwas lang siya ng tingin. At parang nahihiya. "Ikaw kasi ang bagal mo. Naunahan ka tuloy!" Sabi ng mga kaibigan niya. "Who are they?." Tanong ni Tenorio sa gilid ko. "Uhm.. Si andrei at ang mga kaibigan niya." Sagot ko. Tumaas ang isang kilay niya at seryosong tumingin sa akin. Nagsimula akon'g maglakad kaya naglakad siya ulit. "They're your classmates?." He asked me again. Umiling ako at ngumiti. "Ah! Hindi ibang section sila." Tumango siya at nag-iwas ng tingin. Nang makarating kami sa isang kainan ay namangha ako dahil mukhang mamahalin ang mga pagkain dito. Ang pagkakaalam ko kase ay mahal talaga dito dahil madalas naririnig ko sa mga kaklase ko na dito sila kumakain ng mga pamilya nila. "T-Tenorio... Mukhang mahal dito no?! Sa iba na lang t-tayo kumain." Sambit ko. Natigilan siya at ngumiti sa sinabi ko. "You don't have to worry, gusto kong dito tayo kumain dalawa." Ngumisi siya. Marahan akong tumango at hindi na pinilit na sa iba kami kumain. Nang dumating na ang pagkain ay natakam at hindi mapigil ang purihin ang mga pagkain na natikman ko. Natatawa lang sa akin si Tenorio, mukhang wala naman siyang masasabi dahil palagi naman niya sigurong natitikman iyon. "This dress very suite you." Ani ni Tenorio ng mag-ikot na kami sa plaza. "Naku! Hindi yan bagay sa akin... Tsaka mukhang mahal." Sagot ko. Umiling siya sa sinabi. "If you don't wear any expensive dress. You like princess in the castle." Namilog ang mga mata ko at gulat na tumingin sa kanya. Bata pa lang ako pangarap ko ng maging isang prinsesa pero hindi naman ganun ang buhay na mayroon ako. Isang alipin ng mga prinsesa. Parang si Cinderella na walang ginawa kundi maglinis at magpaka alipin sa kanyang mga step sisters. "Ang gwapo talaga ni Henry!" Tili ng mga babae sa gilid namin. "Oo nga eh! Ang gwapo niya talaga! Mukhang mananalo na naman ang tatay niya." Ang lakas ng tili ng mga babae kaya hindi ko sinasadya na marinig ang mga pinag-uusapan nila. Nang matapos bilhin ni Tenorio ang dress ay naglalakad lakad ulit kami. Medyo maraming tao dito sa plaza kaya medyo maingay at magulo. "Bakit parang ang daming tao ngayon?" Tanong ko. "Malapit na kase ang Eleksyon, kaya may nangangampanya." Sagot ni Tenorio. Naupo kami sa mga bleachers habang umiinom ng binili niyang Milk tea. Masaya ako ngayong araw dahil bihira lang ako makalabas ng ganito. Sana nga lang hindi ako mapagalitan pag-uwi. Nang tingnan ko si Tenorio para magpasalamat para sa pagsama niya sa akin ay nahuli ko siyang nakatitig sa akin. "Thank you for coming with me today." He said. Dapat ako ang magpasalamat sa kanya dahil sinama niya ako. Ngumiti ako sa kanya at tumawa ng kaunti. "Ako dapat ang magpasalamat sayo dahil sinama mo ako." "I want to thank you with you. I feel you date with me." He said gently. Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Nag-iwas siya ng tingin at uminom na lang habang nakatingin ako sa kanya. Gusto kong itanong sa kanya kung ano ang ibig-sabihin niya pero kaagad akong nahiya. Gusto ko si Tenorio. Gusto ko siyang maging kaibigan. Siya ang unang lalaking nakausap ko at kinausap ako bilang isang normal na kabataan. Katulad nila Andrei at ang mga kaibigan niya ay napapansin ako bilang isang normal na kabataan. Kaya kahit ganun ay natutuwa na ako. At ni Mikael! Hindi ko man siya kilala ng lubusan kinausap niya ako hinanap para lang isauli ang sira kong sandals. "Ang gwapo ni Henry! Buti na lang ay pumayag siya na mag picture kami!" Hagikgikan ng mga babaeng naupo malapit sa amin. Sino ba si Henry? Kanina ko pa naririnig ang pangalan niya. Kasing gwapo niya kaya si Tenorio? Or andrei at mga kaibigan nito? Or baka mas gwapo pa sa kanya si Mikael?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD