Chapter 4 Dark

1551 Words
Magsisimula nang dumilim pero hanggang ngayon, nag-iikot parin kami ni Tenorio. Ang dami naming ginawa ngayong araw. Andami rin niyang binili, karamihan ay para sa akin. "Marco Fernandez for Mayor..." Sabi ng mga taong namimigay ng Flyers sa plaza. Sobrang daming tao, at mga taong nagbibigay ng flyers. Kanina ko parin naririnig ang pangalan na Marco Fernandez for Mayor. At mga ilang pangalan na hindi ako pamilyar. "Doon tayo andon si Henry!" Sambit ng mga babae. Kanina ko parin naririnig ang pangalan na Henry. Na curious tuloy ako kung ano ba ang itsura niya? "Tenorio doon naman tayo pumunta." Sambit ko kay Tenorio at turo sa mga direksyon ng mga babae na pupunta kay Henry. Gusto kong makita si Henry, hindi dahil gusto ko rin magpa picture sa kanya. Gusto ko lang makumpara kung ano ba ang itsura niya. Kung totoo bang gwapo siya. Halos puro babae ang makikita sa buong paligid at pangalan ni Henry ang naririnig kong pinag-uusapan nila. "Gabriella it's so much people here." Ani ni Tenorio sa gilid ko. "Ah! May titignan lang ako saglit lang." Sabi ko sabay tingkayad kung sino ba yung lalaking pinagkakaguluhan nila. "Who?." Tanong ni Tenorio. "S-Si—" "Henry! Henry!" Sigaw ng mga babae. Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang magkagulo at nabunggo ako ng mga babae. Natanggay ako at hindi ko nadala ang sarili ko sa sobrang daming taong nag-gitgitan. "Gabriella!" Narinig ko ang boses ni Tenorio. Pero nawala siya sa paningin ko ng biglang nagkagulo ang mga tao. Nasiksik ako at naipit sa gitna ng mga tao. Halos hindi ako makahinga sa sobra init at sikip. Hindi ko alam kung paano ako makakalabas. Pumikit ako ng mariin. Pawis na pawis ako at hinahabol ko ang aking hininga. Naiiyak na ako sa sobrang ipit ko. Naramdaman kong may humawak sa aking kamay dahil doon ay napadilat ako. Nakahinga ako ng maluwag ng hilahin niya ako at makawala sa maraming tao. Maraming mga lalaking tauhan ang nag-ayos ng siksikan ng mga tao. Kaya natigil ang kaguluhan. Nahimasmasan na ako nang makawala. Tumingala ako at magpapasalamat sana kay Tenorio, kaya nga lang nalaglag ang panga ko at namilog ang mga mata ko ng hindi si Tenorio ang nakita ko. Mikael?! Yung lalaking nagsauli ng sira kong sandals. Yung lalaking kasama ko nung gabi ng kasiyahan. Bakit siya nandito?! "Are you okay?" He asked me worriedly. Sa sobrang gulat ko ay hindi ako makapagsalita. "Nasaktan ka ba kanina?" Tanong niya ulit. Hindi ulit makasagot. Gulat na gulat parin ako! Nang mapansin niya na hindi talaga ako sumasagot. Kukunin niya sana ang braso ko pero nakaatras kagad ako. Kumunot ang noo niya at litong tumingin sa akin. "O-Okay lang ako. S-Salamat..." "Pasensya ka na. Sobrang daming tao." aniya. Tumango ako at tumingin sa paligid. Halos ilang minuto na lang at nagdidilim na kailangan ko ng makauwi ng bahay at maabutan pa ako nila Tita dolores na wala sa mansyon. Mapapagalitan ako at baka madamay pa sila Nana, at ang ibang mga katulong. "Aalis na ako..." Sabi ko sabay hakbang palayo sa kanya. Pero mabilis niyang hinawakan ang braso ko. "Ihahatid kita." Mabilis akong umiling. "Huwag na! May kasama ako. Baka hinahanap na niya ako ngayon. Nagkahiwalay kami kanina." Paliwanag ko. May sasabihin pa sana siya ngunit mabilis kong binawi ang braso ko at agad akon'g tumalikod. Tumakbo at hinanap si Tenorio sa dagat ng tao. "Gabriella!" Narinig ko ang boses niya ang sinisigaw pangalan ko. Sinundan ko ang tinig niya. Nang makita ko siyang nakatilikod at sinigaw ang pangalan ko ay kaagad akong tumakbo palapit sa kanya. Mukhang napag-alala ko siya ng usto. "Tenorio!" Tawag ko. Nang marinig niya ako ay mabilis siyang humarap sa akin. Nang magtama ang mga mata namin ay nakitaan ko siya ng kaginhawaan at takot. Mabilis siyang yumakap sa akin ng mahigpit. Nagulat ako sa ginawa niya. Kaya natigil ako sa paghinga. Nang tumingin siya sa akin ay gulat parin ako sa ginawa niya! "I'm scared! I thought I lose you..." Nanginginig niyang sambit. "Sorry Tenorio! Sorry..." Paulit-ulit kong sinabi dahil sobra akong na guilty na nag-alala siya. Marahan siyang tumango at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. "Don't be sorry. Let's go home now... Maraming tao dito. Ayaw kong masaktan ka." Aniya. Nagmadali kaming umuwi ni Tenorio, kaya ng makarating kami sa mansyon ay kakauwi lang din ni Tita dolores at ng kambal. Matapos kon'g magpasalamat kay Tenorio ay dumiretso kaagad ako ng kusina para tumulong mag-ayos ng hapunan. "Ayos lang yan Gabriella. Hindi naman nila nahalata na wala ka kanina dito." Ani ni ate mella. Tumango ako at ngumiti. Nang matapos mag hapunan sila Tita dolores at ang kambal, tumulong din ako sa pagliligpit ng mga pinggan. Matapos ay dumiretso kaagad ako kay Nana para magpasalamat. "Salamat Nana..." Sambit ko sabay yakap kay Nana aida ng mahigpit. "Ayos lang iyon hija." Haplos niya sa aking ulo."Gusto ko lamang ay maging masaya ka at makapamasyal din kahit paminsan-minsan." Malaki ang ngiti ko dahil kay Nana. Ang dami niyang naitulong sa akin. Siya na ang tumatayong magulang ko rito sa mansyon. Kung wala siya ay hindi ko alam ang gagawin ko. "Huwag ka nang mag-alala sa mga gawain kanina. Kami na ang bahala doon at parang isang araw lang. Batang to!" Marahan akong tumango at lalong hinigpitan ang yakap kay Nana. "Oh siya! ayusin mo na lang ang basura at ilagay mo sa labas may mga basura doon at kukunin yun bukas ng umaga." "Sige po!" Kaagad kong sinunod ang utos ni Nana. Inayos ko agad ang basurahan sa trash bags. Pagkatapos ay dinala ko sa labas ng mansyon at inayos ang pagtapon nito sa trash can. Pinag Pagpag ko agad ang aking kamay at ang aking saya. Maliligo na lang ako mamayang gabi bago matulog. Gusto ko tumulong kila Nana ngayong gabi dahil ang dami kong naiwan na trabaho kanina. "Hi, Princess Gabriella!" Napatalon ako sa gulat sa bigla may isang malalim na tinig ang tumawag sa akin. Namilog ang mata ko ng makita nanaman si Mikael. "I said to you earlier that you don't surprise if you see me again." Sabay kindat niya sa akin. Lumunok ako at umatras ng kaunti. Nakita niya akong nagtapon ng basura? Kailanman hindi ako nahiya ng ganito kung may taong nalaman na katulong ako sa mansyon. Kahit si Tenorio pag nakikita akong gumagawa ng gawaing bahay sa mansyon ay hindi ako nahihiya. Ngayon pa lang! "What are you doing, Princess?" He asked playfully. "I'm not a princess." Giit ko. "You are!" Kunot ang noo ko dahil hindi siya maintindihan. May prinsesa bang nagtatapon ng basura? Kung alam niya lang ang ginagawa ko sa mansyon. Matatawag niya pa kaya akong Princess? "Anong ginagawa mo dito?." Tanong ko para maiwasan ang sinabi niya. "Gusto kita makita. Sobrang din akong nag-aalala sayo kanina." Dahil doon ay pumunta pa siya dito?! "Ayos lang ako. Nakita ko naman agad si Tenorio kanina kaya umuwi na kami kaagad at hinatid niya ako." "Are you dating with him?." Kung kanina ay mapaglaro ang boses niya. Ngayon ay nagbago! Lumalalim at naging seryoso. "H-Huh?! Hindi magkai...bigan lang kami." Nauutal kong sagot. Nanatili akong nakatingin sa kanya. Kinuyom ko ang aking braso dahil sa tensyon ng kanyang magagandang mata. Sa dilim kasabay niyang nagkikislapan ang mga bituin. Ilang saglit pa akong tumitig sa kanya. Nang mapansin ko ang aking sarili ay umiwas agad ako. "Bakit ka nga pala nasa plaza?." Kuryoso kong tanong. Tinikop niya ang kanyang bibig at nag-iwas ng tingin. "Wala nagtatrabaho lang kaya... Andon ako namimigay ng flyers." "Ah!" Tumango ako. Kaya pala! Ang dami nga nagbibigay ng flyers kanina. Siguro ay isa siya doon. Kaya rin pala nagmamadali ang kasama niya kaninang umaga dahil may trabaho pa sila. "What are you concerned about?" "U-Um... Wala l-lang tinatanong ko lang." Hindi ko alam kung parang guilty ako sa tanong niya. Malaki ang ngisi at nakakalokang tumingin sa akin. Lumunok ako at nagsimula ng maglakad. Para makapasok na ako sa mansyon. Baka hinahanap na ako ni Nana. Marami pa akong gagawin. Namilog ang mata niya ng nakita akong palakad. Hinigit niya agad ang kamay ko kaya mabilis kong iniwas. Kunot ang noo at seryosong nakatingin sa akin. Tila gulat at lito. "Do you feel like I'm still a stranger to you?." Tanong niya. Nagulat ako sa tanong niya. Hindi iyon ang intensyon ko. At hindi iyon ang dahilan ko. Oo ilang beses pa lang kami nagkita. Pero ramdam ko na mabuti siyang tao. Kaya ko lang naman iniwas ang kamay ko. Dahil baka amoy basura. Nakakahiya aminin pero iyon ang totoo. Umiling ako sa sinabi niya. Nawala pag kunot ng noo niya. "Then why? Nandi...diri ka sakin?" Dahan-dahan niyang tanong. Nanlaki ang mga mata ko. Dapat ako ang magsabi niya. Hindi siya. "Please let me touch your hand." Mas lalo akon'g umiling. Amoy basura ang kamay ko. Pano to?! "Ayoko!" "Why?" Mas lalo kong tinago ang kamay ko. Kunot-noo na naman siyang nakatingin sa akin. "N-nagtapon ako ng basura... M-madumi ang kamay ko." Hiyang-hiya kong sinabi. Akala ko ay lalayo siya sa sinabi ko. Pero mas nakitaan ko ng kaginhawaan ang kanyang mga mata. Mas lalo niyang inabot ang aking kamay at hinakawan. HENRY'S POEM "Ikaw ang nag mimistulang liwanag sa dilim. At ang mainit mong mga kamay ang yumakap sa akin." —Henry Mikael Fernandez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD