Agad siya natigilan ng ilang hakbang na lang bago niya marating ang opisina niya ng maamoy niya ang pamilyar na amoy na yun. Si mate! Easy,wolf..excited lang? As if naman ako lang ang excited..Iisa lang tayo noh. Napangisi siya sa sinabi nito. Nadatnan niyang panay ang ngiti ng Assistant niyang si Nurse Ella habang kausap nito ang lalaki. Mukhang kakarating lang nito. "Doktora!" agad na pagtawag sa kanya ni Ella. Agad na napalingon sa kanya ang lalaki. Nginitian niya ito at may mahiyain ngiti ito tinugon sa kanya. Gwapo na nga ito nagagawa pa nito maging cute. Wow. Dapat lang noh,dapat bagay satin kagandahan ang lalaking itinakda satin! "Hi," bati niya rito. "Ahm,Hi..ahm,pasensya na napadaan lang ako.." anito. Tumango siya. "Sa opisina tayo mag-usap..Ella,pwede bang ikuha mo n

