Hindi siya makatulog. Paulit-ulit na nagrireplay sa isip niya ang pag-uusap nila ni Sana'a. Napapabuga siya ng hangin kapag naaalala niya ang pinagsasabi niya kanina. Damn,s**t! Pakiramdam niya parang siyang teenager kanina. Marahas siya napabuga ng hangin. Nakatitig siya sa kisame ng silid niya at tanging liwanag lang ng buwan ang panglaw niya mula sa nakabukas niyang bintana. Tulog na kaya siya? Sana kinuha niya ang number nito para mapag-usapan nila ang araw na gusto siya nito mapanuod na magskate board. Hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya. Sana hindi siya mapahiya rito. Kinabukasan,maaga siyang nagtungo sa shop niya para magpractice ng Skate Board. Hindi man ganun kalawak ang area ng silid na iyun sapat na yun para matuto ang gusto matuto ng skate bo

