Napangiti siya ng madatnan ang lalaki na nakasandal sa kotse nito habang hinihintay ang Mama nito. Nasa loob pa ang mama nito at ang magulang niya dahil pinaunlakan ng ginang ang Mama niya na hintayin nito ang Tita Gabbie niya at ang Tito Kian niya. Walang ingay na lumapit siya sa nakatalikod na lalaki. "Naiinip ka na ba?" untag niya rito. Marahas ito napalingon sa kanya at mukhang nagulat ito sa kanya."Ikaw pala,"anito. Napangiti siya. "Nagulat ba kita?" "Uh,hindi naman masyado..hindi ko lang naramdaman ang pagdating mo,"tugon nito na halatang nagulat sa biglaan paglapit niya rito. Dinig na dinig niya galabog ng dibdib nito. Tumango siya at sumandal sa kotse nito. Halos magtama ang mga braso nila at wala siyang balak na lumayo siya dito. Ito ang mate niya gusto niya mapalapit rito.

