Hindi siya makakain ng maayos iyun ay dahil namamangha pa rin siya sa mga kasama niya sa mesa. Hindi siya makapaniwala na kasalo niya sa isang hapunan ang mga magulang ng Doktora. Napakaganda at mukhang anghel ni Mrs.Dornan. Alam na niya kung saan namana ng doktora ang angkin nitong kagandahan. Kung anong puno siya ang bunga. Nakakamanghang mga babae. Sa kabila ng paghanga niya sa dalawang babae nababagabag siya sa presensya ni Mr.Dornan. Hindi niya naisip na ang kilalang businessman na si Dave Dornan ang ama ng doktora. Damn! Kahit pareho sila ng mundong ginagalawan nakikini-kinita niya na kaya siya nitong durugin gamit lamang ng daliri nito. Sobrang nakakaintimidate ng presensya nito. Ngayon lamang siya kinabahan ng ganito. "Ano naman ang kinaaabalahan mo ngayon,hijo?" pukaw sa kan

