THREE

466 Words
Gusto niya uminom ng kape kaya naisipan niya na iwan muna saglit ang natutulog pa din na Tita Miriam niya at ayon naman sa Mama niya bukas pa magigising ito dahil sa mga sinaksak na gamot rito bago operahan. May nakita siya kaninang Coffeeshop na katabi lang din ng hospital. Sinisipat niya ang paligid ng hospital at masasabi niyang maganda ang pasilidad ng hospital. Ang pagkakaalam niya bukas din ang serbisyo sa hospital na ito sa mga kapus-palad. Naririnig lang niya yun mula sa mga kakilala niya na nababalian ng buto sa pag-iiskate board at dito nagpapagamot. Tinulak niya pabukas ang salamin na pintuan para makapasok sa coffeeshop. Kaunti lang ang tao marahil hatinggabi na rin naman at nakakatuwa na 24hours din ang operasyon ng nasabing shop. Lumapit siya sa counter para umorder at isang lalaking barista ang bumati sa kanya. "Goodevening,Sir! Ano po Coffee niyo?" anito. "Caffe Americano,please.." tugon niya. "Okay,sir..saglit lang po," anito. Tumango siya at habang naghihintay dinukot niya ang celpon sa bulsa ng pantalon niya. Maraming messages mula kay Ed. Napailing siya puro kalokohan lang naman ang tinext nito sa kanya. "Naubusan na ko ng Rose Tea,Mama,kaya kape na muna iinumin ko," aniya sa kanyang Mama sa kabilang linya habang papasok siya sa coffeeshop na katabi lang ng hospital nila. "Don't worry,Ma..hindi naman po matapang na kape ang iinumin ko,promise! Hindi ko naman po bet ang kape na sobrang tapang!"aniya. Agad na tumingala siya para mamili ng kape na sa tingin niya hindi matapang. Hindi sya pamilyar sa pangalan ng mga kape kaya medyo clueless siya kung ano kape oorderin niya. "Uh,Ma..clueless nga pala ako sa pagdating sa mga kape.." aniya habang nasa kabilang tainga pa rin niya ang celpon. "No,Ma..huwag na po bukas na lang po,pahinga na kayo..magtatanong na lang ako na kapeng hindi matapang,Opo! I love you,Ma.."paalam na niya sa ina. Muli siyang tumingala sa menu board kung saan may iba't-ibang klase ng pangalan ng kape ang naroroon. " Good evening ,Doktora,ito po ang unang beses na oorder po kayo dito,"pagbati sa kanya ng lalaking barista. Nasa anyo nito ang pagkamangha sa kanya. "Good evening,"pormal niyang saad. "Bigyan mo nga ko ng kape na hinding matapang.." aniya. "May tatlong klase po kami ng kape na hindi matapang,Doktora..Vanilla Coffee,Mocha Coffee and Sweet Coffee.." anito na tila nagpapacute pa sa kanya. Tumango-tango siya. "Yung Sweet Coffee na lang,please," aniya. "Okay po,Doktora.." magilas na tugon nito. She sighed. Ang mga lalaki talaga. "Here's your order,Sir!" Narinig niyang sabi ng isang barista sa isang costumer na lalaki na nakatayo sa may counter dalawang dipa ang layo sa kanya. Sumulyap siya sa lalaki na nasa counter pero sakto naman na tumalikod na ito at lumabas na ng coffeeshop. Bigla kumislot ang puso niya at hindi niya alam kung bakit? Hindi naman niya nakita ang mukha nito kaya weird. Just like before..20 years ago? Anang ng inner wolf niya. Bago niya balikan ang nakaraang iyun bumalik na ang barista dala ang inorder niyang kape.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD