Pagkalabas niya ng Coffeeshop napahinto siya sa paghakbang at napalingon siya sa loob niyun. Weird. Isang babae na may mahabang buhok na nakatalikod sa kanya ang nakita niya na nakatayo sa may counter at sa tingin niya doktor ito dahil sa suot nito. Naipilig niya ang ulo.
Wala naman siya nakalimutan sa loob hawak naman niya ang celpon niya at sakto lang ang ibinayad niya kaya wala siya nakaligtaan.
Napabuga siya ng hangin. Kailangan na talaga niya uminom ng kape baka lutang na siya dahil malapit na siyang antukin.
Bago siya umuwi pinuntahan muna niya ang pasyente niyang si Mrs.Smith para i-check ang vital signs nito.
Saktong alas sais syang pumasok sa kwarto ni Mrs.Smith.
"Good morning,Ma'am," agad na bati niya sa ginang na kapatid ng pasyente niya.
"Good morning,Doktora.." magiliw nito tugon sa kanya.
Agad na natuon ang mga mata niya sa natutulog na lalaki sa pahabang sofa nakatalikod ito sa kanya.
"Anak ko,siya humalili sakin kagabi magbantay sa Tita Miriam niya,kakarating ko lang.." anang ni Mrs.Evans.
"Ganun po ba,mabuti naman po at maasahan niyo siya," saad niya.
"Naku,maaasahan talaga sa ganitong sitwasyon si Jeffrey,pangalan niya.." magiliw na tugon nito sabay sulyap sa natutulog na anak.
Nakita niya na puno ng pagmamahal ang mga mata ng ginang para sa anak.
Tapos na niya icheck ang pasyente niya. Sinuksok niya ang mga kamay sa bulsa ng doctor's robe niya.
Gusto pa niya makausap ito.
"Maswerte ang nobya niya kung ganun,"saad niya.
Kung family-oriented ito malamang maswerte nga ang magiging nobya nito dahil may pagpapahalaga ito sa pamilya.
Iyun din ang gusto niya sa isang lalaki.
Paano kung yung mate mo hindi family-oriented? Anang ng inner wolf niya.
Well,sana nga lang.
" Ako ang maswerte kasi ako pa rin ang babae niya hanggang ngayon,"bahagyang pagtawa ng ginang.
Namangha siya sa sinabi nito at napasulyap siya sa nakatalikod na lalaki. Mabilis ang t***k ng puso niya.
Pero bakit ganun? Kagabi pa niya nararamdaman yun? Sa lalaki na nakatalikod din gaya kagabi.
Weird!
"Talaga po? Maswerte nga po kayo sa kanya," nakangiti niyang saad.
"Sobra..mula ng mamatay ang Daddy niya hindi niya ko nakalimutan asikasuhin kaya hinahayaan ko siya mang-Chicks. " anito na binuntutan ng tawa ang huli sinabi ng ginang.
Bahagya din sya tumawa.
"I'm sure pipili din siya ng babae na kasingganda niyo," aniya.
Tumawa ito.
"Well,wala pa nga siya pinapakilala sakin girlfriend niya,Ewan ko ba baka ayaw lang niya ako madissappoint kaya hindi siya naggi-girlfriend at ayaw ko naman gawin niya iyun.." masuyo nitong saad.
"Ganun lamang niya kayo kamahal,Mrs.Evans.." masuyo niya sabi sa ginang.
Kumislap sa katuwaan ang kulay brown na mga mata ng ginang sa kanya.
"Gustong-gusto talaga kita,Doktora ..sana hindi lang tayo dito magkita at magkausap," anito.
"Pwede po tayo maging magkaibigan,Mrs.Evans,kayo po ang kauna-unahang magiging close friend ko," nakangiti niya saad.
Kumislap ang tuwa sa mga mata nito sa sinabi niya.
"Talaga? Naku,ikaw naman ang kauna-unahang magiging close friend ko na sobrang bata!" tuwang-tuwa nitong saad.
Mapanabay na natawa sila ng ginang.
Hay,bakit ba gustong-gusto din niya ang ginang?