"May sakit po ba kayo?" bigla nag-alala niyang saad ng sabihin ng ina na ihatid niya ito sa hospital kung saan naadmit ang Tita Miriam niya.
Nadischarge na ang Tita M niya at nasa States na ito kasama ng mga pamilya nito para roon ng tuluyan magpagaling. Nag-stay lang kasi ang Tita M niya sa kanila dahil nga ayaw nito ipaalam sa pamilya nito ang tungkol sa karamdaman nito at mabuti na lamang naging maayos na ito ngayon.
Natuon ang mga mata niya sa spice pork adobo na nilalagay nito sa isang transparent na tupperware.
"Wala akong sakit,anak..ibibigay ko lang ito sa kaibigan ko," magiliw na turan ng ina.
Napatitig siya sa kanya mama. Bakas sa mukha ng ina ang kagiliwan nito sa sinasabi nitong kaibigan.
"Naka-admit po ba dun?" muli niyang usisa habang hinihigop ang kape niya.
"No,Yung doktor ng Tita M mo," nakangiti nitong saad.
Tumango-tango siya.
"Alam mo bang napakaganda ng doktorang iyun? Sana'a ang pangalan niya at magkaedad lang kayo,anak.." may himig na kung ano sa huling sinabi nito.
Napailing siya. "Nirereto niyo ba siya sakin?" hinuha niya.
Tumawa ito.
"Baka sakali lang,I like her so much..napakagaan ng loob ko sa kanya..and she's so very angelic face,mukha siyang anghel!"
Natigilan siya sa huling sinabi ng ina.
Angelic Face?
Bigla bumalik ang alaala noong twenty years ago.
Ang batang babae na may malaanghel na mukha. His guardian Angel. His first love.
"Magpapalit lang ako ng damit then alis na tayo,okay?"
"Okay," aniya.
Ngayon lang niya nakita na masaya ang Mama niya sa isang kaibigan na kaedad lang niya. Ang mama niya bumabagets feel.
Masaya siya na masaya ang mama niya.
Dapat pasalamatan niya ang doktor na yun.
Sana'a..hmm,magandang pangalan..maganda nga daw ito parang anghel.
Bigla may kung ano binuhay na kuryuso sa kalooban niya na makilala ang Sana'a iyun.
Pero syempre ang first love pa rin niya ang gugustuhin niyang makitang muli.
He sighed. Kailan kaya sila ulit magkikita ng Angel niya? Mangyayari pa kaya yun?
May tuwa siya nararamdaman habang hinihintay niya ang pagdating ni Tita Melissa. Yes,hindi na Mrs.Evans ang tawag niya rito kundi Tita niya. May friendship na sila nabuo kaya naman natutuwa siya na may makilalang isang kaibigan sa katauhan ng ginang.
Agad na inihanda niya ang isang matamis na ngiti sa mga labi niya ng may kumatok at bumukas iyun at sumilay ang ginang.
"Good morning,Tita Melissa!" pagbati niya rito.
Hinalikan niya ito sa pisngi.
"Good morning din..heto may specialty spice pork adobo!" anito sa bitbit nitong paper bag.
"Wow! Thank you,Tita..mukhang naiispoiled niyo na ko ha,last time pinag-bake niyo ko ng Cake ngayon naman masarap na adobo," natutuwa niyang saad.
"Naku,maliit na bagay lang yun,masaya ako na may pinagluluto ako at pinagbi-bake maliban kay Jeff," anito.
"Kasama ko nga pala siya,ahm,gusto kita ipakilala sa kanya,okay lang ba?"
"Sure,kayo pa ba?!"aniya.
Tumatawa na binuksan nito ang pintuan at tinawag ang pangalan ng anak nito habang nilalagay niya sa may dining area niya sa opisina ang paperbag.
Agad na bumaling sya ng marinig ng sumara ang pintuan.
Agad na nagtama ang mga mata nila ng lalaki na kasama ni Tita Melissa.
Isang pamilyar na pares ng mga mata. Ang kulay brown nitong mga mata na nagpabalik sa kanya sa nakaraan. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga mata nito na noon ay tulala na nakatitig sa kanya.
Ang batang lalaki na niligtas niya noon!
Ang pagtibok ng puso niya noon habang magkatitig sila nito noon ay nararamdaman niya muli ngayon na magkatitig sila ng binata.
Our mate!