SIX

514 Words
s**t! Tama ang Mama niya maganda at mukhang anghel nga ang doktor. Nakatitig siya sa kulay tsokolate nitong mga mata. Tila may kung ano pamilyaridad siya nakikita sa doktora. Her angelic face and her eyes. "Jeffrey,please,meet Dra.Sana'a Dornan..Doktora,my son,Jeffrey," pagpapakilala sa kanila ng mama niya. Tumikhim siya kasi bigla siya napahiya sa sarili alam niyang nakita nito ang pagkatulala niya rito. Nilahad niya ang kamay para makipagkamay rito. "It's nice to meet you,Doktora," saad niya. Inabot naman nito iyun at agad na rumihistro sa ugat niya ang pamilyar na sensasyon iyun. Noong inabot niya ang panyo aa batang babae. Mainit ang balat nito gaya ng balat ng doktora na kadaupan palad niya. Shit! Pati ang mabilis na t***k ng puso niya pamilyar sa kanya! Napangiti ito at bumaba ang tingin sa kamay nila na magkahawak pa rin o tamang sabihin na hawak pa rin niya. Bigla siyang napahiya kaya agad na binitawan niya ang malambot at mainit nitong kamay. Bigla siya nanginig kasi pamilyar talaga sa kanya ang lahat rito. "Kinagagalak din kita makilala,Mr.Evans..lagi ka binibida sakin ni Tita Melissa,she's so proud of you," anito. Napasulyap siya sa kanyang ina na may kakaibang kislap sa mga mata nito. Damn! Naikuyom niya ang mga palad. Pilit siyang ngumiti rito. "Mas proud ako na naging Mama ko siya," aniya. Muli siyang natulala sa ngiti nito. Ang ngiti na tila nagbibigay ng liwanag sa gitna ng kadiliman. Oh s**t! Ito ang pangalawang pagkakataon na natulala siya sa isang babae at pareho pang mukhang anghel! Hindi kaya...hindi kaya siya--hindi,imposible! Twenty years ago na mula ng magkita sila ng Angel niya at ni pangalan nito hindi niya alam. Ayaw niya mapahiya kung ito ang iisipin niyang ang batang babae noon. Maraming magkakahawig sa mundo kaya malamang hindi lang ang guardian Angel niya ang may ganun malaanghel na mukha. Ipinilig niya ang ulo. Relax,Jeffrey..walang kasiguruduhan na siya nga yun? Stop imagining that beautiful doctor is your guardian angel! Hindi makapaniwala na napatitig na lamang sa nakasaradong pintuan si Sana'a. Kanina pa umalis ang mag-ina at naiwan siyang tulala. Kaya pala..kaya pala ng makita niya ito natutulog sa silid noon ng pasyente niyang si Mrs. Smith kahit nakatalikod ito pamilyar na ito sa kanya at alam niyang ito din ang lalaki nakita niya sa coffee shop. Iisa lamang ang sinasabi ng t***k ng puso niya. Si Jeffrey ang batang lalaki na pilit na binabalanse ang sarili sa skate board at ang muntik ng masagasaan noon ay muli silang pinagtagpo  ng tadhana! Noong bata siya hindi pa siya aware tungkol sa mate pero nang tumuntong siya sa edad na labingwalong taon gulang saka lang sinabi ng Mama Amelia niya ang tungkol sa Mate na yun. Marami na ang nanliligaw sa kanya noon pero wala man lang siyang nararamdaman paghanga sa mga ito ay iyun pala dahil sa iisang lalaki lamang siya hahanga at iibig. Sa kanyang mate,ang lalaking itinakda sa kanya. Noon niyang natanto na natagpuan na niya ang mate niya noon pa lang at ngayon nga ay nagtagpo muli sila makalipas ang dalawang dekada. Hinila niya ang isang drawer sa gilid ng desk niya at kinuha niya ang kulay puting panyo na may nakaburdang letter J. Napangiti siya. J initial name sa pangalan nitong Jeffrey. Mate niya ang nagmamay-ari ng panyong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD