"Anong nangyayari sayo? Kaninang umaga ka pa tulala ah?" sita sa kanya ni Ed.
Kasulukuyan sila nasa isang kilalang bar. Magkatabi sila nito sa may counter.
He sighed. Tinungga niya ang alak na nasa kopita niya saka niya sinulyapan ang kaibigan na may kunot sa nuo.
"Wala naman.." aniya.
Napalatak ito. "Huwag ako,bro! Kilala kita..kaya huwag mo ng ilihim yan sakin,ano ba yun?"
Nagpasalin siya muli ng alak sa bartender.
Mataman niyang pinakatitigan ang kulay puti na alak sa kopita niya. Marahas siyang bumuga ng hangin.
Mula ng magkita sila ng doktorang iyun kaninang umaga hindi na ito naalis sa isip niya. Gusto niya paniwalaan na ito nga ng guardian angel niya pero paano siya kasigurado dun?
Muli niyang naramdaman ang pagkislot ng kanyang puso.
"May..may naalala lang ako isang bagay twenty years ago,"maya-maya saad niya.
Agad naman nakinig sa kanya si Ed.
" Naalala mo yung kinuwento ko sayo na muntik na kong masagasaan noong sinusubukan kong aralin sumakay sa skate board?"sulyap niya rito.
"Oo naman..at nagkakilala tayo dahil sa skate board nun..So,anong naalala mo roon?" anito.
"May iba ka pa bang hindi nasasabi sakin maliban dun?"
Tumango siya.
"Yes," aniya.
Napaharap ito sa kanya ng upo. Nakuha niyun ang atensyon nito.
"Talaga? Gaya ng ano? Na may kiniss ka na ng bata ka pa?"
Tinulak niya ang balikat nito sa kalokohan sinabi sa kanya. Natawa naman ito.
"I'm just kidding! Masyado ka kasing seryoso dyan sa nakaraan mo," natatawa nitong saad.
Tinungga niya muli ang alak sa kopita niya. Marahas siyang bumuga ng hangin at sumandal sa sandalan ng upuan.
"May batang babae na nagligtas sakin nun kung hindi sa kanya malamang wala ako sa harapan mo ngayon," pagsisimula na niya.
"Mabilis niya ako hinagip mula sa paparating na kotse at pareho kami natumba sa may damuhan..nasaktan siya at may sugat siya sa sika at tuhod.." patuloy niya habang sinasariwa ang eksenang iyun.
"Binigay ko agad sa kanya ang panyo ko na lagi pinapadala sakin ni Mama kapag lumalabas ako ng bahay..at itinali niya iyun sa tuhod niya na may gasgas.." aniya na may ngiti sa labi.
"Alam mo ba,bro..napakaganda niya..sobrang ganda,iisipin ko nga na namatay na ko ng mga oras na iyun kasi nga inakala ko na anghel siya.." mangha niyang usal.
"Mukha siyang anghel,bro..nakakatawa man isipin pero natulala talaga ako sa kanya habang nakatingin sa malaanghel niyang mukha," aniya.
He sighed. "Mula noon tumatak na sa isip ko na guardian angel ko siya..at hanggang ngayon iniisip ko na baka nga isa lang siyang anghel na niligtas ako..pero mas pinaniniwalaan ko na totoong tao siya na mukhang anghel,"usal pa niya.
"Sabihin mo nga.."maya-maya untag nito sa kanya. Napasulyap siya rito. May bakas na pagdududa sa anyo nito.
"Kaya ba hindi ka naggi-girlfriend dahil dyan sa batang babae na guardian angel mo? Nabubuhay ka pa din sa nakaraan niyo?" maang nitong saad.
Bahagya siyang natawa. Hindi niya ikakaila yun dahil totoo naman na hanggang ngayon nabubuhay pa rin sa isipan niya ang anghel na yun.
"Bro..first love ko siya," nakangiting usal niya na kinalaglag ng panga nito sa sinabi niya.