Buong maghapon siyang naging busy sa hospital. Dalawang pasyente ang inoperahan niya ng araw na iyun pero masaya siya dahil matagumpay naman ang operasyon niya sa mga ito. "Anak.." bungad ng Mama Amelia niya sa may pintuan niya. "Mama," agad na tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa likod ng desk niya at lumapit sa ina para humalik sa pisngi nito. Malambing na niyakap siya ng ina pagkaraan. "I'm so proud of you..kayo ng Kuya Jamiel mo sa pagiging successful niyo sa mga bagay na ginagawa niyo,"malambing na saad ng ina. " Thank you,Mama..swerte ko nga po dahil binuhay niyo kami ni Jamiel..galing ni Papa!"pagtawa niya sa sinabi niyang iyun. Natawa naman ang ina. "Ikaw talaga,bata ka!" natatawa saad ng ina. May ilang katok ang kumuha sa atensyon nila mag-ina sa pintuan ng opisina niya.

