Kanina pa niya napapansin ang pagiging tahimik at pagligalig ni Jeffrey. Nais sana niya ito tanungin pero nais niyang ito ang magsabi sa kanya. "Sana'a.." Nasurpresa siya ng makita ang Mama ng kasintahan at kasunod pang pumasok ay ang mga magulang niya. "Tita! Ma,pa!" gulat niya sinalubong ang mga ito. "Hindi ko po ito inaasahan!" mangha niyang saad. Nanatili siya yakap ng Papa niya. "Where's Jeffrey?" tanong ng ama niya. "Nasa likod po ng bahay," sagot niya sa ama. "Okay,puntahan ko lang sya,iwan ko muna kayo,girls.." paalam nito sa kanila. "Wow! Ang ganda dito! Tagal na rin yung huling nagpunta ako sa may dagat," mangha saad ng mama ni Jeffrey. "Magugustuhan mo dito,balae.." anang ng Mama niya. Napamaang siya sa sinabi ng Mama niya. Kinindatan siya ng ina ng makita ang reaksy

