Matyaga na hinintay niya ang kasintahan..na fiancee na niyang si Sana'a. His soon-to-be wife. Kasulukuyan nasa isang boutique sila kung saan ito magpapatahi ng wedding gown at ng soon-to-be mother-in law niya na si Tita Amelia. Ang mama naman niya ay umuwi muna sa probinsiya nila para personal na mag-inbita ng kamag-anak nila. Ang kanila mga ina ang nagplano ng bonggang kasal kaya hinayaan na lamang nila ni Sana'a ang mga ina nila ang magpasya. Ang importante sa kanila ay maikasal sila dalawa. Magarbo man o hindi. Bigla siya napangisi ng maalala ang pagpopropose niya sa kasintahan habang nanginginig ang mga daliri niya. Kapag naalala niya iyun bigla siya nahihiya sa sarili niya. Maya-maya pa sabay na lumabas ng opisina ang mga ito kung saan kinuhanan ang mga ito ng sukat. Agad na tu

