Mahigpit na yakap-yakap nila ang isa't-isa ni Jeffrey na ngayon ay kanya ng asawa. Sinasabayan nila ang malamyos na awitin habang magkayakap na sumasayaw sa gitna ng grand hall ng Dalia Hotel na pag-aari nila kung saan ginanap ang reception ng kanilang kasal. Napapalibutan sila ng mga mahal nila sa buhay na may kanya-kanya din kayakap at kausap. "Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito,my wife," usal nito maya-maya. Napangiti siya habang nakahilig sa balikat ng asawa. "Ganun din ako,mahal kong asawa.." sagot niya. "Mahal na mahal kita,Sana'a.." Dumistansya siya upang magtagpo ang kanila mga mata. Naiiyak na tumitig siya sa gwapo mukha ng asawa niya na matamis na nakangiti sa kanya. "Higit pa sa buhay ko ang pagmamahal ko sayo,Jeffrey.." usal niya rito

