“Harangan ninyo ang lahat ng airport sa buong bansa, maging ang lahat ng pantalan, pang publiko man yan O pribado. Bantayan ninyong mabuti ang lahat ng maaari nilang labasan, huwag ninyo silang hahayaan na makalabas ng bansa. Ikalat sa publiko ang larawan ng mga taong ‘yan at maglagay kayo ng pabuya para mapabilis ang paghahanap sa kanila.” Matigas kong utos sa aking mga tauhan, ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin matagpuan ang kinaroroonan ni Steffany. Nagkamali sila ng binangga dahil sigurado ako na habang tumatagal ay lalong lumiliit ang mundo na kanilang ginagalawan. Hindi magtatagal ay kusa rin silang lalabas mula sa kanilang pinagtataguan. Labis na akong nag-aalala para sa aking mag-ina at sabik na akong makita sila. Para na akong masisiraan ng bait dahil sa labis na pag-iis

