Chapter 13

2344 Words

Sa buong biyahe ay puro pagmamaktol lang ang ginawa ni Lyka habang sinusuyod nila ni Chris ang kahabaan ng EDSA. Idagdag pa ang walang katapusang traffic sa umaga.   Napapaisip tuloy siya sa libo-libong sasakyan na nasa kalsada na iyon ay may kahit sampu man lang kaya na nagmamadali para makapunta sa City Hall para i-register ang kani-kanilang nalalapit na kasal?   "Hindi ka pa rin ba kikibo dʼyan? Ano ba kasi ang inaarte mo?ˮ reklamo ni Chris pagkaraan ng ilang minuto ng pananahimik niya. Marahil ay naiinis na ito sa nakabibinging katahimikan kung kaya't kahit alam niyang hindi siya nito mapipilit ay kinakausap pa rin siya ng binata.   Ayaw niyang magsalita dahil tuwing naaalala niya ang nangyari kagabi at kaninang paggising niya ay hindi niya maiwasang mapakagat-labi sa sobrang kah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD