"What happened?" tanong ni Asher nang huminto kami sa hindi kalayuan. "Hindi ako 'yung Miller na tinutukoy mo," pahayag ko at tipid na ngumiti sa kawalan. Sa pagtakbo namin ay narating namin ang kabilang dulo, kung saan matatagpuan iyong North face area na siyang sinasabi ni Adam kanina. Mula rito ay kitang-kita ko ang magarang helipad corner. "Huh?" takang tanong ni Ash dahilan para lingunin ko ito na ngayon ay nakaharap na sa gawi ko. Bumuntong hininga ako bago sumagot, "Iyong Miller na tinutukoy mong girlfriend ni Adam ay ang kapatid ko." "Say what?" bulalas nito at nanlalaki pa ang matang pinakatitigan ako. Kahit nakararamdam ng sakit at lungkot sa puso ay hindi ko maiwasang matawa dahil sa naging reaction niya, para lang itong bata na nakakita ng multo. "Kung ganoon, ano ka ni

