Matapos iyon ay tumatawa itong kumalas at binitawan ako, saka pa ibinalik ang cellphone kong kanina pa pala niya hawak. "Kapag sa tingin mo ay nalulungkot ka, tingnan mo lang 'yan," pahayag nito dahilan para tingnan ko ang huling picture namin. At ganoon na lamang ang pagsilay ng ngiti sa labi ko, naka-pose kasi ito ng peace sign habang naka-wacky ang mukha. Samantalang ako ay parang gulat na nanlalaki ang mga mata habang sa kaniya nakatingin. Sa abala kong katititig doon ay hindi ko na napansin ang pagdating ng isang presensya. "F*ck!" sigaw na lang ni Ash sa harapan ko kung kaya ay mabilis ko itong nilingon. "Adam!" bulyaw ko nang makitang tinulak nito si Ash at walang anu-ano'y sinapak siya sa mukha. Ngunit hindi rin nagpapigil si Ash at mas malakas na sinuntok si Adam, matapos na

