Bago pa man sila matapos ay umalis na ako sa pwesto ko dahil hindi ko na alam kung ano pang mararamdaman ko, para akong lutang na naglalakad pabalik ng Rampage building. Hindi ko lang maintindihan, bakit ginagawa 'to ni Lauren? Nahihiya siya kay Mama at Mapa? Bakit, sa anong dahilan? Pero kay Adam? Hindi ba siya nahihiya? Kanina pang umaga gulung-gulo ang utak ko, kanina pa gustong sumabog ng ulo ko sa mga nangyayari. Para na akong bulkan na ano mang oras ay sasabog na. Hindi na matigil-tigil 'tong mga pangyayari. Ano pa bang susunod? Please lang, ayoko na. Gusto ko nang magpahinga. Gusto ko munang tumigil ang mundo, para may pagkakataon naman akong makahinga nang matiwasay. Sobrang bigat na ng dibdib ko, hindi ko alam kung ilang sako ng bigas ang pasan-pasan ko. Huminga ako nang malal

