Chapter 21

1396 Words
Kinabukasan nang magising ako dahil sa mumunting haplos sa likuran ko at dahil wala pa akong saplot ni isa, maliban sa kumot ay ramdam na ramdam ko ang kiliti na nanunuot sa balat ko. Marahan akong nagmulat at nabungaran ang puting pader. Sa bandang ulunan ko ay ang bed side table kung saan naroon ang orasan— 5:38 AM pa lang. Maaga pa para pumasok sa trabaho, kaya pinili ko munang mahiga habang pinapakiramdaman ang daliri ni Adam sa likod ko. Tila may kung ano itong dino-drawing doon na purong mga bilog. Dahil doon ay naalala ko iyong nangyari kagabi, kung paano pinagkakaisa ng makamundong pagnanasa ang katawan namin ni Adam dahilan para uminit at mamula ang pisngi ko ngayon. "Good morning, beautiful. I know you're already awake," bulong ni Adam at saka pa hinalikan ang hubad kong likuran. Napapitlag ako at napakurap-kurap sa hangin, hindi dahil sa sensayong naramdaman kung 'di dahil sa sinabi nito, kalaunan nang mapait akong ngumiti. He knows that I'm already awake, kahit pa wala naman akong ginagawa o maski isang kilos. Nagpapatunay lang iyon na he's observant and very much attentive. Hindi ko talaga malaman kung anong pakay nitong si Adam sa akin kung bakit niya 'to ginagawa, kung bakit patay malisya pa rin ito. Naalala ko pa ang sinabi nito sa akin kagabi. “So, ano ka ba talaga, Reece? Journalist o spy?” Playing safe, eh? Napangiwi na lamang ako sa kawalan at dahan-dahan na inikot ang katawan paharap sa kabilang side kung saan siya naroon, doon ay peke akong ngumiti. "Good morning," simpleng sambit ko. "How was your sleep?" mabilis niyang turan, saka pa inayos ang buhok kong nakatabon sa mukha ko at iniipit iyon sa tainga ko. Sa simpleng galaw na 'yon ay animo'y may humaplos ang puso ko at biglang nalusaw ang kaninang iniisip ko, para akong alipin ni Adam na sa isang galaw lang niya ay kaagad kong susundin. "Ahm, tired?" mapaglarong saad ko at bahagyang ngumuso na para bang inaasar siya. Rason iyon nang malakas niyang pagtawa, sa pagkakataong iyon ay tuluyan na ngang nahulog ang loob ko rito. Tila pa nag-slow motion ang bawat pagtawa niya, pati na sa pandinig ko. Sa lalaking ito ko naranasan ang lahat. Lahat ng first time ko ay nakuha na niya. Nakakatawa lang, hindi ko akalain na ganito pala ang magmahal? Handang ibigay ang lahat para lang sa ikakasaya ng mahal mo. And yes, I do love Adam now. Ayoko lang sabihin at umamin. Sa ngayon ay natatakot pa ako sa mga posibleng mangyari. Hindi pa siguro ito 'yung time para guluhin ko ang puso niya, kahit ilang beses na nitong nabanggit na mahal niya ako. “I love you...” tila sirang plaka na nagbalik sa alaala ko ang sinabi nito kagabi. Totoo kaya iyon? Ako kaya ang sinasabihan niya? O baka dala lang ng kagustuhan niyang maka-move on, kaya ay nasasabi nito ang mga ganoong bagay? Nakangiti lang ako habang pinapanood ito, kalaunan nang tumigil siya at saka pinanggigilan ang tungki ng ilong ko, hinahalik-halikan niya iyon na halos magpatili sa akin dahil sa kiliting nararamdaman. "You want more?" pilyong sambit niya at bago pa ako madala ay malakas ko itong pinitik sa kaniyang noo. "Pwedeng bukas naman?" natatawa kong sagot, laking pagpipigil ko na huwag um-oo. "Sure thing," kaagad niyang segunda dahilan nang malakas naming pagtawa. Nailing na lamang ako sa kabaliwan namin. Isa pa, hindi pa ba siya nagsawa kagabi? Hindi ko nga halos mabilang kung ilang beses niya akong inangkin sa iba't-ibang posisyon. Mabilis akong bumangon na dala-dala ang kumot na nakapalibot sa katawan ko, saka dinampot ang dress kong nagkalat sa sahig ngunit natigilan din nang makita ang side slit nito ay dumeretso na ang punit sa v-line ng dress na nasa bandang dibdib. "Adam!" sigaw ko habang nanlalaki ang mga mata. Holy sh*t! Ano na lang ang gagamitin kong damit pabalik ng Rampage building? Paano ako makakalabas dito? "You can borrow my shirt. Here..." pahayag niya sa likuran ko, kaya nilingon ko ito. Nakita kong kalalabas lang nito sa walk-in closets niya at ngayon ay nakasuot na siya ng boxer habang may hawak-hawak na damit. Kagat ang labing napatitig ako sa hubad nitong dibdib hanggang sa matipuno niyang balikat, pababa sa kaniyang braso at abs na kahit ilang beses ko naman na iyong nakita ay grabe pa rin ang epekto sa akin. "So, you want more?" natatawang alok niya nang hindi ko mamalayang nakalapit na pala siya sa akin. Lumunok ako at mabilis na umiling, saka pa kaagad na kinuha ang hawak nitong damit. "You wish," sagot ko at dali-daling pumasok ng banyo. Habol ko pa ang hininga dahil sa lakas ng epekto sa akin ni Adam, parang hindi pa masanay-sanay ang kabuuan ko sa kaniya— he's too much for me, he's too much to handle. Napagpasyahan kong doon na maligo, pagkatapos ay sinuot ko lamang ang ibinigay nitong damit na plain white t'shirt at summer short na parehong malaki sa akin. Kibit ang balikat kong lumabas ng banyo at napansing wala na roon si Adam. Mabilis kong dinampot ang pouch ko at tuluyan na ring lumabas ng kwarto. Sa sala ay naabutan ko siya roon, nakasuot lang ito ng pambahay at mukhang wala yatang balak na pumasok. Nang makita ako ay kaagad din siyang lumapit sa gawi ko. Walang sabi-sabi ay hinalikan nito ang noo ko at masuyong hinaplos ang buhok kong basa pa, rason para muling magrigodon ang puso kong kakakalma ko lang kanina. F*ck! Ano ba? Bakit ba ganito? Required ba talaga na magkaganito ako dahil lang kay Adam? "You look sexy with my shirt on," bulong nito, sumilay pa ang mala-demonyong ngiti sa kaniyang labi. Kapag ganiyan talaga ay kailangan ko ng matinding pagpipigil sa sarili dahil sa totoo lang ay kanina ko pa gustong i-grab ang ino-offer nito. Nakakapang-laway naman kasi talaga itong si Adam. Huminga ako nang malalim at sinuklian lamang ito ng ngiti, saka ko ikinawit ang kamay sa matipuno nitong braso. "Let's go, ihatid mo na ko at may pasok pa tayo," pahayag ko at bahagya itong hinila palabas ng bahay niya. Nagpatianod naman ito kung kaya ay hindi na ako nahirapan sa laki ng katawan niya. Nang makalabas ay nilingon ko pa ang villa nito at kahit sa labas ay sobrang ganda rin ng outerior design, maging ang purong puting pintura nito. "Paano ka naging VIP employee ng Rampage Society?" Wala sa sariling nagpalinga-linga ako, roon ay napagmasdan ko ang pool area na naroon sa gilid ng bahay niya. May kalakihan iyon habang nakapwesto naman ang patio sa may lilim na nakatapat sa mga palm trees. "Binili ko ang 30% ng Rampage, I'm one of their stockholders," simpeng sagot nito ngunit sapat na para magulantang ang mundo ko. "Binili mo? Bakit?" nagtatakang turan ko habang natulala na lang sa nilalakaran namin. Halos hindi ako makapaniwala, akala ko ay simpleng empleyado lang ito na may mataas na position, pero stockholders? Kung tutuusin ay mas malaki pa pala ang shares niya sa Rampage Society kumpara sa naging shares ni mama noon sa pagiging fallen angel nito. "Bakit?" muli kong pagtatanong nang hindi siya sumagot. Nilingon ko ito at nakitang deretso lang ang tingin nito sa nilalakaran namin, malapit na kami sa Rampage building kung kaya naman ay tumigil ako dahilan nang paghinto niya. "It's nothing, Reece. You know, I just want to prove to myself that I can be a billionaire without the help of my dad," mababang boses na pahayag niya. "Pero illegal nga itong Rampage Society, bakit ito pa ang pinili mo?" Ang daming iba riyan, maraming company sa Maynila ngunit mas pinili niya rito sa isla at sa mismong Rampage Society pa? "It's all because of you, Reece. Napadpad ako rito dahil sa paghahabol ko sa 'yo. At least be proud," walang emosyong turan niya habang titig na titig sa akin, tila ang laki ng galit niya sa hindi ko malaman kung kanino. Kung sa akin ba, o sa daddy nito? Pero teka, dahil sa akin? Be proud? Saan banda? Pagak akong natawa kahit pa hulas na hulas na ang emosyon sa mukha ko, pakiramdam ko ay bumigat ang puso ko sa sinabi nito. Literal na hindi ako makapaniwala at napipilan siyang tinitigan. "Soon, you'll gonna realize that I'm doing these to save your f*cking ass," matigas niyang sambit, saka ako iniwan roong natulala na lang sa kawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD