Chapter 22

1381 Words
Wala sa huwisyo nang mapabuga ako sa hangin, kumawala pa ang mapakla kong pagtawa. Ano raw? He save my f*cking ass? Bakit, ano bang mayroon? Kahit kailan talaga ay hindi ko maintindihan ang lalaking 'yon, animo'y ang daming itinatago at hindi man lang masabi-sabi sa akin. Nang mawala ito sa paningin ko ay ilang beses na lamang akong napailing sa kawalan. Na-disappoint man ay kibit na lang ang balikat kong tumalikod upang makapasok na sa Rampage building. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakaapak sa loob ay nahinto rin ako kaagad nang makita ko si Ash na papalabas ng building. Dederetso sana ito ng lakad, pero natigil din nang makita niya ako. "Oh, hey!" aniya nang huminto ito sa harapan ko. "Ricci, right?" Tumaas pa ang kilay nito na para bang may iniisip dahilan para mapangiwi ako. Nakaraang araw lang naman kami nagkita, so, I guess hindi niya kaagad iyon makakalimutan. Unless na lang na marami siyang babaeng nakakasalumuha. Or baka nga nadadala pa sa kama. I don't want to judge, pero sa galawan pa lang nito ay nakikita ko na sa kaniya si Accent— the ultimate f*ckboy of the year. He has the same vibes, o baka hindi ko lang din talaga feel si Ash. Ang parehong mata nito ay malikot, animo'y may hinahanap kung kaya ay hindi maiwasang mangunot ang noo ko habang pinagmamasdan ito na ngayon ay nakatitig lang sa kabuuan ko. Bumaba pa ang tingin nito sa suot kong damit dahilan nang pagngisi niya at doon ko lang na-realize ang itsura ko ngayon. "Yeah," mabilis kong sagot para kunin ang atensyon nito. "So, where's Adam?" Sa tanong na 'yon ay kibit-balikat ang naging sagot ko. Ewan ko ba roon kay Adam, ang hirap din kasi basahin ng galaw nito. Ilang segundong natahimik si Ash, tumabingi pa ang ulo niya at sandaling nag-isip. Ako naman ay napatingin sa relo, baka kasi ay ma-late pa ako sa trabaho dahil sa lalaking 'io. "May kailangan ka pa ba?" kalaunan ay tanong ko rito. Kita ko pang tumaas ang isang sulok ng labi nito, mayamaya pa ay marahan siyang umiling bilang sagot. "Kung ganoon ay mauuna na ako," paalam ko at tangkang lalampasan siya nang magsalita ito. "Ikaw ba 'yung girlfriend ni Adam?" alanganing sambit niya kung kaya ay wala sa sariling binalingan ko ito. Girlfriend? Nag-isang linya ang labi ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi niya ako girlfriend and yet, may nangyari na sa amin. How funny it was. Peke akong ngumiti rito at bahagyang lumayo upang bigyan ng espasyo ang pagitan namin. "So, I guess... ikaw nga. Miller ka 'di ba?" segunda nito na mas lalong nagpakunot ng noo ko. "How did you know that?" taas ang kilay kong pagtatanong, ayokong mag-assume na kung tama bang girlfriend ang pakilala sa akin ni Adam dito kay Ash. "Of course, after all he's my brother," mayabang niyang saad ngunit mabilis ding napangiwi. "Half-brother... since he's the illegitimate child of my father to his first wife." Say what? Halos mapanganga ako dahil sa sinabi nito. Magkapatid sila ni Adam? For f*ck's sake, bakit hindi kaagad sinabi sa akin ni Adam? Hindi makapaniwalang napatitig ako sa mukha ni Ash na hindi ko makita ang pagkakapareho ng itsura nila ni Adam. Kaya siguro ay hindi ko rin naisip na magkapatid nga sila. Wow, just wow. Wala na akong naging imik dahil wala na akong makapang sasabihin pa, tila naputulan na yata ako ng dila dahil sa isiniwalat nito. "So, nice meeting you, Ricci. I'll go ahead, all right. See you when I see you," paalam nito at wala nang lingun-lingon na nilayasan ako. Hindi ko alam kung ilang minuto akong natulala sa bulto ng katawan nito na unti-unti nang nawawala sa paningin ko. Kalaunan nang magpasya akong pumasok na sa loob ng Rampage building. Dali-dali akong umakyat ng hagdan at nang makarating sa unit ay mabilis din akong nag-ayos ng sarili. Nagsuot lang ako ng pormal na dress at isang pares ng flat shoes. Pasado alas otso nang matapos ako, kaya kaagad ding lumabas at tinungo ang elevator. Ilang sandali pa nang tuluyan na akong makatungtong sa sixth floor. Malalaki ang bawat hakbang na ginagawa ko hanggang sa makapasok ako sa loob ng Tech Hub, wala na akong sinayang na segundo at nilakad ang kahabaan no'n palapit sa opisina ni Adam. Kailangan ko lang siyang makausap. Naiinis kasi ako kung bakit ganoon ang inasta nito kanina, matapos may mangyari sa amin ay ganoon na lang? Naisip ko tuloy na baka iyon lang talaga ang habol niya sa akin? Natural na 'yon sa mga lalaki, hindi ba? Tch, bakit ganito? Hindi ko maiwasang masaktan dahil sa sariling naisip. Ayokong mag-conclude, kaya kakausapin ko na lang ito. Isa pa, gusto kong i-clarify dito kung ano ba talaga kami. Kung totoong girlfriend na ba ako nito, ayon kay Ash na siyang kapatid pala niya. How dare him! Bago ako makarating doon ay nadaanan ko pa ang work station ni Accent na ngayon ay nakaharap sa pwesto ko, tila inaabangan ang paglapit ko dahilan para pagtaasan ko siya ng kilay. "Oh! Hi, Miss Miller," bati niya sa akin, saka pa ngumisi dahilan nang pag-irap ko. "Hi to yourself, Mr. Jones," pagtataray ko rito at walang anu-ano'y nilampasan siya. Dere-deresto akong pumasok sa loob ng nasabing opisina ng head at support IT specialist, kahit pa ay may nakasabit na karatula sa labas ng pinto na “unathorized person is not allowed”— whatever. Nang mabuksan ay tumambad sa paningin ko ang malawak at maaliwalas na opisina dahil na rin sa malaking glass window na naroon sa kabilang side. Sa bandang gitna ay may pabilog na lamesa, kung saan may mga nakahilerang computer monitor habang sa kabilang gilid ay may mga cubicle din. Abala ang mga tao roon dahilan para hindi nila mapansin ang pagpasok ko, kaya lumapit ako sa ilang monitor sa gitna. Halos magsalubong pa ang dalawang kilay ko nang matantong mga CCTV footage iyon sa iba't-ibang kwarto rito sa Rampage building. Sandali akong napahinto nang may maalala. Selected rooms lang ba ang may mga CCTV camera? Wala kasi akong nakitang naka-install sa unit ko. Mabigat ang hininga kong pinanood ang ilan doon at natantong sa salamin sila naglalagay ng hidden cameras dahilan para bumigat ang dibdib ko. F*ck! So, posibleng iyong malaking salamin sa kwarto ko ay isang two way mirror? Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, saka pa lumapit sa ilang lalaki na nagkukumpulan habang may pinapanood sa computer, ang iba rito ay pigil ang mga sarili na huwag tumawa. Kuha rin iyon mula sa CCTV at halos matutop ko ang sariling bibig nang makitang video scandal iyon. Imbes na umalis at huwag panoorin ay napako na ang tingin ko sa dalawang magkaniig. And to my f*cking surprise. It's no other than Windy and Accent who's having a hot steamy s*x for christ's sake! Nanginig ang kalamnan ko at mariing napapikit, hindi rin nagtagal nang mabilis akong nagmulat dahil sa baritonong boses na iyon na umalingawngaw sa kabuuan ng opisina. "Who the hell gave you the permission to enter this room, Ms. Miller?" "A—Adam?" Nanginig ang labi ko habang tuluyang napako ang tingin ko sa kaniya. Kalalabas lang nito mula sa isang pinto, malayo man ang pagitan namin ay kitang-kita ko ang pagkakakunot ng kaniyang noo habang masama ang tingin sa akin. Ang mga lalaking nagkukumpulan naman kanina ay mabilis na nagsitayuan at bumalik sa kani-kanilang cubicle. Hindi ako nakagalaw nang mag-umpisa itong lumapit sa gawi ko at marahas na hinila ang braso ko, rason para mapangiwi ako. Kita ko pa ang ilang leeg na lumingon sa amin hanggang sa makapasok kami sa isang kwarto at pabagsak nitong isinarado ang pintuan. "Here," matigas niyang sambit at saka inilabas mula sa likuran nito ang isang baril. Muling nanlaki ang mga mata kong inabot iyon at natantong ito ang baril ko na kinuha sa akin ni Cloud. Paano napunta sa kaniya? Kinuha ba nito kanina bago siya pumasok? Nilingon ko ito at maang na tinitigan ang walang expression niyang mukha. Tumikhim ako at pinilit ang sarili na ngumiti kahit pa ay totoong kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. "T—Thank you..." "Take that and go back to where you belong, bumalik ka na ng Italy kasama ng mission mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD