Halos manigas ako sa mismong kinatatayuan ko dahil sa sinabi nito, hindi ako kaagad nakagalaw na parang pinanawan ng ulirat at tanging pagtitig na lang ang nagawa ko rito. Nananatili itong nakatayo habang mariing namasid lang sa akin.
Pinapanood lang ni Adam ang magiging reaction ng mukha ko. Nang wala pa rin akong imik ay tumalikod ito, kung saan parati niyang ginagawa sa akin kung kaya ay wala sa sariling natawa ako na siyang ikinahinto nito.
"Bakit ba ganiyan ka?" Pumiyok ang boses ko at hindi na naitago ang pait doon.
Hindi ito nagsalita, o lumingon man lang sa gawi ko. Expected ko na 'to, kaya hindi na ako nagulat. Mas nangibabaw pa ang sakit sa puso ko, tila isang punyal ang kaninang sinabi nito sa akin dahilan para mawarak ang buong pagkatao ko.
"Matapos mong makuha sa akin ang lahat, ganito na lang?" dugtong ko, saka pinanatiling matatag ang sarili.
Sa totoo lang ay ayokong umiyak, kahit pa sobra akong nasaktan. Hindi ito ang magiging dahilan ng pag-iyak ko. Iyon lang ba? Hanggang doon na lang ba? Ngayon ay alam ko na kung bakit ngayon niya lang sinabi sa akin 'to, ngayon lang ako nito kinompronta dahil may nakuha na siya.
"Akala ko, iba ka sa mga lalaki, Adam—"
"Stop it, Reece," mabilis niyang putol sa sasabihin ko, bago marahas na humarap sa akin.
Kagat ang labi nitong tinitigan ako, kalaunan nang bumuntong hininga siya sa kawalan.
"I'm doing this to save you, Reece. Ayokong madamay ka dahil ikaw na rin ang nagsabi, illegal itong Rampage Island, kaya nga bago pa magkaroon ng gulo... umalis ka na."
"Pero paano ka?" tanong ko at bahagyang lumapit sa kaniya.
Kita ko pa ang pagdaan ng sakit sa parehong mata niya dahil sa sinabi ko. Mananatili ba siya rito? Hindi ba niya maiwan-iwan ang Rampage dahil sa shares nito sa company?
"I can handle myself," tila labas sa ilong na pahayag niya saka pa nag-iwas ng tingin.
Lumayo pa ito sa akin ngunit bago pa mangyari 'yon ay mabilis kong naabot ang kamay nito at mariing hinila pabalik sa akin. Dahil doon ay sandali itong natigilan at bumaba ang tingin sa kamay kong mahigpit ang hawak sa kaniya.
"Kung aalis ako, sumama ka. Iwan natin 'tong isla," mahina ngunit sapat na para marinig nito.
Ngunit ganoon na lamang ang pagtawa niya na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. Dahan-dahan pa itong umiling, saka hinawakan ang kamay kong nakahawak sa kaniya.
"Look, Reece, hindi madaling lisanin ang isla para sa akin, pero mas mapapanatag ako kapag alam kong nakaalis ka na sa lugar na 'to at hahayaan kita sa mga impormasyon na nakuha mo."
"Pero, Adam—"
"No buts, okay? Makinig ka sa akin, aalis ka kasi iyon na naman talaga ang nasa mission mo, hindi ba?"
Huminga ako nang malalim at marahang tumango na lamang bilang sagot dito. Bumuka ang bibig ko para sana magsalita ngunit hindi ko na nagawa nang yakapin niya ako.
Rason para mapasubsob ako sa matipunong dibdib nito, pareho pang nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Ilang sandali lang din nang matagpuan ko ang sarili na sinusuklian ang mahigpit niyang yakap.
"And I'm true to my words, Reece, mahal kita... noon pa 'di ba?" aniya habang hinahaplos ang buhok ko. "Kaya poprotektahan kita sa abot na makakaya ko."
"I love you, Adam..." mahinang usal ko ngunit alam kong nakaabot sa pandinig niya.
Naramdaman ko naman ang paninigas ng muscles nito sa braso, pati ang buong katawan niyang hindi rin nakagalaw dahil sa sinabi ko. Hindi nagtagal nang marinig ko ang palatak nito sa hangin at ang mahihina nitong pagmumura.
Mas humigpit pa lalo ang yapos nito sa akin na para bang ayaw na niya akong pakawalan. Naiipit man ay hindi na ako umangal, ito ang gusto ko. Sa wakas ay nasabi ko na rin ang totoong nararamdaman ko.
I know, I'm in the wrong place and time, pero walang makakapigil sa akin para mahalin si Adam. Maaga pa para sabihin kong he's the one for me, but it feels like he's the right person for me.
"Great! And I so f*cking love you, Reece. You know that, right?" pahayag nito na siyang tinanguan ko.
"So, what are we now, Adam?" tanong ko, saka kumalas sa yakap niya at mariin siyang tinitigan.
Sa tangkad niya ay halos mabali ang leeg ko sa katitingala sa gwapong mukha nito, ang parehong mata niyang nakatitig pabalik sa akin ay siyang labis kong hinahangaan sa kaniya.
It was dark and expressive ngunit sa kadahilanang madalas ay seryoso siya, nagmumukha itong masungit at mayabang pero they don't know how sweet and caring he is. And I am madly, deeply inlove with this man.
"What do you want? You want to be my girlfriend or wife?" bulong nito dahilan para matawa ako.
"Pakasalan mo muna ako bago wife. Syempre girlfriend muna," sagot ko at para lang kaming baliw na nagtatawanan doon.
"Akala ko ba ay ayaw mo akong pakasalan?" taas ang kilay nitong saad.
"Ikaw na rin naman na nagsabi 'di ba, I don't have any choice at kung magkaroon man ay pipiliin ko pa rin ang pakasalan ka."
At hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang kakornihan ko, pero bahala na, masaya naman pala maging corny paminsan-minsan. Natapos ang araw na 'yon na halos hindi na kami mapaghiwalay ni Adam.
I don't know but it seems like gusto ko siyang makasama nang matagal, bago man lang ako umalis dito. Mas gusto kong nararamdaman ito sa tabi ko at baliw na nga siguro ako dahil mas naging clingy pa ako rito na parang ayoko na siyang pakawalan.
Gustung-gusto rin naman nito iyon at walang problema kay Adam. Kinabukasan nang sabay kaming pumasok, sinundo ako nito sa unit ko at parang hindi na yata matigil-tigil ang malakas na pagpintig ng puso ko kada masisilayan ko ang gwapong mukha niya.
So, we are officially dating at ganap ng boyfriend ang matatawag ko sa kaniya, kaya naman ay maganda ang gising ko sa umagang iyon. Masaya kaming naglalakad sa sixth floor habang magkahawak-kamay.
Kalaunan nang sabay kaming matigilan dahil sa mga sigawan na umaalingawngaw sa hallway na 'yon. Doon namin nakita ang dalawang lalaking nagpapalitan ng suntok habang nasa isang gilid naman ang isang babae.
But wait...
Mabilis naming nilapitan iyon ni Adam at nahinto lang nang tuluyang kaming nakalapit.
"F*ck! What's happening here?" matigas na sigaw ni Adam na maski ako ay nagulat sa biglaan niyang pagsigaw.
Ngunit kaagad din akong nakabawi at nilingon ang babaeng mas nangingibabaw ang pag-iyak habang hawak-hawak nito si— Accent.
"Cali... is that you?" Nanlalaki ang mga matang pinakatitigan ko ito.
Anong ginagawa niya rito? Kailan pa siya nandito? Hindi makapaniwalang pinasadahan ko ito ng tingin hanggang sa malingunan ko ang kaaway ni Accent na wala pa ring tigil sa pagsusuntukan.
"McArdell!" sigaw ko nang mamukhaan ito. "What's happening here?"
Nang mapaghiwalay ni Adam ang dalawa ay marahas kong hinila si Ardell na siyang pinsan ko at anak ni Tita Heather, samantalang si Cali naman ay adopted ng pamilyang Myles, pero tinuturing ko na ring pinsan.
Mabait ito at bubbly kung kaya ay madali lang nitong nakuha ang loob ko at iyon din siguro ang rason kung bakit buong puso siyang tinanggap dahil sa angking kabaitan nito.
Napahinga ako nang malalim nang makitang putok ang labi ni Ardell at duguan ang ilong nito. Sh*t talaga! Isa pa 'to, ano ba kasing ginagawa nila rito sa isla? Bakit sila nandito?
"It's nothing, Laureece," mapait na turan ni Ardell dahilan para matigilan ako.
Pati ako ay nafu-frustrate na sa mga 'to. Isusumbong ko talaga sila kay Tita Heather. Mabilis kong nilingon si Cali at dahil mas nakakatanda ito ay siya na lang ang kakausapin ko ngunit natigilan din ako nang dumako ang tingin ko sa suot nitong panlalaking damit.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nilingon si Accent, palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa, animo'y naghahanap ng sagot kung tama bang may relasyon ang mga ito.
"Let go off my girlfriend, little boy. She's not yours, she's mine," mariing pahayag ni Accent na naging sagot sa kaninang katanungan ko.
Teka nga, sila ni Cali? Isang f*ckboy si Accent, baka hindi niya alam?
"She's already mine, so back off!" singhal ni Ardell at parang napanawan yata ako ng ulirat sa narinig.
For f**k's sake, magkapatid ang dalawa, though, hindi naman talaga dahil ampon si Cali but it doesn't make sense— sa mga mata ni Tita Heather ay anak niya ang dalawa. Goodness.