"I hate you, Ate. Hindi ko alam kung mapapatawad pa kita." Patuloy ang pag-iyak nito na kagaya ko ay walang humpay sa pagtangis. Sa lahat ng masasakit na salitang narinig ko, iyon ang pinakamasakit. Tila isang punyal iyon na tumarak sa puso ko dahilan nang pagsikip no'n, sa kabila nang malakas na pagtibok ay ang naghihingalo kong paghinga. Mariin akong pumikit nang maramdaman ang palad ni Lauren sa kanang pisngi ko, ngunit animo'y namanhid na ako at parang wala lang sa akin iyon, ni wala akong maramdaman. Kaya nananatili pa akong nakapikit, hinihintay ang isa pang sampal sa kabilang pisngi ko, pero wala akong natanggap. Mas lumakas ang paghikbi niya, kaya wala sa sarili nang nagmulat ako. "Ikaw lang ang kaisa-isang tao na nagparamdam sa akin ng ganito. I really hate you to death," sigaw

